EASILY SAID THAN DONE

sunday morning in singapore… oras na naman para tumawag sa mga kamag-anak sa maynila. kamusta na kaya sila? masaya ngayon sa pilipinas dahil uuwi si donna at david (mga pamangkin ko) galing sa US at Europe. marami na naman silang happenings. buti na lang, at least matutuwa ang mga tao sa novaliches.kamusta na kaya sa antipolo? same time last week, kasalukuyan kaming nasa tagaytay at nagpapasarap ni jet. ngayon, eto na ulit kami sa malayong lugar, naghihintay na naman ng pagkakataon para makapag bakasyon.

nagluluto si jet ngayon ng lunch namin. di ko nga alam kung anong ulam namin. palagay ko eh yung giniling na stuffed sa lettuce. no rice dahil nagpapayat na ulit ako. medyo nadagdagan na naman ang timbang eh. naknangtokwa kasi eh yung huling uwi namin eh sobrang dami ng party at inom. ayan tuloy…

new year: chance na naman para mag-implement ng OPLAN: magpapayat. hopefully by december 2003 ay maibalik ko ang college waistline ko na 32. ngayon nasa 36… not acceptable. simple lang naman mag loose ng weight: right diet and exercise. easily said than done, my friend(ang parating binubulong ng “the voice at the back of my head”).

tangna, kung si janice de belen ay pumayat, kaya ko rin!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *