LIKE A KOI IN A FROZEN POND

Amor and JennyPeng

ang kwentong tambay book sighting na ito ay handog sa inyo ng “OLD SPICE KATOL – ang pamatay ng lamok na may amoy”. kabayan, ipadala niyo lang ang inyong mga litrato with the book kalakip ang limang tansan ng mountain dew para mailalagay ko rin kayo rito.



Father Bat,

Lagot ka! Masyado mong pinaiyak si Amor sa libro mo!!!! Sobrang natouched sya sa similarity ng buhay nyo! Yun papa pala nya eh nambabae din at naghiwalay ang parents nya when she was 13 tapos nagkabalikan when she was 25… tas shortly after eh namatay din ang papa nya!!! Pero umabot naman daw ng 2 yrs… pucha, humahagulgol ang Amor eh!

Tapos biglang tatawa ang gago!!!!!!

Tapos hagulgol na naman nung nabasa yung part abt your Mom going to S’pore and travelling outside Pinas for the 1st time… hinde kasi namin binasa ng in sequence yung book mo… mas masaya kasi yung ganon… parang daily reading kumbaga! minsan binabasa din namin yun ng pabaliktad, nakataob or patiwarik! hehehe…

Nga pala, we won Gold sa dragonboat breast cancer race! Ang sarap ng feeling kasi we were being cheered by breast cancer survivors/sufferers… iyak nga ako eh kasi yung isang category e puro breast cancer survivors/sufferers lang and yung isang team from South Africa eh kagagaling lang 2 days before sa chemotherapy… pero they still won bronze yata! Ang galing!

Ingat kayo jan. Keep running Bat! sana ikaw din Mother Jet. Sa Oct 29 eh kasali kami nila Amor sa Great Eastern Women’s 10k marathon.. proceeds non will go towards battling child prostitution in Thailand. So dati nagpaddle ako para sa mga suso, ngayon naman eh para sa fek! excited na nga kami sa pekpek race… yung isang sponsor eh yung pH (panghugas ng fekfek) kaya tawa kami ng tawa! sana makatakbo din ako alang alang sa mga titi in the future!

Pakisabi kay Mother Jet she’s always thought of, ok?

jennypeng


dear jennypeng,

buti naman at naiyak si amor. ngyehehe. pareho sila ng sister ni jet – naiyak sa kakabasa ng supposedly funny kwentong tambay book.

napagusapan na yata natin ito nina jet nung first meeting natin sa singapore. may similarities nga ang buhay namin ni amor. especially yung tungkol sa mga tatay naming chick boy. yung sa kanya nga lang eh pulis sa akin ay gigolo broadcaster. mahirap talaga pag magandang lalaki, parang magnet sa mga chickababes. kaya nga ako ay lumalayo na lang. BWAHAHA.

naramdaman ko rin na mahal na mahal niya ang tatay niya kahit ano pa ang ginawa nito. dito, pareho rin kami. siguro kaya magaan ang dugo namin ni jet sa inyo – marami tayong mga common history. isa na rin yung pare-pareho tayong mga kengkoy at siraulo.

buti naman at nanalo kayo sa dragon boat suso race – tama ka, masarap ang feeling ng being cheered on by breast cancer survivors at patients. nung tumakbo nga ako, ang isa kong kunsuelo ay mapalakpakan at ma cheer ng mga breast cancer survivors. malaki rin ang na-raise namin. over $2million sa orange county. sa group namin naka almost $3,000 through pledges and donations. gusto ko ang charity work na ganito. nakakataba ng puso. siguro, ganon din ang feeling ninyo.

ang galing naman ng pekpek race na sinalihan ninyo at bongga ang sponsor – panglinis ng pekpek. sana may magbigay ng libreng sample. pwede ba yang panghilamos? dito kasi, libre lahat ang mga produkto ng sponsor doon sa mga booth during race day kaya ang dami kong nauwi na mga souveneir nung tumakbo ako. wala nga lang panghugas ng pekpek.

o siya, ingat na lang at kamusta sa inyo ni amor. miss na namin kayo ni jet.

jay

12 thoughts on “LIKE A KOI IN A FROZEN POND

  1. pwede bang lata na lang ng mountain dew? saan po pwedeng magpadala ng pic parang gusto kong mapost ang pagmumukha ko sa blog ninyo along with your book,sineryoso ko talaga hehe!!

  2. sa palagay ko lang, iyon ang pinaka-asset ng libro mo bosing. Kumpletos rekados. Me nakakaiyak, me nakakatawa at me kapupulutan ng aral. At madaling maka relate sa mga kwento. Kaya siya mabili eh. Congrats ulit.

  3. hindi ko pa nababasa yung libro mo kuya pero yung asawa ko, everytime na mag-uusap kami.. yan ang lagi nyang binibida! minsan nagbabasa pa sa telepono para daw marinig ko at sabay hahalakhak ng todo!! aysus.. nu ba yan!

    masaya ako dahil nag-eenjoy syang basahin ang libro mo! thanks ulit kuya..

  4. gusto ko ngang i-blow up ang kuko mo pero next time na lang. salamat sa inyo ni amor sa pag approve na ma post ang sulat mo.

    pwede pala talaga kayong maging mga model. next time pag ginawa ko na ang commercial sa “RUBY BLADE POMADE, ang pomada ng mga nag-aahit” kayo ang kukunin kong mga model.

  5. ito ang na-mi-miss ko, ang humagalpak sa katatawa dahil sa inyo.. sa yo tito batjay, sa delayed na pag react ni tita jet, sa kakulitan ni tita amor at punchline ni jennypeng.

    katuwa yung email exchange nyo, aliw!

    hay, sarap talaga tumawa no?

  6. hi miss buntis!

    malapit na malapit na. excited na kami ni jet. sana pag nagkita tayo ay tapos na panganganak mo para makita ko naman ang baby.

    mga siraulo talaga ang mga pinoy sa singapore kaya nami miss namin kayong lahat. wala yatang araw na hindi ko naiisip ang mga masasayang mga get together natin. di bale in a month’s time nariyan ako para bumisita. sayang lang at wala si jet.

    ingat at kamusta kay papa ron.
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *