blackjack on a saturday night

prior to last weekend, hind pa ako nakakarating sa las vegas. ever. marami akong image nito simula nang mapanood kong na nagsasayaw si da king at ann margaret sa pelikula. nadagdagan pa ng mabasa ko’t mapanood ang godfather ni puzo at coppola. at last week nga na devirginize ako sa vegas. teka nga let me rephrase that: nakarating na rin ako sa wakas sa las vegas. it was everything i expected it to be: vulgar, loud, obscene and in your face. i loved it. habang gumagala nga sa strip, panay ang tingin ko sa paligid. pilit kong hinahanap yung suicidal alcoholic character na kamukha ni nicholas cage na kasama yung prostitue character na kamukha ni elizabeth shue.


ako, hindi talaga mahilig magsugal. pero nagpatalo naman ako ng $20 sa slot machines. yon na ang pinaka alay ko sa diyos ng las vegas. hanggang dito lang ako. alam ko kasi, hindi ako mananalo. ever since naman malas ako sa sugal. naniniwala nga ako doon sa kasabihang parati kong naririnig sa mga kaibigan kong mahilig mag tong-its: malas sa sugal, suwerte sa pag-ibig. iyon ako.

kung hindi man ako mahilig magsugal, mahilig naman akong manood ng mga taong nagsusugal. masarap panoorin ang mga naglalaro, lalo na yung malalaki ang mag pusta sa pusoy. tinitingnan ko ang mga mukha nila pagkatapos makatanggap ng baraha. pinapanood ko kung paano sila dumiskarte. mas gusto ko pag mabaho ang baraha – tinitingnan ko kung kaya pa rin nila itong ipanalo. kung titingnan mo, parang buhay talaga ang sugal – you do your best with the hand that is given to you. or perhaps it’s the other way around. ang sugal ay parang buhay. yan na rin siguro ang dahilan kung bakit talagang wala akong hilig mag casino: sobrang sugal na ang buhay at hindi ko na kailangan pang pumusta sa kung saan.

14 thoughts on “blackjack on a saturday night

  1. P’reho tayo, walang hilig sa sugal… hangang pares-pares lang ako, diyes (10c) kung may alas (ace), singko (5c) kung wala. Kaso lagi akong talo kay Inang (rip).

  2. Ako din naman e, puro beginner’s luck lang. After that, everything goes downhill. Pero kung sabagay, mas gusto ko na yata yung ganun kesa naman swerte nga sa sugal, malas sa pag-ibig. Mas kelangan ko yata ang pag-ibig sa buhay kesa sa sugal.

    Labyu! 😀

  3. yan maganda mylab. pareho tayong malas sa sugal, swerte sa pag-ibig. nakita ko nga yung tayaan doon sa casino, everything is done fast. so you either win a lot or lose a lot immediately. statistically, ang bangka ang parating panalo.

    lab U!

  4. P’reho tayo ng observation… the money changes hand quickly. Once I played blackjack (small casino in North Dakota) & lost $20 in under 5mins! Buti na lang company money yun, outing kasi & they gave each of us $50 to spend.

    Pares-pares laro ng inang ko (nanay ni tatay), tinuruan nya ko tipong 7yrs old ako hehe Yun mahilig sa sugal – sakla, bingo, baraha

    I also know how to play tong-its & pusoy Dos pero matagal na kong di naglalaro. Masarap pampalipas ng oras hehe

  5. Same here. $3 ang limit namin sa slot machine – suwerte nalang we win and lose just enough to be entertained for an hour or so with that measly amount. Of course, we always lose our $3 investment in the end (house always wins di ba?).

    I completely agree with your two points: malas sa sugal, suwerte sa pag-ibig and your last three sentences. 🙂 So true…

  6. hello dear kapitbahay!

    wow, now that’s really a talent – being able to stretch the $3 on the slots for an hour or so. the house really always wins. ang trick nga raw sa paglaro sa casino is don’t stay longer than 2 hours. when you’re ahead – cash in your chips and leave. don’t play when you’re tired or intoxicated, enso on enso port.

    kamusta na kayo ni don arnel? ready na for the cerritos dinner? ngyehehe.

  7. Nun ding dalhin kami ng mga pinsan ni misis sa casino, binigyan nila ko ng puhunan, itinago ko lang yung kalahati. Sayang din e. Kung napalago ko yung isinugal ko, baka na-addict pa ko. Serte na rin yun.

  8. hi again auee. ang pag distribute nga ng mga baraha ay automated na. may machine that picks the cards and the dealer just distributes it to the other players.

    everything happens so fast. even the slot machines – hindi na uso yung lever to pull (although it’s still available). may mga buttons na to roll the contraption.

  9. Ako naman di rin marunong magsugal, pero sa dami ng karanasan ko sa buhay ,masasabi kong Champion ako sa sugal.Marunong akong dumiskarte, sabi nga ng katrabaho ko sa Landmark,gusto nya katulad ko, may anak pero walang asawa.Pangalawang anak, pero wala pa ring asawa. Ngayong nagkaasawa na, di na magkaanak. Kano, ang napangasawa ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *