Life stinks, but that doesn’t mean you don’t enjoy it

TAGAYTAYJULY-046

curious lang ako… pag nakita nyo ba ang picture na ito, ang ang naaalala ninyo? pagkain ba or “lord of the flies” ni william golding. ako, paiba iba at depende sa oras – pag lunch eh naiisip ko lechon cebu, sawsawang suka na may toyo na binudburan ng siling labuyo at hanging rice (puso). sarap non. ispokening of pagkain. na mi miss ko ba ang pagkaing singapore? oo. dalawang linggo na kami ni jet dito sa maynila. nag iba nang panlasa ko at parang ang layo na namin sa nakagisnang buhay sa singapore. hindi ko na sana aaminin pero sige – ang isa ko pang nami miss ay ang anghit. hehehe. packingsheet. akala ko hindi ko ito hahanap hanapin. medyo weird nga eh. kanina lang nasa mall ako at napapaligiran ng maraming mga tao, i was half expecting na makakaamoy ako ng putok. wala. kahit putok ng paltik – wala. hina hanap hanap ko tuloy ang mabagsik na amoy langkang hinaluan ng sibuyas na halos mag pabiyak sa ilong ko.

29 thoughts on “Life stinks, but that doesn’t mean you don’t enjoy it

  1. Sa Singapore may anghit pero malinis environment. Sa Pilipinas naliligo 2x or 3x mga pipol….but my golly, anak ng pasig naman kayo…kalat doon…kalat dito…

  2. Aww! that’s sweet of you missing the Singapore air. I hope someday I’ll get that feeling, too – missing the anghit that tests your senses.

    For now, shite! Friday na naman at syempre mas malala ang amoy nila. I love Mondays, because it’s the start of the week and that they make it a point to bathe.

  3. kaninang umaga may nakatabi ako sa jeep…anlakas nang putok, hanggang ngayon 2:30 p.m. na, naninikit pa sa loob ng ilong ko! hatsing tuloy ako nang hatsing.

  4. haha.. oo nga daw balita ko. naisip ko tuloy, anong mas ok? yung malinis ang environment pero mala-sibuyas ang amoy ng mga kausap mo. o yung di kalinisan e.g. dito sa maynila pero mababango naman ang mga tao. maya’t maya e naliligo…? hmmm…

  5. Bayaan mo BatJay… Pag-rush hour dito sa London Underground at nadikit uli ang mukha ko sa kili-kili ng mga pana o egoy dito, I will inhale deeply for you… tipong “for batjay with love”.

    O pwede din akong sumigaw ng “HARA-KIRI!!”

  6. Sir Batjay,
    Certified nomad talaga kayo ni misis, parang dinaanan niyo lang ang Singapore, then you’ll start another adventure sa US.

  7. madali lang problema mo sa anghit bosing. Ito ang gawin mo:

    1. Itapon lahat ng deodorant ng mga kasama sa bahay.

    2. Pagbawalan silang maligo ng tatlong araw.

    3. Paglinisin mo sila ng buong bahay.

    4. Pagbawalang magpalit ng damit at magpunas ng kili-kili.

    Voila, after three days, me putok na jan sa bahay nyo. Langhap-langhapin mo ng pagkalalim-lalim.

    Enjoy!

  8. hi auee, ang pangalang walang consonant.

    kamusta na riyan sa bayan mong adopted? back to normal na? maraming salamat sa pag-alala sa akin

    pag may nakakasabay kang may putok sa tube, ganito ang gawin mo: magbaon ka ng kanin. pag may nakatabi kang mag putok. mag deep inhale ka sabay subo sa kanin. para ka na ring nag lunch. hehehe

  9. ganito na lang ang gawin mo, ronald. kanta ka na lang ng…

    (to the tune of pipit)

    mamang may anghit
    ang kili kili mo’y amoy
    pag ikaw ay lumalapit
    ang ilong ko ay
    mabibiyak.

  10. mickey mouse. parang piglet version ni mickey mouse yung piktyur (ahahaha–at naisip ko yan b4 ko nabasa ang mickey sa ‘yung comments).

    and for those na ‘yung partner sa buhay ay may anghit, nagiging aphrodisiac of sorts ang amoy. at kung may naaamoy sa daan, nanginginit yung…tenga.

  11. FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

    Sige, mga ilang araw bago kayo dumating hindi na ako maliligo. Pagdating na pagdating nyo, paaamoy ko sa’yo ang kili-kili ko as a sign of welcome!

    ok ka na dun????

  12. ECE ka rin ba tito Batjay? Parang ayaw ko na tumuloy tuloy bukas papuntang Singapore pero kaya ko naman siguro pag tiyagaan ng one week. Ang di ko lang kaya ay ang mga makakausap ko dun kasi naman nakakaayaw ko na sa telepono anak ng fu kee ng sheet na Singaporean na Bumbay na yan eh ang liit ng binibigay sa akin na budget time para sa isang software.

  13. hello ECE no. 34066

    hindi ako ECE pero magkapamilya tayo. mas maaga lang akong nag graduate sa iyo. hindi naman mabaho lahat ng tao sa singapore. ok nga roon kasi malinis at maraming magagandang mga tanawin.

  14. ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!

    huwag na lang ninang. hehehe. gusto ko makaamoy ng mabango. nyehehe. susunduin ka na lang namin papunta sa redondo? malapit na – two weeks na lang. excited na kami.

    hehehe.

  15. mickey mouse? hehehehe… hi sis. ok ang imagination mo. parang Rorschach Test pala ang picture ko ano? malakas (kusog) nga raw na aphrodesiac ang body odor. pheronomes at yung animalistic attraction i guess.

  16. ah, miss roselle toledo – isa pa yang amoy ng mabahung paa. major major turn off, lalo na yung extreme case na amoy patay na daga. dapat barilin na ang mga taong ganito. hehe.

  17. musta bay rene.

    mo suroy ko ugma sa davao. aakyat sa bukid – mt apo to be exact. i can’t wait to be there again. uy, yung alojos lechon ata yung pinaka sikay sa sugbu. i was there last may and had a major craving so nagpunta kami sa mall, kasama ko dalawang foreigner. pag dating namin doon, ubos na. asar na asar ako.

  18. di ako kumakain ng lechon. akshully, natatakot ako sa itsura ng ulo ng lechon lalo na at close range. phobia yata since childhood. ehehehe.

    pag nagbabakasyon rin kami elsewhere, di pwedeng hindi hanapin ang pagkain dito. kahit sa australia, naghahanap kami ng chinese food ni R! ganon nga yata talaga.

    ingat sa pag akyat sa bundok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *