LIFE IS WHAT HAPPENS WHILE YOU’RE BUSY MAKING OTHER PLANS

ngayon ang ikatlong taong anibersaryo ng pagdating ko sa singapore bilang isang alipin OFW. bilang pagpaparangal sa araw na ito, hayaan ninyong aliwin ko kayo sa pamamagitan ng pagsasayaw ng nakahubo isang collage na pagsasalarawan ng aking buhay itong nakaraang 3 taon. panoorin nyo na lang… scroll down a bit and look at the right hand corner of your screens. it’s been a great 3 years. thank you mylabopmayn for joining me in this journey. it wouldn’t have been this great without you.

hirap din ako nung dumating dito sa singapore for the first time to work (tapos na ang buhay turista once you find yourself looking for a cheaper place to stay). you can read about my exciting FIRST TWO WEEKS and find out for yourselves what moving to a new country demands. well… now i guess, is the best time to tell about our first year in our first flat in the first country we lived in outside the philippines. so here goes:

bago matapos ang first two weeks ko ay nakakita na ako ng malilipatan na flat sa west coast ng singapore. sobra nga lang ang liit ng nakita kong dwelling place – parang bahay ng kalapati. jet would follow me to singapore after two months and we would be spending a happy year in this flat. we used this small pigeon hole as a base to live out our lives as a pinoy couple in singapore. kung sa pilipinas siguro, ang tawag sa unang tahanan namin ay studio type. para siyang lungga – dalawa lang ang bintana: sa unahan at likuran ng flat. mainit lalo na pag march to april kung saan pati singit mo pinapawisan at ang balat mo ay sobrang lagkit, gusto mo tuloy parating nasa shower.

nung time na iyon, di pa kami nagluluto ni jet. wala kasi kaming mga kasangkapan sa pagluto. hehe. gago! pero ang tutuong dahilan ay wala kaming sapat na perang pambili ng mga gamit. actually, medyo gumapang kami nung unang taon namin dito sa singapore kasi kailangan naming mabayaran ang bahay sa pilipinas at mayron ding napag utangan kay kuya bong at darlene na hinuhulugan. natatawa na nga ako ngayon, kasi si jet, ultimo mga barya binibilang niya para mapagkasya namin ang aming monthly expenses.

tuwing lunch or dinner, pupunta lang kami sa karinderya/turo-turo na mga hawker centre para bumili ng mga meals namin. kailangan din ay hindi lalagpas ng S$3 per meal kasi naka budget nga. kung kaya, kadalasan ay $2.00 chicken rice lang ang binibili namin na may kasamang $0.50 na juice. naging suki nga namin yung tindero ng chicken rice sa west coast road. malayo pa lang kami, eh kumakaway na’t nakangiti. miss ko na nga yung mamang yon. kamusta na kaya siya? kung minsan naman, pag may sumobrang pera, kakain kami ni jet ng carrot cake o kaya bibili kami ng aming favorite na pepper pork chop with fries.

for the first year, ganito ang buhay naming dalawa: pagtitipid sa pagkain at pag gastos. pero kahit na mahirap ang buhay ay masaya kami. masarap tumira sa bagong lugar. lahat ng makita mo ay bago sa iyong paningin. lahat ng maamoy mo ay bago sa iyong ilong – oo, isama na natin ang anghit galing sa ating mga kapatid na hindi naliligo at mahilig sa maanghang na pagkain. altogether, it was really a great first year. pagtapos ng 2001, nabayaran na namin ang lahat ng mga utang kay kuya bong at higit sa lahat, nakuha na namin ni jet ang titulo sa bahay. bagay na tunay na ikinasaya naming mag asawa (“full of pride” might be the appropriate word for our accomplishment).

in the second and third year of our stay here in singapore, nabayaran na talaga naming lahat pati ang mga back payments sa pilipinas and we would be making a big move to the east coast. but that of course, is another story. more next time…

21 thoughts on “LIFE IS WHAT HAPPENS WHILE YOU’RE BUSY MAKING OTHER PLANS

  1. Hello mylab!

    Ilang oras na lang, 3 years ka nang nagtatrabaho dito sa SG. Bilis talaga ng panahon no? Parang nalingat lang tayo e 3 taon na pala.

    Dami na ring nangyari dun sa 3 taon na yon. Nabayaran na natin ang bahay at lahat ng kautangan natin sa Pinas. Maluwag tayong nakakatulong sa mga pamilya natin. Hindi na tayo masyadong nag-aalala pag may emergency, kung saan huhugot ng panggastos. Nakapag-travel na rin kahit papano. At kahit papano din, may ipon na tayo.

    At alam naman natin na lahat yon ay dahil sa pagsisikap mong maiayos ang buhay natin. And all throughout, parang hindi ko naramdaman na mahirap. Kasi lagi kang andyan para saluhin lahat ng yon, para itawid ako sa lahat, para gawing madali para saken ang lahat. And if I ever felt any difficulty, your love has always made some sense of it. Na kahit dumating yung mga oras na we were down to our last cent, ok lang… palagi pa rin tayong nakangiti. And you’ve told me often enough, you don’t give shit about empty pockets, as long as you can see me smile.

    All that love for a smile… you were always one to give so much, not only to me but to every person lucky enough to have crossed your path. Like how you are with our families, our friends, our neighbors. Kaya siguro pinagpapala ka ng husto. And we both know we’ve never been in a better situation than we are in now.

    I want you to know that I am so proud of you, not only of what I see as I look at you now, but in knowing what you had to go through. We’ve been together from the start having known each other just when you were out of college. I have never lost faith in you, in all that you can do, and in all that you can become.

    I will be supportive of your ‘bright ideas.’ In whatever little thing I do, I always have you in mind, even if at most, it’s just keeping the homefront warm and cozy, so there’ll be some place nice that you can bring your body to when it’s tired and beat. I will always be close my love, ‘but if I should fall behind, wait for me.’

    I love you so.

  2. hi batjay! happy anniv sa ‘yo. I’ll be celebrating my 3rd year here in NZ on Jan 6th next year. Ang bilis talaga ng panahon I still can’t believe this is my home now. huwaw!

    I also read jet’s latest post and you’re so much like my hubs when you described to her the singapore surrounding and environment while you were apart. Ganyan din si hubs nuon before I went to NZ to visit him. how sweet!

  3. Kaka-inspire ng story mo today. You are a self-made man. Something I have aspired for all my life. Walang inabalang tao o mataas ang social status dahil sa magulang. Sarap ng feeling ano? Sana ako din. πŸ˜‰

  4. Hi batjay,
    i would like to congratulate you on your third year in SG, in all the difficulties you’ve been through and the happy moments as well… but more importantly, i salute your love for your wife and her’s as well for you. i pray that you sustain the passion for one another and with this i dedicate this song (Carly Simon and James Taylor version ha) to both of you (i’ll be strumming the guitar but will sing the song in my mind, hindi ako magaling sa pag awit)

    Darling you can count on me
    ‘Till the sun dries up the sea
    Until then I’ll always be
    Devoted to you

    I’ll be yours ’till endless time
    I’ll adore your charms sublime
    Guess by now you know that I’m
    Devoted to you

    I’ll never hurt you
    I’ll never lie
    I’ll never be untrue
    I’ll never give you reason to cry
    I’d be unhappy if you were blue
    Through the years our love will grow
    Like a river it will flow
    It can’t die because I’m so
    Devoted to you

  5. presidente ako ng fans club mo.
    gagayahin kita paglaki ko.
    pero di ako papaopera ng appendicitis.
    ang tiyaga, sipag at pagtawa lang
    ang pagutot, pagkulangot at paghaliparot
    pwede na ring gayahin
    batjay, salamat sa iyo at blog mo at wala kang
    pagtigil na kami ay paligayahin.

  6. Ang sweet ninyo talaga!

    Bilib ako sa pag-a-adjust ninyong 2 to life in Singapore. Success story ang dating. πŸ™‚

    Inspirasyon kayong dalawa. πŸ˜€

  7. sana mas marami pa ang makabasa ng entry mo na to. πŸ™‚

    more happiness and success dito sa singapore or kahit san man kayo magpunta ni jet! πŸ™‚

  8. good luck sa inyo ni jet sana maging mas prosperous pa ang buhay nyo sa singapore sampu ng mga kababayan ntin na ngpapakahirap sa ibang bansa.

  9. its really nice to share all the joys of life with someone. happy akong na nag-eexist pa rin ang mga couples na tulad nyo ni jet. bihira na lng kasi ako maka-meet ng mag-asawang kahit matagal na sila, andun pa rin yung sweetness.

  10. congrats, kuyang pinsan at inabot ko ang ikatlong taon ng paninilbihan sa ibang bansa. at least, sa loob lamang ng napakaikling panahon, ang dami mo ng accomplishments. pag laki ko, gagayahin kita. :))

  11. wow, tatlong taon na!!! ano ba yan batjay, di ko alam kung bakit ngayon lang ako napadpad sa website mo. ayan, nagka-crash reading tuluy ako… sa lagay niyan eh, august posts pa lang, ang dami-dami na…

    paramdam ka naman sa site ko… you lurker! pero wag ka bastos, marami akong batang pinsang nagbabasa ng site ko.

    ingat…

  12. by the way, naiyak ako sa comment ni jet… parang ako, in love sa asawa… swerte naming dalawa!!! at swerte ninyo sa amin!!!

    happy singapore anniversary!!! nawa’y mapadpad kami diyan sa november…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *