Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely

bakit OK sumakay ng singapore airlines? 1. masarap ang pansit bihon guisado doon sa kris flyer lounge sa NAIA. 2. libre ang singapore sling sa eroplano (naka dalawa ako ngayon). 3. masarap panoorin ang mga stewardess pag tumutulong silang mag lagay ng mga bag sa compartment. 4. minsan masarap din daw pag nasa aisle seat ka at madikit ang mga stewardess sa braso mo.

kamusta naman ang trip mo to singapore? ewan ko, tulog ako buong flight. pero mayroong small periods na gising. just awake enough to say to the stewardess – “i like the tanigue fish meal” and then eating it before losing consciousness once more. binabawi ko pa rin ang puyat sa mount apo last week.

ano ang pinaka pissed off moment mo while you were in the philippines? ang makita sina satur ocampo, aimee marcos, butz aquino, ping lacson at jejomar binay na magkasama sa iisang rally. just proves to you that almost everything in pinoy politics is a fucking marriage of convenience. a close second is hearing mrs arroyo speak and close third is watching the balimbing frank drilon flip flop. mukhang kailangan na talaga ng delubyo para gumanda ang bayang magiliw.

how does it feel to be back in singapore? STRANGE. very strange. nasa immigration pa lang, iba nang pakiramdam ko. kailangan na kasi naming magregister dahil hindi na kami residents ng singapore. nakakalungkot dahil alam mong hindi na ito ang tahanan mo. our former home is now just a waystation. familiar pa rin ang surroundings but i know that we don’t belong anymore. transients – that’s what we are right now.

anong hindi mo mami miss sa singapore? yung heat and humidity, body odor ng mga kapatid nating mahilig sa spicy food at nabanggit ko na ba ang tungkol sa heat and humidity? bwisit kasing humidity yan, nag aamay kesong puti tuloy ang singit ko.

8 thoughts on “Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely

  1. Dati loyal Emirates customer ako pero nung April we took Singapore Air with our toddler. Very accommodating ang mga stewardess. Tapos dami pa toys ni pogi!

    At masarap nga ang food, up to date pa ang movies.

    Siguro kung may hate figure ako sa mga trapo si Drilon, grabe ang kapal ng apog. Of course GMA is the same but she’s an obvious choice.

  2. Yup.yup.yup.The best talaga Singapore Airlines. I love Thai Airways, Lufthansa and Northwest,too. Panget ba talaga service ng Plane Always Late (PAL)? Hindi ko pa kasi ako natry eh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *