LET YOUR EYES SPARKLE AND SHINE, NEVER A TEAR, BABY OF MINE

si tj, nagpapakyut sa punta fuego matagal ko na siyang di naikwento pero eto na si tj ngayon. she just turned 4 years old at super cute pa rin. tj is my apo. anak siya ni donna na anak ni gigi na anak ni angela na mommy ko. di makapaghintay makapag-aral kung kaya’t pinasok na namin siya sa isang nursery school malapit sa bahay namin sa novaliches. ang balita ko eh na accelerate siya dahil sa kanyang super katalinuhan na namana niya sa kanyang favorite kyut na tito batjay (ahem, dasme). daig pa niya si sofia coppola sa kanyang rendition ng pambansang awit. panoorin ninyo ang video ng pagkanta ni tj ng “bayang magiliw” – CLICK HERE. medyo mabagal kung walang high speed connection kaya mangulangot ka na lang habang naghihintay.

10 thoughts on “LET YOUR EYES SPARKLE AND SHINE, NEVER A TEAR, BABY OF MINE

  1. Ok ang…ano mo ba kamo ang batang ito — apo? Ikaw ba yung nagsingit ng “huk” at “taruc?” Gifted ang batang ito. I’m sure she will go places when she grows up. =)

  2. hi doc.

    galing ni TJ ano? hehe… manang mana sa lolo batjay niya. ang galing kumanta. perfect ang tiempo at pitch. di rin nahihiya na mag song and dance sa mga tao.

    oo, ako ang nagsingit ng “huk” at “taruc” – this is an old joke from long ago. wala na sigurong masyadong makakaalala (si tito rolly is one of them who will remember) na nung araw maraming HUKbalahap sa bundok at ang pinaka leader nila ay si taruc.at sila ang isa sa mga guerilla group na lumaban sa mga hapon. ngayon siguro, puro NPA na lang ang naalala ng mga tao.

    bayang magiliw,
    perlas ng silanganan
    alab ng puso sa dibdib mong bughaw,

    lupang hinirang,
    duyan ka ng magiting,
    sa manlulupig,
    di ka pasisiil,

    sa dagat at bundok
    maraming huk
    kasama si taruc
    may ginatang monggo
    banana que
    gulaman at sago

    Lupa ng araw,
    ng luwalhati’t pagsinta,
    Buhay ay langit
    sa piling mo;
    Aming ligaya
    na pag may mang-aapi
    Ang mamatay nang
    dahil sa iyo.

  3. hehehehehe, naalala ko tuloy nung college, yang version na yan ang kinakanta ng mga estudyanteng banas na banas sa buhay hehehehe

    ang cute at ang biba ni TJ (Teressa Juanna?), may dati kase akong opismeyt na TJ ang handle, short for Teressa Juanna..

    magandang araw!

  4. bat absent ata ako nung itinuro yang version na yan? saan ba yan pinalabas? natatanga lang po…

    pero, in fairness, at the end of the day, tayo ay mga pinoy!!! actually, favorite song ko yan… mabuhay si bush!!!

    biro lang po… di ba ginamit ko lahat ng do mo gustong phrases… all in one paragraph…

    din2

  5. manong batjay, san kayo sa novaliches? ako dati tagadon lang sa malapit sa bayan.. sa san agustin actually, na bago mag urduja at camarin at sa kabilang side naman ng lagro at fairview na malapit sa sm fairview at ever commonwealth na malapit naman sa quezon memorial circle na malapit na din sa north edsa na malapit na din sa cubao na malapit sa ortigas…. teka napalayo na ah.. basta sa nova din po ako dati!

  6. hi bongK.

    ibig bang sabihin niyan ay kasing tanda mo si tito rolly? hehehe.

    magaling talaga si TJ ano – tanita jade. may story ang pangalan niya. one day, i’ll talk about it. oo nga pala, may conclusion na ba ang story sa site mo? ma bisita nga mamaya. pati ako na e excite eh. hehe.

  7. hahaha. naalala ko tuloy yung isang version ni pol medina…” ang mamatay ay ikaw na lang.. gago..” hehe.

    at isa pang version nung bata pa kami.. ” ang mamatay ng may bulak sa ilong”..

    bakit ako naaalala ko pa si taruc at ang HUKbo ng BAyan LAban sa mga HApon? Magkasing-edad lang ba tayo kuya batjay? hehe

  8. hi erwin.

    malamang.

    malamang na magkasing edad tayo o baka nga mas matanda ka sa akin. for the following reasons: una – wala na akong kilala na bagets na erwin ang pangalan. most ng mga erwin na kakilala ko ay mga pinanganak ng post world war II (1950’s to 1960’s). pangalawa – kabisado mo ang acronym ng HUKBALAHAP. bihira yon sa mga new generation ng mga pinoy. hehehe.

    marami pang mga bayang magiliw jokes akong alam. kaya lang mas maganda itong i-deliver in person.

    cheers mate – and thanks for your comment.

  9. hi jennifer.

    haggang ngayon ba, nawawala ka pa rin? hehehe. ang layo ng description mo ng iyong novaliches hometown at kung saan saan napunta. malayo na pala ang iyong tirahan. medyo liblib na roon di ba? pakiwari ko ay sa sobrang layo noon, mayron nang mga elepante at ibang mga wild animals na nakatira doon. hehe.

    maraming salamat sa pag comment. ang ganda naman ng iyong singapore home – expat na expat ang dating. kami ni jet ay mga batang pasir ris.

    ingat,
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *