LET THIS BE A SONG CALLED ME

dahil commuter ako sa singapore, ang MP3 player ko ang nagtatanggal ng inip sa byahe. imbis na gayahin ko yung kupal na nangungulangot sa train, nakikinig na lang ako ng musika. ang aking gadget of choice sa tugtugan ay ang aking pinakamamahal na iPod.

ang isang magandang nangyayari pag may MP3 player ka eh minsan tamang tama ang tugtog sa iyong mood or activity. for instance, maganda ang gising ko last week, kaya muntik na akong napasayaw doon sa platform, nang tumugtog and voltes V theme pag baba ko ng train. minsan naman umuwi akong pagod at nag-iisa, nagsenti ako ng biglang tumugtog ang “dock of the bay” ni otis redding. ok nga eh, minsan tuloy naiisip ko, parang pelikula ang buhay ko dahil mayron parating background music.

ay dagdag pa pala, just the other day eto namang R.E.M. ang tumugtog sa player ko with their sesame street song: “Furry Happy Monsters Feeling Glad”. kahit anong init ng ulo ko, marinig ko lang ito ay siguradong matatawa ako (which is why this is my current favorite song). tawa nga ako ng tawa mag-isa nung pinakinggan ko ito sa train. pero ok lang yon. mabuti nang luko-lukong isip bata kaysa aboridong nangungulangot.

i have an iPOD with 30 GB of hard disk memory. kaya kong ipasok ang 3/4 ng aking CD collection. more than 4000 songs all in all, a lifetime of music literally. dito sa collection na ito, pumili ako ng 400 songs (10%) na paborito ko. ito ang pinapatugtog ko all the time. ang isang magandang feature ng iPOD ay pwede mong bigyan ng rating ang mga kanta. this will enable you to arrange your favorite songs into a playlist. quite a feature especially for the large capacity player that i have. ang bwakanginang nakakainis lang sa iPOD ay ang battery. it runs on a measly 8 hours. pag nasira pa eh aabutin ka ng $250 to replace. naglalaway tuloy ako ngayon sa mga bagong players na kaya ang 20 hours of playing time sa isang charge. but aside from that, the iPOD is an ideal music player. very user friendly, great sound, nice looking at talagang ultimate fashion statement (as in napapatingin ang mga tao, pag nilalabas ko siya sa bulsa ko).

NANGHIHINA-ha-YANG: nasa news ngayon ang paglabas ng bagong MP3 player ng sony, ang HDD Walkman, Model: NW-HD1. mukhang maganda: 20GB hard disk space and 20 hours of playing time. ang retail price niya ay around US$400. parang gusto ko ngang ibenta ang iPOD ko at kumuha nito. ang malakas na appeal kasi sa akin nito ay ang kanyang 20 hour battery life. that’s almost 2.5 more hours than my iPOD. packingsheet, ba’t ngayon lang kasi lumabas ito.

ang laking bagay talaga ng musika sa buhay. parang naalala ko tuloy yung lumang pinoy rock song… “ang buhay ay sisigla sa himig ng tugtugin. tugtuging pag binigyan pansin limot ang suliranin“. galing ano? kanta yan ni florante. former pinoy rocker turned macros loyalist na inaway ng mommy ko during a radio show many years back.

24 thoughts on “LET THIS BE A SONG CALLED ME

  1. Dahil mahilig kayo ni jet sa music tulad ko, feeling ko lang may theme song kayong dalawa.

    Kami ng asawa ko, nang ikasal tinugtog yung theme song naming “Pearly Shells” at “Tiny Bubbles”
    Kayo, ano?

  2. di pa nga kami nakasal sa simbahan tito rolly. walang tugtug doon sa munisipyo ng kalookan eh. pero okay ang “pearly shells”. hehe. para siguro kayong vilma and bobot.

  3. Mahirap ata tayong magkaroon ng theme song mylab… sa dami ng kantang gusto natin, palagay ko hindi tayo magkakasundo sa iisa… hehe πŸ™‚

  4. pareng jet,
    natutuwa ako pag nababasa ko blog mo at nawawala lungkot ko. korni pare pero totoo dba. mabuhay ka at tuloy mo pagbanat sa mga hinayupak na singaporean.

  5. grabe! para akong timang na nakatawa ng hatinggabi kababasa sa posts mo. puede kang stand-up comedian! ililink kita ha? kakaiba kasi ang style mo e. oo nga pala, galing ako sa kapatid kong si memento. nakikidaan lang. πŸ™‚

  6. benta mo na lang sa kin yung ipod mo! ang promise ko sa sarili ko, i will buy one if i lose 10 pounds. mataba pa rin ako but if you’re selling, i’m buying. πŸ˜‰

  7. hi gerry. maraming salamat sa pag iwan mo ng comment. malaking bagay sa akin – salamat. dito ka rin ba sa singapore? kamusta na lang sa iyo at ingat sa mga nangungulangot.

    hi paul. oo nga, nabasa ko na you can still save your music as MP3 pero the player converts it to its proprietary satandard just prior to playing. what attracted me was the battery life – 20 hrs. wow. that really overshadows the 8 hour iPOD life.

  8. hi linnor. kapatid mo pala si junnie. galing din ng site niya at parati akong dumadaan don. sige, ikakabit din kita sa site ko mamayang kaunti. maraming salamat nga pala sa kakatawa mo. maganda yan at natatawa ka ng hating gabi, para matakot ang mga manananggal. ingat at all the best sa iyo, sa iyo, at higit sa lahat – sa iyo.

    NINAAAAAAAAAAAAAANG! ay oo nga ninang ko. maganda yang iMac na yan. kaya lang may kamahalan at kaunti lang ang software. at saka, pag nalamang ng mga boss kong maka microsoft, baka sibakin ako sa trabaho. pero, naglalaway pa rin akong makahawak ng mac.

  9. MAAYONG BUNTAG SA IMO DIHA AKONG AMIGANG Azeza. musta na sa tugnaw na lugar? uwi ka ba sa pasko? kikita uli tayo? ingat.

    hi ate mona. hmm… bili muna ako ng sony player tapos sige ibebenta ko sa iyo. sama na ang 4000 songs na naging kasama na ng buhay ko.

  10. dear mylab.

    oo nga. ang dami nating mga kanta over the years. lahat may kahulugan sa ating dalawa. actually, kung papipiliin ako, wala akong maibibigay na definitive theme song.

    ingat and lab U!
    jay

  11. Madami pala kayong kanta ng sweetie mo, bakit di na lang gawing themed church wedding? Theme nyo yung ano, yung show dati ni Pilita Corrales chaka ni Bert Marcelo – marami kayong kantang maipapatugtog dun!

    Suggestion lang πŸ™‚

    As for the song and dance number – pwede! Baka makisali pa yung ibang tao sa istasyon ng MRT! E di para kayong musical nyan!

  12. hi pia. baka nga sa sobrang dami ng kanta ay maging mistulang concert ang kasal.

    magkano ba ang magpakasal ngayon? lagpas 20,000 pesos ba?

  13. parekoy! musta na? long time walang update kasi wala pc sa bahay ehehe…musta na? balita? salamat pala sa comment, kasalukuyang naghahanap pa rin ng trabaho pero sana swertehin na.

    nabasa mo na yun davinci code at angels & demons? pare oks reading…nayanig ang mundo ko.

  14. hi G-girl. i hope you’re doing ok. sana makaluwag ka na rin with a nice job soon. good luck.

    yup, i’ve blogged about the davinci code last year. i’ve also read angels and demons this year. ang galing ano? i’ve heard, ron howard (the director of apollo 13), just aquired the rights to the book and will be directing the movie. so that’s a film to wait for.

  15. Ang hilig mo sa mga gears… Kuripot akong masyado kaya hanggang tanaw na lang ako hehehe

    Basta promise ko sa sarili ko, mag-kapulot lang ako ng SLR digital cam at mp3 player… akin na yun! hehehe
    πŸ˜›

  16. hi jay…nakikibisita ako lagi sa site mo. Ako me ipod 20gb. ilang buwan na ito sa akin pero parang hirap ako pag-aralan ang mga features nito.

    nasanay ata kasi ako dun sa archos jukebox ko. i felt that one was very comfortable lahat ng kanta o file cut and paste at ok na siya ready to go.

    pano ba mag organize ng mga playlist? lahat kasi naiipon sa isa lang folder di ko maihiwalay hiwalay.

    hehe…sorry ha nagpa tutor na ako sa iyo.

  17. hi red.

    ano ang computer mo? apple or PC?
    if PC, ano ang software na ginagamit mo sa pag upload ng mga songs from your PC to the iPOD? there are two: musicmatch and iTunes.
    musicmatch was the first software used by apple for the PC while they were developing iTunes for the PC. last year, they were able to make iTunes compatible to the PC so this is what I use – this is what you should be using as well. if you don’t have this, go to http://www.apple.com and download it.
    iTunes has this great feature called song rating – eto ang ginagawa ko: i make a playlist based on my favorite songs – i.e. ang mga top rated songs ko ay automatically pupunta sa “My Top Rated” which is a playlist na automatically generated by iTunes. I just need to drag the entire “My Top Rated” playlist from my PC to iPOD. Presto, may playlist na ako.
    Or, I can just create a playlist (as many as you want) from iTunes. then Drag and drop the songs I like to play from the library to the playlist I created. Then I just drag the entire playlist from PC to iPOD.
    Huwag mong gagamitin ang iPOD to make playlists, matagal ito at baka malito ka lang.
    pag medyo mas nalito ka sa explanation ko. email ka na lang ulit.

    ingat sa iyo at salamat sa comment!
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *