LAUGHING LIKE CHILDREN, LIVING LIKE LOVERS, ROLLING LIKE THUNDER UNDER THE COVERS

JAY AND JET'S WEEKEND SPECIAL IN BINTAN ISLAND, INDONESIA ngayon ang ikatlong anibersaryo ng blog ko. tatlong taon na pala. parang kailan lang ay para akong tatanga-tangang bagong salta rito sa singapore. ngayon ay umasenso na ako: tatanga-tanga na lang at hindi na bagong salta. sobra kasi ang lungkot ko during my first two months at sinimulan ko ang blog na ito para gawing outlet. bilang celebration (of sorts), nagpunta kami ni jet sa bintan island during the weekend. kasama namin sina leah at eder (maraming salamat sa inyo ulit. it was a special weekend). naku! napakasaya. dahil sikat sina leah sa bintan, kung ano anong mga upgrade ang nakuha namin. por eksampol, binigyan nila kami ng sariling three bedroom villa near the beach. at saka… ang daming itlog doon. prinito, nilaga at oo virginia – mayron ding may pulbos. naka dalawang sunny side ata ako at saka isang napakalaking omelette during breakfast. egg heaven, i tell you. CLICK HERE to view the web album. makikita ninyo ang utong ko sa mga litrato kaya huwag ninyo akong isumbong sa MMDA.

41 thoughts on “LAUGHING LIKE CHILDREN, LIVING LIKE LOVERS, ROLLING LIKE THUNDER UNDER THE COVERS

  1. ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang eh eto na, bagong milestone na naman sa buhay natin, pero looking back, masasabi mo ba jay na natupad ang mga mithiin mo sa pagpunta mo jan sa Singapore?

    nawa’y pagpalain pa kayo ni jet dyan sa SG

    magandang araw sa yo

  2. Happy Anniversary sa blog mo mylab. Thank you for sharing bits and pieces of yourself with us, and a lot of laughter besides.

    Salamat din for a great, great weekend!

    I love you. 🙂

  3. hi kat.

    thank you. 3 years na pala. parang ang bilis. yup, jet and i had a weekend special in bintan island, indonesia. it’s a great place to relax. just 40 minutes by ferry from singapore and the prices are not that bad. this trip is one of the highlights of our 3 year stay here.

    ingat!

  4. HELLO MYLABOPMAYN!

    ang saya nga ng weekend natin. siguro one of the best since we’ve moved in singapore. enjoy talaga ako. buti na lang natuloy ito. salamat nga pala sa lahat ng preparations mo to make this trip possible. i really had a great time. salamat din kina leah at eder. great company as always.

    tenkyu nga pala sa bati. have a great day. labUtoo!

    jay

  5. thank you sa yellow fin tuna recipe. tamang tama at naka silip ako ng magagandang mga fresh mushrooms sa grocery last friday. makabili nito at mailuto. thank you rin po sa anniversary gift – pasensya ka na talaga at di ko mabasa ang form sa site mo dahil ako ay partially color blind.

    question para sa abugada: pwede bang gawing dahilan ang color blindness to get disability pay? balak ko kasing hingan ng early retirement pay ang kumpanya ko. hehe.

  6. manong jay! happy anniversary sa iyong blog!!!! dami ka pinasaya dahil sa gulo ng mundo ngayon, kailangan tumawa minsan minsan. nakakagaan ng loob. mabuhay!

    p.s. mukhang tuloy trip ko to singapore mid-october. sana meet ko kayo ni jet. 🙂

  7. Hi Perskasin.

    I had to force myself to view your Bintan Island pics, sa sobrang inggit! Lorenzo and I had our “pre-honeymoon” at the Banyan Tree Resort there! When we go back, we’ll make sure to request the same cabana, #3, which was named “Gajah”.

    What Resort did you go to?

    Sama naman kami sa susunod!

    Renee

  8. jessie – long time no hear!

    maraming salamat sa bati mo. kailangan tumawa parati para kumonti ang mga pangit sa mundo. ngyehehe. kailang ang trip mo rito? vacation or business? kung matutuloy ka sa october – sana hindi during the week of october 16 to 24 – nasa new zealand kami ni jet during this time. pag malapit ka nang umalis – padalham mo ako ng email at ibibigay ko sa iyo ang mga numbers namin so you can call us and we can meet.

    ang trip mo ba rito ay business or pleasure?

    cheers!

  9. WOW! happy anniversary sa inyo ni J. three years – that’s a milestone. four years na lang at seven year itch na. ngyehehe. seven year itch that came and went in our marriage at ok pa naman kami ngayon. i’m sure a lot has changed in your marriage now that you have JP. you probably give a lot more time to your son than to your husband at ganoon din siguro siya. and i hope that it strengthens your relationship even more. congratulations melissa.

  10. hey pinsang renee!

    ang gaganda ng mga swimming photos nina lance and troy sa site mo. inggit din ako. yeah i think i heard you talk about your bintan vacation kaya lalo lang kaming nag look forward sa trip namin last weekend. we really had a great time.

    ano na nga ba yung pangalan ng resort – “arwana beach club”, i think. it’s just after banyan tree. musta na lang sa mga bata at kay don lorenzo.

    cheers!
    jay

  11. kuya batjay! congratulations on your blog’s third anniversary! grabe, maabot ko kaya ang ganyang katagal ng blogging? hehe.

    mukhang enjoy nga kayo sa bintan. 🙂 regards to jet, too! 🙂

  12. hehe, ok na ok. sarap rin talaga magbakasyon, walang iniintindi except yung next na papasyalan. 🙂

    oo nga, bilis talaga ng panahon, lipat na Christmas! 🙂 ingat din!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *