Last Song Syndrome

isa sa pinaka ayokong kantang ginawa sa balat ng lupa ay yung “eternal flame” ng the bangles. ewan ko ba, sobra kasing pagka cheesy at corny na sentimental pa ng mga lyrics. ang problema pa eh napaka perfect nitong pop song. pag narinig ko yung hook (i.e. yung catchy part) buong araw na itong nasa utak ko.

pag nasa utak ko pa naman ang isang kanta, involuntary akong biglang nag be-break out in song. minsan nga, nasa meeting ako at bigla na lang akong mapapakanta, much to the surprise of my colleagues. at etong eternal flame ay talagang pahamak sa akin. “rocker” daw kasing naturing pero bigla namang kumakanta ng kantang kinakanta ng mga malalamig ang pasko. nakakahiya.

ayaw ko man eh dahil maganda ang hook, napapakanta ako ng wala sa oras. pakiramdam ko tuloy, para akong si peter ng family guy na hindi mapigilang kumanta ng “bird is the word”. apparently, hindi lang ako ang may problema sa “eternal flame” kasi one time may nakasabay ako sa elevator na kumakanta ng

“Close your eyes and give me your hand
Do you feel my heart beating, do you understand?
Do you feel the same, am I only dreaming
Or is this burning an internal flame?”

bigla tuloy akong napasigaw ng “eternal flame, gago!”

12 thoughts on “Last Song Syndrome

      • I really love to listen to mellow music (like “Eternal Flame”), but I don’t hum…
        Para sa akin, kung panay-panay na lang ang pagpatugtog or pag-hum ng isang kanta…malamang, sa katagalan, ang boses ng nagha-hum nyon ay…ahmm, feeling ko, parang HUMMINGBIRD!!? I mean, sa katagalan ba ay gumaganda sa pandinig ko (pero hindi lang ako napapakanta! hehehe!)

  1. halu kuya 🙂 hahaha… ansaya naman, natagpuan kita dito sa mundo ng blog. akala ko wala kang blog. hahaha.. meron ako nung book mo. ansaya naman, nakita ko itsura mo. hahaha.. go kuya! 😀

  2. kakabaliw!ü aside from LSS, the song will bring you back to memory lane…. Grade 6 with my crush, school fair handcuffed together with mock wedding… Corny! Hehehe! May bago ako po na LSS, nakakainis din. ‘I want nobody nobody but chu! clap! clap!’ with matching sayaw pa… lmao!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *