PROBLEMA SA NAIA

last indignation statement: bayad ako ng poea fees sa airport. 1 hour na lang at aalis nang eroplano, di pa ako nag-checkin. bigay ako ng 500 pesos. wala raw silang barya, samantalang kakabilang lang niya ng kalahating dangkal na 100 peso bills. punta na lang daw ako sa banko para magpapalit.

murang sangkatutak (pero pabulong)!!!

punta akong banko sa kabilang dulo ng airport, palit pera, takbo ulit sa poea. ooops – pa xerox mo muna ang passport mo at owwa certificate. mura na naman akong pabulong bago magpunta
sa xerox machine – 5 pesos per copy. kamag anak ata ng counter clear ang xerox clerk dahil pareho silang bastos. balik ulit sa counter – hintay ng matagal, habang naghahanap ng forms na dapat kung i-fill up. labas ako sa airport, paalam kay jet at kuya bong. nakaalis na ako sa naia.

pansin siguro ni kuya bong na tense ako nung lumabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>