LABINDALAWANG DIRTY FINGER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilang isang OFW, ano ang masasabi mo sa case ni major general garcia, sa corruption in general at sa pagnanakaw sa pilipinas?

BATJAY: allow me to beat around the bush, gentle reader. alam mo, mahirap talagang mabuhay ng marangal. karamihan sa atin, kailangan pang umalis ng pilipinas para lang may makain. yung iba nga, nagpapakaputa pa. marami ang nagdurugo ang puso dahil walang maibigay na sapat na pera para maipagamot ang mahal nila sa buhay… tapos maririnig mo na lang, milyon milyon ang ninanakaw ng kung sino sinong mga tao. tanginangyan. eto ang alay ko sa kanila… a curse: “may you all die slow painful deaths”. masyado atang brutal. eto na lang: labindalawang version ng paborito kong “ngatain ninyo” finger trick.

NGATAIN NINYONG LAHAT MGA MAGNANAKAW

42 thoughts on “LABINDALAWANG DIRTY FINGER

  1. Sama akong lima, BatJay.

    Tangina talaga lahat nila! Mga mapanlamang sa kapwa. Mamatay man yang mga yan, hindi pa rin nila maibabalik kanilang mga ninakaw. Mga putangina talaga!

  2. pareng batjay, maiba lang ako noh? pero parang ang laki na nawala sa iyo ah….(malaking kulangot)

    seriously, pumayat ka na ng husto. kamukha mo na si Efren Reyes, Jr. good luck sa pagpapayat.

  3. hi lorimer.

    sana nga malasin sila ng husto para bumalik sa bayan lahat ng ninakaw nila. nakakainis ano? simple lang para sa iba ang magnakaw samantalang may mga naghihirap magtrabaho sa kung saan saan para lang may mailapag na pagkain sa lamesa.

  4. Batjay, parati akong visit dito sa site mo, nakakatawa ksi mga post mo eh. Anyways, Singapore ka diba, try to visit my japanes fren there she just arrived dyan last Nov.18 working sya sa japanese restaurant. If you like japanese food, try there. Name ng restaurant is “Ichiban Tei” sa Muhamad Sarutan or Sultan ba? Her name is Chiaki, try to eat there. Mail me nalang ako kung makita mo cya. Ok, ty.

    Leigh

  5. Ser,
    may isa pang nakakainis… yang mga militar na yan e pinag aral ng bayan sa PMA tapos feeling nila alipin nila ang bayan.. puta silang lahat
    Bong burnok

  6. hindi namang lahat burnok. may magagaling pa rin na ayaw sumali sa mga gimmick. tulad ng clasmmate ko sa high school at kaibigan ko ng matagal na. PMA graduate siya. instead na sumali sa mga katarantaduhan sa military, nag opt na lang siya na mag turo sa PMA. at least doon, walang lagayan.

  7. speaking of PMAers… may bago na namang scandal involving pma grads…. may 2 mistah na nagladlad at ginamit ang powers para mang hada ng mga fafa… ibang klaseng initiation daw sa isang kampo… will be shown tonight sa imbestigador sa gma7…i talked to a PMAer, dati na raw bading yung isa, the other one (na playboy daw dati)nagladlad na lang later.. ginawan ng bagong meaning ng ang playboy = a boy playing with toys… hehehe

  8. ey, bro…napakasakit talaga ng mga ganyang balita…kung makakaltas ng tax ang gobyerno halos lagnatin tayo sa laki tapos naiso-shot lang sa bulsa ng mga buwaya. kung minsan naiisip na lang natin na nagtratrabaho lang tayo para lang sa kanila…tama nga yang dirty finger mo…kung isang frame para sa isang kurakot, sigurado ko, kulang itong space mo…hehehe.

    first time ko rito, bro…puwede ba kitang mai-link, if you let me?!…thx

  9. hi batjay! tama ka at nakakainis nga yang mga yan. dadagdagan ko ang labingdalawang dirty finger na ginawa mo. a curse: may the fleas of a million camels land upon their pubic hair, and may their arms be too short to scratch it. hehehe!

  10. Actually mabait ka pa rin kasi hindi pa mukhang galit na galit. Kung ako yan, di mo na malalamang 2 kilay ko dahil talagang magsasalubong ng husto. P____I____ mga yan, ang laki laki ng nababawas sa sweldo ko sa buwis, sila lang nakikinabang.

    Sige nga, isakasak mo sa ilong mo mga hinayupak na yan.

  11. I understand the frustrations there, but you think he would be punished accordingly?

    and BatJay, however you try it, be angry, upset, irritated, sad, frustrated….you always come out the same – funny 🙂 love the pictures!

  12. True ka Batjay! One reason why I left Pinas kasi di ko na masikmura na araw-araw na lang may balita na nangungurakot na empleyado ng gobyerno na ang sinasahod ay ang mga buwis natin. Ang kakapal ng mukha!

  13. Just got my Nov Meralco Bill. Grabe! Tumaas ng P1000! Walang patawad, magpapasko pa naman.

    BatJay peborit ko yung dirty finger pic #5 mo. Gumawa tayo ng mga biilboards nito sa EDSA. 🙂

  14. Ako, ang peborit ko ‘yung dirty finger #11, makabagbag-damdamin, at tama, Mang Batjay, kamukha mo nga si Efren Reyes, Jr.

    Pero seryoso, ayoko nang isipin na halos apat na libo ang kinakaltas sa suweldo namin kada buwan. Nakakalungkot e.

  15. hi t.

    paano ba ang pagbilang mo up to down and left to right, OR, left to right then up to down. malaki pala ang kaltas sa sweldo mo. nakakainis nga. dahil hindi mo nakikita kung saan ito napupunta – malamang part of it goes to the private bank account of the wife of that general. nakakainis talaga. heto tayong naghihirap kumita pagtapos sila, milyon milyon ang ninakaw.

    my dad looks like efren reyes sr. siya ang daddy ni efren reyes jr. hindi na natin siya naabutan pero sikat daw ito nung araw sabi ng mommy ko. ang kamukha ko talaga ay si aga mulach.

    tatadyakan ko ang kokontra.

  16. number 5 pic ba doc emer ay yung nangungulangot? sige – ipa blow up natin at ipakabit na bill board sa EDSA – ang title ay “tangina ninyong mga magnanakaw”. grabe naman ang increase ng electric bill mo. whatever happened to the cancellation of that frigging whatchamacallit fee?

  17. Ano po, left to right, ta’s down, ta’s left to right, down ulit, left to…ahehe, row 3 column 3 po!

    Hindi naman po sa kumokontra ako sa statement niyong kamukha niyo si Tito Aga, pero… *looks at dirty finger #11 again, makes lunok like sosi person* …oo nga, medyo kahawig niyo nga…

  18. gandang hapon from singapore.

    ngayon lang ako nakatagpo ng isang engineer na kapareho ng trabaho sa blogging world kaya malaking karangalan para sa akin ang masali sa link mo. matagal din ako sa pilipinas naging controls and instrumentation engineer, almost 12 years before nagbalak umalis. masakit nga na malaman mo ang mga kurakot na ganyan – ang nakakainis kasi eh pati yung mga kamag anak (mga anak at asawa ng general) ay willing participants doon sa pagnanakaw. sarap silang ilinya lahat at pagbabarilin.

    ingat,
    jay

  19. hi again T.

    BWAHAHAHAHAHAHAHAHA… gusto mo ng tadyak? akala ko eh kokontra ka eh. yung duling pala ang gusto mo. ganyan ang hitsura ni aga mulach pag nakainom ng isang litrong lambanog, 2 boteng gin at 1 bote ng shoktong.

  20. hi yasmin.

    oo nga, maraming mga umaalis ng tulad mo dahil walang level playing field sa pilpinas. ang mga may connect lang ang yumayaman. kawawa naman ang bayang magiliw. iniiwan na siya ng mga taong matatalino at matitino na tulad mong nagmamalasakit sa kanya.

  21. hi G.

    do i think he would be punished accordingly? no. i’m sure something will come up that will either lighten the sentence. he has friends from higher up who would like the general to remain quiet so he won’t tell on them. perhaps, he may die sooner because of that. who knows?

  22. hehehe… hi tito rolly.

    akala mo lang na hindi ako galit pero sa tutuo ay nagngingitngit ako sa galit. ako, masama ang loob ko sa mga katulad nila dahil nagpunta pa ako sa ibang bansa para kumita samantalang sila ay nagkakamot lang ng betlog sa maynila, nagkakaroon na ng pera. parang magic lamp – konting kiskis lang, may lalabas nang kwarta na galing sa pera ng publiko. tanginangyan talaga. gusto mo na talaga silang mamatay na dahan dahan ano?

  23. charade lang yang hearing na yan. di naman makakapagnakaw na lang ng basta basta ng di alam ng nakatataas sa kanila.
    he’ll get away with it. nakakabwiset talaga. haaaay.

  24. ngatngatin mo babeh!

    ingat ka… malapit na namang mag-coup… pagnagsalita si garcia, chain reaction na yan!!! dandandandan… daming matutuhog… patay!!!

    God, bless our country!

  25. ARAY! huwag naman sana. wala naman tao na tutulong sa mga coup plotters if they stage one on account of the AFP’s corruption.

    mas maganda nga lumabas na lahat ngayon so they can clean house. you just hope that they spare no one.

    arrrhg. nakakainis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *