SHOPPING SA CHINA

kuya bong! si jet ang nag-shopping ng husto… ubos nga yung dala naming pera eh. hehehe… mahirap pala pag maraming mga asawa ng companya ang nagsama-sama, panay shopping ang gusto. hehehe. ako, nakakulong sa conference room habang namimili at namamasyal ang mga misis.

binili ni jet ay puro pang-regalo pag uwi sa pilipinas. masarap mamili sa china. lahat mura! kaya lang karamihan at peke. hehehe… pero magaling ang mga copya nila, di mo malalaman kung ano ang original. kanina nag-punta kami sa tiangge nila, napabili tuloy ako ng bag at jacket. mahirap palang mamili sa china. pag nagtanong ka ng presyo, di ka nila titigilan hanggang bumili ka. sarap ngang tumawad eh – original price na 450, makukuha mo ng 100. hehehe…

november 23 – sabado. uy, sana maraming magpunta. huwag mong sasabihin na pupunta kayo sa may ka-table kay lando. maglalaway na naman yon! hehehe… bawi na lang ako sa pag uwi namin sa december 13.

32 days na lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *