KUMAIN NA NAMAN AKO NG LOR-MI

friday at wala ang boss kaya nagplano na namang kumain ang mga kaupisina ko sa turo-turo ng old airport road. mayrong isang stall dito na well known sa buong singapore dahil sa lor-mi (lomi sa mga pinoy). ok lang na maghintay ng 30 minutes dahil sa haba ng pila. sulit naman kasi… steaming hot lomi na may sahog na bawang, crispy daing na isda, big slices ng sweet pork, chicharong balat ng baboy, itlog, shredded meat at may toppings na haugang otah fish cake. sabayan mo ng panulak na sugar cane juice na may lemon at tapusin with a big bowl of CHNG TNG, ang dessert na walang vowel.

pakingsheet, ang sarap.

8 thoughts on “KUMAIN NA NAMAN AKO NG LOR-MI

  1. hindi ako mahilig sa lomi, pero mami type na type ko! meron kaming nadiskubre na restaurant nila papa rodge and maricel na ang pangalan “mami king”. sus.. ang sarap!

  2. paano ipronounce ang chng tng? eh di chng tng. parang chung-tung sa pandinig ko eh. minsan nahihiya akong i-pronounce kaya tinuturo ko na lang sa tindera. huwag isnabin dahil ito ang aking peborit singaporean dessert.

    ingredients?

    may mga herbal (hindi essence) na ek-ek, kamote, barley, chesnuts, mga lumot lumot na parang fungus at kung ano-ano pang lumulutang na hindi ko ma pronounce.

    hehehe.

    musta na diyan sa pambansang paaralan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *