Kitchen Confidential

ilang pahina na lang at malapit ko nang matapos ang librong ito. maganda at exciting ang mga kwento ni tony bourdain. kahit na ito ay tungkol sa pagluluto, sa pagkain at sa pagiging isang kusinero. ang estilo ng pagkwento niya ay labas sa conventions ng typical na autobiography. actually, kung tutuusin, para kang bumabasa ng isang blog. siguro, ito na rin ang pinakadahilan kung bakit masarap dalhin itong librong ito sa eroplano, sa bus o sa train. yung idea na nakiki-usyoso ka sa buhay ng ibang tao habang wala kang magawang matino eh talagang masarap.

na-identify ko rin ang style niya sa pagdiskarte sa kangyang propesyon. brusko, nagmumura at naninigaw, while, at the same time, minamahal niya at tinutulungan ang mga cook niyang mangmang. hehehe… parang ako, nung gumagawa pa ako ng mga project.

kung wala kang access sa librong ito, try watching “A Cook’s Tour” every saturday evening, 7:00 PM (GMT+8) sa discovery channel and adventure. it is a great show at sulit yung 30 minutes na oras ninyo. isa ito sa mga pinapanood ko pag week-end.

ngayon, kung wala ka ring access sa tv show niya, eh magpunta ka na lang sa pansitan doon sa kanto at panoorin mo si mokong gumawa ng bihon guisado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *