Little elves, on the rooftops they dance

nagbibisikleta lang ako sa umaga kaya hinahanda ko ang work clothes ko ng maaga at nilalagay ko ito sa back-pack prior to leaving. kadalasan, ginagawa ko ito sa semi-darkness dahil alam ko na naman kung saan nakalagay ang mga paborito kong damit. pero paminsan-minsan ay sumasablay din ako. tulad ngayon, pumasok ako sa opisina na magkaiba ang kulay ng medyas: isang bughaw, isang itim. bwakanginangyan. at magkaiba rin ang style: isang plain at isang may burda. bwahaha, welcome to the not-so-funny world of the color blind.

kung may bibisita ngayon sa opisina at titingnan ang paa ko, siguradong matatawa siya. but people seldom look at other people’s feet, shoes or socks. which is just as well. sabi nga ni morgan freeman: “I mean, seriously, how often do you really look at a man’s shoes?” kaya nga nakatakas si andy, yung bida sa shawshank redemption eh. ay spoiler. sorry.

13 thoughts on “Little elves, on the rooftops they dance

  1. Nakakatawa naman yang experience na yan.. kaya nga ako kapag tinatamad ako tahiin yung butas ng medjas ko sinusuot ko ko pa rin.. wala naman makakakita e. or kahit mejo parang bacon na yung garter pwede pa rin yun nyahahaha

  2. Ok lang yan, when I was preggers I used a comfy pair of socks kahit nakita ko nang butas sa big toe 😀
    I forgot I had an pre-natal class after work & we usually lie down in beds shoeless… Ayayay.
    That day I preferred to sit on a chair 😀

    Hey one of my all time fave yan- Shawshank Redemption. Feel good movie in a morbid sense when everyone gets their just deserts.

  3. Kumusta Jay! Kakauwi lang ng boss ko, kaya guilt-free ang dalaw ko ngayon ….

    Your story reminded me of a co-worker (reservoir engineer, tawagin natin siyang Bumbay) who left our company earlier this year. Per itong si Bumbay sadyang hindi pinapares ang medyas, which was one of his few eccentricities. Alam mo kung nasaan siya ngayon? He’s back in school (MIT) to get his doctorate. So you’re in good company…

    • hey classmate daisy!

      ngyehehe. pwede ka namang dumalaw kahit sandali lang.

      bumbay na wala sa hulog ang medyas. ayos. gusto ko ang mga taong eccentric. interesting sila, almost always. dapat mas maraming mga eccentric sa mundo para masaya.

  4. “but people seldom look at other people’s feet, shoes or socks.”

    trulala…ako nga pumasok ng magkaibang sapatos ang suot alang nakapansin lol parehong blak naman kasi lol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *