KIMCHILANDIA TRIP REPORT

jay during the beijing conference - tawang nakakaloko, parang sutil na gustong mang-asar. tawang sutil na parang gustong mang-asar. hehehehe. bwahahahaha… kuha kahapon sa beijing conference. kaya nakangiti ay para ipakita sa mga tao kung ano ang hitsura ng pagod, walang tulog at kakalog kalog na byaherong pinoy.

dear mylab op mayn. narito na ako sa kimchi land. umalis kaming beijing kahapon ng mga 6 pm right after the conference. straight to seoul. arrived at the hotel at 11 pm via the KIMCHI express. ang daming pinoy sa airport even in korea. wow. nag practice kami for the conference until 1 am. di makatulog kaya nagbasa ng comics hanggang 3 am. gising ng 6. breakfast. sinundo ng 7. conference ng 9. natapos ng 2. straight sa office. sagot sa email. pahinga. dinner. inom. tulog… hah. hah. hah. pagod na ko.

ang kunswelo ko lang ay napakaganda ng seoul in the springtime. i love the weather. hopefully tomorrow will even be better. next stop: another favorite city. tokyo. lipad kami ni steve ng 10 am bukas. ingat ka. lab U!

10 thoughts on “KIMCHILANDIA TRIP REPORT

  1. Wow naman, yung bihis kagalang-galang; yung ngiti, eh… eh… napaka-wholesome (wag sana ko tamaan ng kidlat).

    Nagpaparamdam lang, literally, kasi offline pa rin blog ko. May ipi-ping (hindi lacson) pa naman sana ako sa China post mo.

  2. uy namumula, mukhang nasobrahan ng soju, hehehe. welcome to the land of the morning calm! kaso mukha yatang di gaanong calm ang morning natin, ah, masyadong hectic 🙂

  3. Tsk! Wawa naman mylab ko. Di bale mylab, eto magiging report mo pagbalik mo dito sa Linggo.

    Dating ng 1am, bahay ng 2. Shower tapos ahhh… tapos uhmmm… hmmm…

    Tapos early morning breakfast tayo ng favorite mong adobo, nood ng early morning news habang nagpapababa ng kinain at pinapalamig ang kwarto, tapos imamasahe kita para antukin ka at makatulog. Tapos tulog na rin ako. One to sawa.

    Paggising natin, bahala na… Linggo naman e… hehe.

    Miss na kita mylab. Ang bagal talaga ng araw. Sana bukas paggising ko, Linggo na.

    Ingat ka lagi ha. Labyu! 🙂

  4. Hello! Share ka pa ng madaming pics when you come back. I’d love to see Beijing and Seoul kahit sa pics lang muna! Ingat sila.. I mean ikaw pala! 😉

  5. wow, look at dat mischievous ismayl. hehehe! kidding! wow ha korea, my best friend went there last year and when she came back, she never wanted to hear the word “bulgogi” heheeh… nagsawa. :-p have a good trip… sarap mo ah.. tokyo ka ha.. shucks all the sushi and sashimi you can eat. yun lang ang gusto ko puntahan sa japan, yung pagkain. :-p

  6. parang santo sa larawan, kumpleto pa ng sunflare effect sa likod. nag Mr. Clean ata ang naglaba ng suot mo at nakakasilaw.

    pareng Jay, yung uhmmm…tsaka yung uhmmm..paki esplika nga ha….ingat. post ka ng pictures ha?

  7. kilig naman ako sa ka-sweatan nyo, hehehe, j/k…

    tama ka junnie, pwede nyo ba kaming iupdate sa uhmmm…. tsaka uhmmm na yan….

    more pics!!! hehehe…. ingat!

  8. Pareng BatJay! Long time, no read, no see, no hear!

    Kamusta ka na, pare ko. Last time, I heard from you, andyan pa mom mo sa singapore at ipinapasyal mo. Ngayon, ikaw naman ang nagpapasyal? Aba, tingnan mo nga naman. Buti kapa. Dito sa bayan nating sawi, ang INEEETT!!! Noventa sa Fahrenheit, mag-kkwarenta na sa Celsius. Daming mataas ang presyon at na-sstroke, kaya di tuloy ako makapag-post na kasing dalas ng dati. Nawawala nako sa loop nyo ni Sassy!

    Punta ka ng Tokyo? Wow! Ako hanggang Saisaki lang dito, pare ko. Mag-uwi ka naman ng salmon sashimi!

    Mahilig ka pala sa graphic novels. Siguro fan ka din ni Neil Gaiman, ano.

  9. Pag-asar ang itsura mo! Pero miss ko na yang itsurang yan!

    Ingat ka na lang, malamang pupunta ka sa maraming Japayuki bukas…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *