KATABI NG GINTONG PALAY

kung ang gintong palay ay kumakaway, katabi mo ako sa bukid bayan ko…

uwi kami sa pilipinas sa sabado. sa wakas, after 6 months, balik ulit sa bahay, sa masarap na pagkain, sa pamilyang masaya at sa barkada. makakapagsalita na naman ng tuloy tuloy na tagalog. maiintindihan ko na naman ang karamihan ng mga sinasabi ng mga kaharap ko. hehehe.

kaya medyo pagod ako ngayon. double time ako sa pag tapos ng mga trabaho na dapat ay gagawin ko next week. para pag alis ko eh di naman mabibitin ang mga maiiwan sa opisina. as usual, working trip ito. one week lang na puro bisita sa mga cliente. ok lang yon dahil, the mere fact na nasa manila ako eh perk enough for me to do my job well. may dalawang week end naman ako para i-enjoy ang mini-vacation.

ano bang na-miss ko? aso kong si datu, ingay sa loob ng mall, tokwat-baboy, kwentong barbero ni mang boy, menudo ng mommy ko, DZRH sa umaga, tessie ureta at ping lacson (dahil gusto ko silang pag-untugin), efficiency at ngiti ng fastfood crew ng jollibee (mga taga rito kasi eh puro bobo – hehehe. secret lang natin ito ha. pangit ang service sa mga kainan dito eh. kadalasan tanga pa. long story, some other day, ikwento ko), asan na ba ako? ah, oo, jo’s lechon manok, amoy ng kinalkal na lupa, shakey’s special pizza thin crust with side order na chicken with mojos, tumingin sa kaliwa bago tumawid, jollibee breakfast joy na hotdog, sunsets, special cielo kebab sa persia house west avenue and most of all: iced tea at kape habang nagdidilig ng mga halaman sa garden ko pag gising sa umaga.

putangina with a capital “F”, sabik na akong umuwi. ilang tulog na lang. ilang tulog na lang…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *