Dino Dash 2008

tumakbo ako ng 10K race in the rain nung sunday – ang tawag nila rito ay “dinosaur dash“. hindi ko alam kung bakit ito ang ginamit nilang pangalan. siguro dahil matatanda na lahat ng mga sumali. hehehe. actually, karamihan ng mga tumakbo ay mga bata dahil ang race na ito ay para sa tustin public schools foundation. naka publish na yung mga results at eto ang tinakbo ko:

367th place out of 634
43rd place in the 40 to 44 year old age class

Total time: 58:33 minutes
Pace: 9:25 minutes/mile

ang goal ko ay tumakbo ng 10 kilometers under 1 hour at (in the words of brother mike) tenksbitugad, na achieve ko naman. hindi na masama para sa 42 year old (pero may asim pa rin) na diabetic.

Posted in Running | Leave a comment

No Direction Home

nag 16 miles ako ngayong araw na ito. my longest run ever. in and around the running trails of irvine ako tumakbo. ngayon ko lang na realize what a great city we live in. well, for a runner and a biker like me, it is the perfect place to live. hindi ko na napansin na mahaba na pala ang tinakbo ko.

inabot din ako ng mahigit tatlong oras. not bad for a 42 year old diabetic.

Running Music: Bob Dylan, Like a Rolling Stone

Posted in Rock and Roll Marathon | 5 Comments

Rock and Roll Marathon Preparation Week 13

today was probably the hottest day of the year. i was watching the news after my run and they said, it tied the record set in 1920. that’s how hot it was. it does show in my run – the graph is all downhill. bummer. pero nakapag practice pa rin ako ng uphill today in spite of the heat. but i did have to stop before my goal of 16 miles. hindi ko na kaya kasi sobrang init sa kalsada.

next week, alas sais pa lang ng umaga, nasa kalye na ako.

Posted in Rock and Roll Marathon | 6 Comments

North Lake, Irvine Ca.



sabado ako tumakbo para sa week 12 ng preparation ko sa rock and roll marathon. scaled back din – 11.26 miles lang. maglalaro kasi ako ng golf bukas at ayokong mapagod dahil maglalakad ako ng may bitbit sa likod na golf bag na puno ng clubs. for the first time, tumakbo ako sa north lake. 4 miles away lang ito sa amin. i’m glad that i did. it’s a great place to run. maraming mga tao at visually appealing sa mata.

hmm… “visually appealing sa mata”. parang redundant ata dahil alangan naman visually appealing sa ilong.

Running Music: Steppenwolf, Born to Be Wild

Continue reading

Posted in Rock and Roll Marathon | 3 Comments

At home drawing pictures of mountain tops



santiago canyon – the site of the orange county california wild fires last year. this is actually fire central and you can still see burnt trees all over the place. tinakbo ko ito ngayon. it’s a tough climb from saddleback church and back but i did it anyway.

i’m sore but i feel good.

Continue reading

Posted in Rock and Roll Marathon | 5 Comments

Arms Raised in a “V”

Week 11 Training Summary:

  1. March 3, 3.88 walk
  2. March 4, bike 16 miles
  3. March 5, bike 16 miles
  4. March 6, bike 16 miles
  5. March 8, golf 18 holes (WOOHOO!)
Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

The Smell of Sunday in Our Hair

hirap ako ngayon sa pagtakbo dahil malakas ang hangin at medyo mainit. with the wind pa kadalasan pero naka 14 miles pa rin, kaya ok lang. ang total time ko ngayon ay 2 hours and 40 minutes. naka average ng 11 minutes per mile. hindi na rin masama considering may santa ana winds sa orange county. ngayon din nga pala ang LA Marathon at sigurado ako, hinangin din sila.

Running Music: KD Lang, Summer Fling

Posted in Rock and Roll Marathon | 5 Comments

Sweet Burn of Sun

Week 10 Summary

  1. Feb 25, Night Walk 3 miles
  2. Feb 26, Night Walk 3 miles
  3. Feb 28, Bike 16 miles
  4. Feb 29, Bike 16 miles
  5. March 01, Weekend Walk 5 miles
Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

Life is just a rodeo

week 9 na ako sa preparation ko ng rock and roll marathon sa san diego. 3 months to go before the june 1st race. tumakbo ako ng sarili kong half marathon kaninang umaga habang umuulan. ok lang – mas hiyang pa nga ako pag umuulan kaysa maaraw.

siguro hinahanap-hanap ng katawan ko yung panahon na parati akong basa sa ulan nung nakatira pa kami sa pilipinas at singapore. dito kasi sa desyerto ng southern california, bihira lang talaga pumatak at welcome relief pag nangyari ito.

running music: john fogerty, rock and roll girls

Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

Ladies in the sun, listenin’ to the radio

Week 8 Summary:

  1. Feb 18, 3 mile night walk
  2. Feb 19, Bike 16 miles and 3 mile walk
  3. Feb 20, 3 mile walk
  4. Feb 21, Bike 16 mile
  5. Feb 22, 3 mile morning run
  6. Feb 23, 5 mile weekend walk
Posted in Rock and Roll Marathon | 12 Comments

Gun it comin’ off the line Sharona

week 8 na ako ng preparation ko sa rock and roll marathon at medyo nag scale down ako ng mileage this week. ayoko kasing biglain. based sa schedule ko, dapat 10 miles lang ang tatakbuhin ko ngayon pero nag extend ako ng 11.5 miles. two miles less ng tinakbo ko during the past 2 weekends.

running music: my sharona, the knack

Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

Hey Pretty Baby

Week 7 Summary:

  1. Feb 11 – Weights
  2. Feb 12 – Bike 16 miles
  3. Feb 13 – Weights
  4. Feb 15 – Weights, Bike 16 miles
  5. Feb 16 – Long Weekend Walk 5.96 miles
Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

Ride on the chrome horse with your diplomat

week 7 na ng preparation ko para sa rock and roll marathon at 1 week after the surf city half marathon. tumakbo ulit ako ng half marathon distance ngayon. medyo mas mabagal ang oras ko kaysa last week. expected ko naman ito dahil walang masyadong adrenalin rush pag practice run. medyo sumakit lang ang tuhod ko towards the end. nararamdaman ko ang sakit pag humihinto ako sa mga stop light. pag tumatakbo ako ay ok naman. weird.

running music: bob dylan, like a rolling stone

Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

The time will come up when the winds will stop

weekly training round-up:

  1. Feb 05 – 3 mile lunchtime run
  2. Feb 06 – 16 mile bike
  3. Feb 07 – 16 mile bike, 3 mile lunchtime run
  4. Feb 08 – 3 mile lunchtine run, 2.8 mile evening walk
  5. Feb 09 – 5 mile walk

a great sunny weekend – HOORAY!

Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

I know a girl from a lonely street

first time ko ulit tumakbo ngayong tanghali pagkatapos ng half marathon nung linggo. medyo pinapakiramdaman ko nga ang sarili ko kaya hind masyadong mabilis ang takbo ko. nag 3 miles lang ako paikot doon sa orchard sa labas ng opisina. ok lang. mayroon pa ring kaunting aches and pains sa paa ko pero manageable naman.

running music: sunday girl, blondie

Posted in Running | Leave a comment

Best in Gown sa Surf City Marathon



kahit bumabagyo rito sa southern california, tuloy pa rin ang surf city marathon sa huntington beach. medyo nahirapan ako dahil bukod sa malamig ay malakas ang hangin at ulan. pero sa tingin ko ay naitaas ko ang bandera ng mga poging pinoy sa buong mundo ngayong araw na ito. pagpapatunay rin na kahit may diabetis, pwede pa ring i-career ang pagkarera.

naging mas makahulugan ang araw na ito dahil pinanood ako ni jet. lalo ngang bumilis ang takbo ko nung makita ko siya malapit sa finish line. muntik na tuloy akong matalisod. alam kong malaking sakripisyo ang pagsama niya kasi may pasok pa siya sa hospital mamayang gabi kaya nga may medal din siya. hehehe.

heto na yung official results

Surf City USA Marathon – Half Marathon

Bib:

11501

Name:

Nicanor David

Gender:

M

Age:

42

Hometown:

Irvine CA

Place Overall:

4105

out of 8402

Men:

2279

out of 3513

M 40-44:

370

out of 534

AgeGrade:

45.58%

Place: 5104

FINISH:

2:15:39

pace: 10:21

7.75 Mile:

1:20:30

pace: 10:24

Chip Time:

2:15:39

hindi na masama para sa isang 42 year old, no? sana nga lang ay may magregalo sa akin ng gift certificate na body massage. kahit walang sensation, basta masahe lang. ang sakit kasi ng balakang at paa ko ngayon at nahihirapan akong makayuko. hindi ko tuloy matanggal yung libag sa kuko ng paa ko.

Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

Winding them down on her clock machine

tumakbo ako ng 12 miles kahapon. big deal ito para sa akin dahil ito ang pinakamahabang takbo ko, so far. bawat linggo na lumilipas ay palapit na ng palapit sa june 1st date ko with destiny. hehehe. putanginang drama yan. pero, may pagka dramatic nga naman para sa akin dahil ito ang aking first marathon.

minsan nga, tinatanong ko sa sarili ko kung ano ang karapatan ng isang 42 year old fart diabetic na tumakbo ng 26 miles. but what the fuck, kakayanin ko ito. medyo nawawala na ang takot ko. each passing week is one milestone after another. habang pahaba ng pahaba at patagal ng patagal ang takbo ko during this training period, i feel myself gaining in confidence and in strength.

running music: The Cars, Let’s Go


oo nga pala, para sa mga narito sa southern california: tatakbo ako sa surf city 1/2 marathon sa huntington beach this coming sunday.punta kayo para naman may cheering squad ako. gusto ko sana, may cheering squad, marching band at mga placard na nakasulat “Go, Unkyel BatJay, Go”. eto yung course map, para alam ninyo kung saan pwede tumambay.

Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

Runnin’ with the Devil

Training Summary:

  1. 21 Jan – 16 mile bike to and from work, 2 mile evening walk
  2. 22 Jan – Lunch time 3 mile run, Lake Forest
  3. 23 Jan – 16 mile bike to and from work
  4. 24 Jan – Lunch time 3 mile run, Lake Forest
  5. 25 Jan – Lunch time 3 mile run, Lake Forest
  6. 26 Jan – 12 mile training run, Irvine
Posted in Rock and Roll Marathon | Leave a comment

Trouble in Mind, I’m a little Blue

nag kotse ako ngayon papasok dahil kailangan ihatid ko si jet sa doctor’s appointment niya. ok lang naman dahil naka dalawang takbo ako. 3 miles kaninang tanghali habang hinihintay ko si jet maligo at 2.5 miles ngayong gabi pagkatapos kumain.

Posted in Running | Leave a comment

Walk out if it doesn’t feel right

lunes, back to work. mas mabilis ako ngayon sa bisikleta papasok sa trabaho. sana, simula na ito ng pagsanay ng katawan ko sa akyatan. napansin ko kasi na hindi ako masyadong nahirapan. bukas susubukan ko ulit mag bisikleta at tititngnan ko kung parehas pa rin ang pakiramdam.

Posted in Cycling | Leave a comment