POST VACATION DEPRESSION

kahapon nasa dyaryo rito: there is such a thing daw as “post vacation depression” especially after the christmas holidays (similar ba ito sa post-natal depression?). ayon sa mga doctor from down under (bansa ni egay maderazo na isa nang australian citizen pero kutis bayag pa ring katulad ko). it is a bad feeling na parang kulang ang bakasyon mo. it normally last two weeks upon return…

tulad ko. malamang ay post vacation depression ang nararadaman ko ngayon: symptoms ko… “gustong bumili ng ticket pabalik sa pilipinas kahit kakagaling lang doon”, “di mapakali at alumpihit sa opisina at tingin ng tingin sa relos at gusto nang umuwi”, “gusto nang mag-resign sa trabaho at magtanim na lang ng kamote sa antipolo”, etc. etc.

kung tutuo man ito eh sana nga two weeks lang ang duration. sabi pa ng mga doctor eh – the depression stops when you are already fully engrossed in work and at the same time, looking forward to the next major break. speaking of the next major break: may long weekend kami dito for the chinese lunar new year. friday, 31 january ay half day, week-end ng feb 1 and 2, pagtapos ay monday at tuesday (feb 3 and 4) ay walang pasok. total: 4 and a half days na celebration. di na rin masama ito…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *