Just to let my soul free

OC REGISTER. For the fourth straight year, Irvine has retained its position as the safest big city in the country, local leaders announced today, with less violent crime per capita than any other American community with more than 100,000 residents.

how does it feel to live in the safest city in america? it feels great. walang papasok na magnanakaw kahit iwanan mong nakabukas ang pintuan sa gabi. kahit maglakad sa kalye ng madaling araw ay ok lang, basta huwag lang maglakad ng nakahubo.

ang nakakabwisit lang ay ang mataas na cost of living. nagpa gas nga ako kahapon, inabot na ng $4.50 ang isang gallon. bwakanginangyan. kaya kanina, kahit late na ako gumising ay nagbisikleta pa rin ako papasok sa opisina.

32 thoughts on “Just to let my soul free

  1. ginoong batjay! 🙂

    ako po’y isang lumang fan na matagal nang hindi nakakabisita sa blog mo. wala ka na pala sa singapore at nasa bansa ka na pala ng mga puti, mukhang ang dami ko nang na-miss. at iba na rin ang url mo, ako din iba na 😀 umaasenso na tayo ah.

    buti pa dyan pwedeng maglakad ng safe sa madaling araw. eh dito pag sinubukan mo yan sa cubao, baclaran, o divisoria mas malamang na umuwi kang hubo dahil na-hold up ka na. hay buhay. sana paglaki ko makapunta din ako dyan at makagawa din ng libro. meron nga pala ako non 😀

  2. hi po, kahit dito sa Pinas ang mahal na ng gasolina… wish nga namin magkaron na ng bike lane para mag ba bike na lang din kami pagpasok ng office.. exercise na, tipid pa..

  3. Okay na suggestion yang bike lane. Kung sa Pasay ako nakatira at Makati ang trabaho ko, pag dating sa opis, basa na sa pawis, diesel pa ang pabango. At pag nakaputi pa, me brown stripe pa ang kwelyo.

    Hinde rin exercise, dahil ang nilalanghap ko ay carbon monoxide. Hinde rin tipid dahil magkakasakit ako. Gastos sa hospital at gamot.

    Ang maganda, lahat nang sasakyang gumagamit nang diesel at gasolina ipagbawal sa matataong lugar, katulad nang syudad. Bisikleta nalang. Hindi na maingay, sasariwa pa ang hangin.

    Pero hangang wish nalang ito.

  4. mataas na cost of living…maybe that’s the price for living in a safe place,but i know from experience that its worth it, swerte ka mr.batjay nakatira ka sa mapayapang lugar na pwede lumakad na hindi ka nag-aalalang baka may mangholdap o mangtrip na tambay sayo. sa manila nakasakay na’t lahat sa jeep hindi pa pwedeng makahinga ng maluwag kasi andyan ang holdaper at snatcher.
    ………
    wag namang ipagbawal ang sasakyan dahil sa matataong lugar maraming establishments tulad ng restaurant at mga malls, hindi ka naman pwedeng magdeliver ng 100 kilong karne at bulto bultong produkto gamit lang ang bike, gumamit na lang siguro ng alternative fuel tulad ng lpg o tubig o cocodiesel para hindi magbuga ng masamang hangin….siguro pwedeng mangyari yan sa pinas mga 50 to 100 yrs from now.

  5. tol,

    kapag ang isang lugar na tulad ng sinasabi mo ay walang residenteng nagugutom, tiyak walang krimen na mangyayari. we have such a place like that in the philippines. have you heard Batanes island? in this place, zero crime rate. yes brod, zero ang crime rate nila. ang probleme lang eh mahirap puntahan dahil hindi regular ang mode of transport papunta duon. besides, you know batanes is a gate way for strong typhoons that pass our country. i hope that island won’t be polluted by korean and taiwanese tourists.

    ang gasoline ko ay v-power (95 octane) ng shell at it cost 56.85 pesos per liter which is higher than your gasoline in the states. your stilll lucky dahil maayos pa ang hangin dyan. i fully agree with blogusvox. if the filipinos don’t think deep about their enviroment, we will be buying botlled air in the near future.

    all the best………bong

  6. Hmmn… 1 US gallon is 3.78 L
    Kung Gayon… Ang presyo sa inyo ay $1.19/L
    I assume that to be regular.

    Dito sa’min, sa Probinsya ng Canada na ang pangunahing producto ay langis, ang presyo ng regular ay…

    $1.25

    Halos magsintaas na ang USD at CAD, so sabihin na nating talagang mas mataas ang gasolina dito…
    Hmmn… hindi mahirap isipin na mayroon nga talagang conspiracy pagdating sa langis. Isama mo na yung pag-taas at baba ng presyo sa pump tuwing may kalamidad o terrorist attack at talagang hindi na maipagkakaila na ginogoyo lang tayong konsumer – I mean, akalain mo ba namang itaas kaagad ang presyo kinabukasan pagkatapos ng isang kalamidad samantalang buwan ang inaabot ng langis para maging gasolina?

    Tama po kayo, takbo at bisikleta na lang tuwing kaya.

  7. unkyel, it’s awesome that you can ride your bike to work and get your daily exercise. i wish we can wean ourselves from dependency of gas/oil.

  8. blogusvox, yeah, i forgot the electric car kaya lang hindi pa widely used dito sa pinas kasi unlike the 3 alternatives i mentioned earlier,one step at a time,para hindi mabigla ang madlangpilipino,mahal pati ata ang electric car sa ngayon. pero magandang idea yung karitela in fairness ha?,brings back memories,nakakamiss din kasi ang probinsya at bukid ambiance…nostalgic ang dating

  9. mayroon na bang hybrid na kotse sa pilipinas?

    MYE: oo nga, altough it takes a bit of discipline to bike to way day in and day out. bundok kasi ang last 2 miles of my 8 mile ride to work. going home is a breeze though. i just hold on to the handle bars and cruise down the mountain.

    bike lanes sa pilipinas. sana pwede kaya lang baka wala rin itong effect kasi di naman sinusunod sa pilipinas ang kahit anong lane.

    USAGI: oo nga, ang magulo lang rito ay yung kapitbahay naming lola na reklamo ng reklamo.

  10. I love living here too and yes, we are one of the lucky ones and I am grateful. I mean, what are the chances of us being here when there are a lot of desolate places we could have ended in. Kaya salamat talaga sa Diyos.

    Running, biking or a more effective mass transportation system. Singapore thrives so well on its public transport system vis a vis stringent vehicle licensing protocols, California should pick their brains.

  11. oo nga mylab. wala kasi sa plano ng mga taga southern california ang mass transport. nasa suburbs kasi tayo and it’s all one big open space. but they are catching up. i know irvine has started to connect it’s train station with the malls and the other business centers.

  12. natuto na rin akong sumakay ng motorsiklo with my husband driving. Gustong-gusto niya ang motorsiklo and what better reason to go back using it regularly is the extremely high oil prices.Pati bigas dito—hanep! Ginto!!! Buti na lang mas hilig ko ang mashed potatoes…:-)
    Mahirap mag-bisikleta sa amin kasi puro bundok. Tahimik rin at puwede kang maglakad sa gabi ng matiwasay. Maski hubad. Madilim kasi. Nasa liblib.

  13. Wala na atang pagkapigil ang pagtaas ng gasolina kasi nauubos na ito. It’s the last effort of the sheiks to make do with the last of their reserves. Dito ang gasokina is now selling at Php 54 and rumors have it that will reach Php65. Hay buhay. Nag=iisip na nga akong bumili ng kabayo eh.

  14. ano yung kulegleg sa edsa?

    Tito Rolly: 65 pesos? packingsheet. baka nga ok ang kabayo sir. naalala mo ba yung lyrics sa kantang kalesa? “kabayo’y hindi natin problema. Pulot lang at damo ay tama na. Matulin din sa kalsada, wala pang gasolina”

    Bernie: sarap maglakad sa bundok.

    Richy: hopefully with the high gas prices, it will change.

  15. dito rin kuya jay mahal ang langis..

    di lang langis, pati bigas, pati kuryente, tubig, pagkain…

    wala na atang mura dito kundi ang pagmumura. ahihih..nyeks! korni! ahahah 😛

  16. bat di nalang lagyan ng mga lubid ang mga poste sa kalsada tapos mag ala TARSAN nalang yong mga tao. AAAAHHHHH Ah ah ah!!!! hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *