JIMMY CORRIGAN, THE SMARTEST BOY ON EARTH

BOOKS, MUSIC, MOVIES lahat ng perang pambili ko supposedly ng sigarillo ay napunta na ngayon sa pambili ng libro, DVD at CD. sa isang banda ok na rin. healthy na, enjoy pa. dito sa singapore, makukuha mo halos lahat ng mga gusto mong books, film and music. unless may “pornography” at topics na against the government. hehe. may censorship pa rin. pero maraming mga loophole para macircumvent mo ang mga censors. pinakasikat dito ang mga online stores tulad ng “amazon.com”. pag di available ang mga gusto ko, dito ako kadalasan bumibili.

matagal na rin pala akong di nagkukwento ng mga latest books, films and music na bagong sali sa collection namin. eto ang catalog, baka gusto ninyong subukan…

ang mga librong kasalukuyang binabasa:

“Jimmy Corrigan: The Smartest Kid on Earth” by Chris Ware. if you have time to read only 1 book, make sure you get a copy of this one. ang galing nito and i highly recommend it. hindi ko ito binili. ipinahiram lang sa akin, pero bibilhin ko rin eventually dahil sobrang ganda. salamat kay reg sa pag pahiram sa akin nito. sa aking palagay, itong award winning na graphic novel na ito ang isa sa pinaka magandang nabasa ko, ever. it ranks right up there with alan moore’s “the watchmen”.

“A Widow for One Year” by John Irving. typical irving – punong puno ng katatawanan, sex, kalibugan at kabastusan pero written very well. my kind of book. ito ang kasalukuyan kong kasama sa train. pampatanggal ng inip at pampa distract sa mga nangungulangot.

“The Invisibles” by Grant Morrison. nabuo ko na ang 7 volumes ng graphic novel na ito. if you loved “The Matrix” (and i’m sure you did), try to get a copy of “the invisibles”. ito ang nagsilbing inspiration ng cast and crew ng matrix movie at maraming mga similarities between the novel and the movie.

“Transmetropolitan Volume 7: Spider’s Trash” by Warren Ellis. pagpapatuloy ng adventures ng journalist na si spider jerusalem. nakaka addict basahin itong comics na ito. sa unang tingin, akala mo walang gana ang isang graphic novel tungkol sa journalism. but this one rocks baby.

“The Once and Future Spy” by Robert Littell. ang dahilan kaya binili ko ang libro na ito ay dahil paborito ko ang libro niyang “the company“, which is, for me, the best spy thriller of all time. on the strength of his reputation, i got “the once and future spy”. di ko pa ito nababasa and i hope it is as good as “the company”.

ang mga musika at pelikulang kasalukuyang ninanamnam:

“Songs from the Street”: 35 Years of Sesame Street Music”. proabably the best box set CD na nabili namin in recent years. 63 songs na magbabalik ng maraming masasayang alaala ng pagkabata. current peborit namin ni jet at pinapatugtog namin araw-araw.

“Oyaya” by Angelique Kidjo. exploration ni angelique ng african influence sa latin at carribean music. “oyaya” means “joy” in the yoruba language at yung paborito kong kanta na “congoleo” is a great joyous song. if you’re tired of mainstream music and have money to buy 1 CD, try this. i am very sure you will love it.

“Live in Barcelona” (DVD), Bruce Springsteen. dang, this DVD rocks. iba talaga ang idol kong si ‘da boss kung live concert ang pinaguusapan. nakakatindig balahibo ang performance ni springsteen at sulit talaga ang bayad sa mga concert niya. it is almost like going to church. i shit you not.

Jesus Christ Superstar, original 1973 movie ni andrew loyd webber. now this movie and the music contained in this rock opera ay may sentimental value para sa akin. ito ang una kong paboritong musical at nung bata ako, ni re-reenact namin ang mga eksena at mga kanta rito. hanggang ngayon kabisado ko pa rin lahat ng lyrics ng mga kanta. in fact, if you want, you can listen to my version of pilate’s dream.

“School of Rock” (DVD), Jack Black. pwede na rin. isang out of a band na rocker ang nag decide na mag panggap na teacher. he then teaches his class how to rock and roll. cool na cool dahil ginamit nila ang “immigrant song” ng led zeppelin sa pelikula. hehe.

“Sex and Lucia” by Julio Medem. eto ang isang review: “Medem packs it with so much stunning, wildly colorful imagery — and so much sex — that it transfixes you even when you’re not quite sure what’s going on.” – Michael Wilmington, CHICAGO TRIBUNE. eto mismo ang opinion ko sa pelikulang ito.

22 thoughts on “JIMMY CORRIGAN, THE SMARTEST BOY ON EARTH

  1. Bosing, isa lang ang nakikita kong setback ng pagco=collect mo ng mga bagay bagay. Baka makalimutan mong mag-uwi paunti-unti twing uuwi ka sa pinas e matambakan ka ng collections mo at mahirapan kang i-ship sila dito pag babalik ka na for good.

    This is a personal reminder from your nosy neighbor using ruby pomade. hehehe

  2. nasilip ko po ang tipo ninyong tugtug. baka gusto ninyong subukan si ‘nick drake’. matalinong folk. kasing influential po ng unang album ng velvet underground ang tatlo niyang album (naki-jam si john cale sa pangalawa niyang album). yung tipong hindi gaanong pumatok sa mass audience pero gustong-gusto ng mga musikero. ang katulad ng maraming henyo ng rock, nagpatiwakal sa edad na 27.

    sa libro, ok din po si don delillo.

    alagad din ng CDs at libro at gelpren ni john lennon at jim morrison,
    luthien

  3. Hi Batjay,

    Nakita o nasilayan (tama ba?) ang croc dundee pics mo this morning.

    Tumawa siya and he said “‘Cool! I am going to get a hat like that, too.” Joke lang niya.

    And he said again, ‘Now, let’s go to church.We’ll be late.’

    KJ ha?

  4. Kami din ni hubbie mahilig sa DVDs pero ngayon hinay-hinay muna.

    Ako lang mahilig sa books. I’ve got at least 3 boxes full by now. Iniisip ko nga kung ano gagawin ko dun sa mga paperbacks when we move. Nanghihinayang naman akong ibenta sa mga cheap shops…

    Ey have you tried Chin-chin’s UYAYI cd? Lullaby compilation from North to South… It’s a good buy as well. I’m sure magugustuhan nyo ni Jet yun.

  5. Bosing –
    Nais ko lang malaman kung bakit kayo huminto sa pag-yoyosi? Health ba o dahil kay misis? paano mo
    ginawa yun? kasi ako rin gusto ko ng mag-quit pero parang love affair na “cool off” muna for 3 mos. en den balik ulit…Nahihiya na kasi ako sa mga anak ko eh…do u still get the urges to smoke? gaano na katagal ang huling yosi mo? ano sikret mo pra mawala urges?
    tenk you po
    vj ang batang pateros…

  6. bossing jay, nabili ko na ung american god. sinisimulan ko nang basahin. pero di ko makahanap ng world according to garp ni irving. phaseout na ata. kakainis. kahit sa powerbooks di ako mkbili. pati ung its a bird wala n rin. san ba pwede mkabili?? nabasa mo na ba ung the vinci’s code sni dan brown?? maganda. subukan mo.

  7. hi tito rolly.

    uy, salamat sa reminder. alam mo, matagal ko na itong pinagiisipan. nabanggit ko na ito kay jet before our last trip – sabi ko, mag start na kaming mag uwi ng mga libro dahil ang bibigat nito. ayaw niya. hehe. parang cherished possession kasi namin ito. kasali ng mga CD at mga DVD. tapos mayron pang isang malaking painting at mga prints na bili ko sa mga travels. natatakot nga ako, dahil alam ko expensive ito pag pinadala by courier service.

    musta na diyan?

  8. luthien… parang yung librarian ni morpheus.

    maraming salamat sa comment mo. i will try to look up your recommendations at mukha namang ok based on what you’ve described.

    ikaw ba ang gelpren ni john at jim? wow, cool.

    jay

  9. hi AUEE! ang pangalan na walang consonant!!!

    huwag mo na lang ibenta ang mga paperbacks mo 0 ibigay mo na lang sa akin. hehehe. seriously, nagpagawa kami ni jet ng library sa isang spare room sa antipolo. dito nakalagay ang mga books namin. dito rin sa singapore mayron kaming isang room na library. dito naka stock ang mga books namin.

    i’ve heard about UYAYI when i went home the last time. baka magandahan kami. susubukan ko when we come home.

    ingat na lang diyan!

  10. hi ruth.

    may binili na ako kay jet na japanese cookbook. di ko pa nga lang nasusubukan. gawa nga kaya ako ng cooking blog. marami na rin akong mga photos ng mga niluto ko – lalagyan ko na lang ng kwento. ano bang magandang ipangalan: “BatJay, The Naked Chef-Engineer”, “Mga Cooking ng Ina Ko”…

  11. hi VJ,

    kung mababasa mo ang mga luma kong blog – in particular, yung may to june 2004, malalaman mo na naoperahan ako at naospital. not necessarily in that order. hehehe. anyway nung nasa loob ako ng hospital at nagpapagaling, nagdecide na lang ako out of the blue to quite smoking paglabas ko. naisip ko eh tutal pag labas ko ng hospital ay clean slate ako as far as smoking is concerned. at yun nga ang nangyari – cold turkey ako.

    i’ve haven’t had a puff since may 30. mahirap nga – i’m in the early stages of quitting kaya may mga urges ako to light up hanggang ngayon. it is tough. sana, makaya ko ito. many of my friends who have smoked with me from the very beginning (20 or so years ago) have already quit ahead of me. some still do. i hope i can make it. anong secret of not smoking? yung fear of lung cancer. i’m at a stage where i am now starting to feel that i am no longer invincible.

    so, you work at the art institute of chicago! cool. i’ve been getting hits from artic from time to time – ikaw ba yon?

    ingat.

  12. hey marquee.

    “world according to garp” at “it’s a bird”, lemme see: ang pinaka madali ay through http://www.amazon.com kung hindi available ang mga books locally. make sure that you use DHL or any courier service. don’t trust the local mail for delivering packages from the states. alam mo na – maraming mga malilikot ang kamay sa post office. believe me, it has happened to me more than once. nanakaw ang mga order kong books.

    for “world according to garp” – pwede mong subukan yung mga book sale. baka makatsamba ka dahil maraming mga bargain doon from time to time. sa “it’s a bird” you can try comicquest or filbars. all of these stores have branches in megamall.

    good luck sa american gods. marami pang mga novel is gaiman na magandang basahin. at oo, nabasa ko na ang “da vinci code”. ok siyang basahin pero di ko ipagpapalit ang “world according to garp” sa novel ni dan brown.

  13. Hi Mr. Batjay

    I’ve been reading your blog for a month. I saw your blog through Sassy and I’ve been hooked since then. 🙂

    Haye you tried Kurt Vonnegut’s books? Hanep sa dark comedy and tirada sa US system.

  14. hi pegasus.

    thanks for commenting. i’ve heard about vonnegut but haven’t sampled his work. thanks for reccomending this – now’s the best time as ever, i guess, to look it up. i love dark comedies: “mash”, the altman film is probably the best in my collection.

    thanks for visiting – i look forward to hearing more from you in the future.

    take care and be cool.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *