people will never forget how you made them feel

dalawa at kalahating linggo na ang nakaraan pagkatapos naming bumaba sa eroplano at patuloy na ang pag usad ng aming buhay california: dumating na yung inorder naming sofa ngayong hapon. tapos na ring ma asembol lahat ng “build it yourself” furniture na binili namin. my days as a carpenter are finally over at mukhang tahanan na ang apartment namin. masarap talagang mag home improvement project dahil mayroong pride at feeling of accomplishment pag nikikita mong nakatayo na ang ginawa mo. in total mayroon na akong isang dining room showcase, tatlong aparador, isang tv stand, dalawang bedside table, isang shoe rack, apat na paltos, isang daliring tinamaan ng martilyo, dalawang gabing mainit ang ulo, magkabilang paa na nabagsakan ng mabigat na kahoy, isang sugat na malapit sa pulso and a partridge in a pear tree.

ang isa pang good news ay nagkaroon na ako ng social security number. nagpunta nga ako sa social security office the other day para kuhanin ito. dumating ako ng lunch, just in time to watch 2 filipinos fighting. isang pinay na nagpa process din ng kanyang social security ay sinuway ng isang pinoy na security guard sa pag gamit ng cellphone. nagkasagutan sila dahil nainsulto ang babaeng nasaway, sinabihan ang pinoy na security guard na nagyayabang lang ito at gustong mag power play doon sa opisina. ayun, nagkapikunan at nagtalo talo. sa excitement ko nga eh muntik na akong sumigaw ng – “kung talagang matapang ka, sige nga – hawakan mo nga ang tenga“.

naka encounter na rin ako sa wakas ng mga naririnig ko lang sa mga kwento – that in some cases, we don’t give any quarter to our own here in the states. ewan ko, siguro naive lang ako sa sex at sa takbo ng buhay dito sa amerika. siguro, punong puno pa rin ako ng pinoy sensibilities. if i was the security guard, i would have probably talked to the lady in tagalog and said in a low and friendly voice na may kasamang matamis na ngiti: “miss maganda, bawal po ang cell phone sa social security office, baka po pwedeng patayin habang narito kayo” instead of “PLEASE TURN OFF YOUR CELLPHONE MA’AM. I REPEAT, DO NOT USE YOUR CELLPHONE HERE“.

16 thoughts on “people will never forget how you made them feel

  1. tama po kayo, minsan, nasa paraan ng pagsabi talaga! sana kayo na lang po yung gard.
    pagkatapos naming maghapunan, bonding time naming mag asawa ang bumisita dito. pagkatapos patulugin si baby, kayo ang form of relaxation namin.
    god bless you po!

  2. Hi Batjay,

    I always check & read your blog everyday for the past year…friend ako ni Yvette Lopez(nasa africa). Love your blog! Dito naman ako sa SF Bay Area. pag nabanda kayo rito ng maylab mo, pasyal kayo. Pero tanong ko lang sa obeservation mo…tama na wag mawala ang Pinoy sensibilities..pero curious lang ako kung gringo kaya ang security na yon at di Pinoy, sasagot kaya ang baabe o mapipikon? malamang susunod sya. Enjoy Southern California!

  3. hi jenggay. siyempre kilala ko si ibet. kung kaibigan ka niya eh i am sure that you’re as cool as her. matagal na pala yung last meeting namin sa manila nina boss teddy. maraming salamat nga pala sa pag comment. kung last year ka pa nagbabasa, bakit ngayon ka lang nagparamdam? hehehe. parati kami sa bay area ni jet. we always make it a point to drop by pag bumibisita sa states dahil marami akong mga kamag anak diyan. we will be driving up as soon naging ok na kami sa pag setup dito.

    paano ba ang style ng mga gringo? di ko pa sila masyadong naka encounter.

  4. kuya batjay,alam mo bang di kumple2 ang araw ko pag di makabisita d2 sa blog site mo.nakakatawa kasi at nakakaaliw,nakakawala ng problem.kaya araw araw po akong bumibisita d2.
    musta na po kau dyan ni ate jet.

  5. alam mo ang pagbabasa din ng blog mo ang umaaliw sa aking nakakabaliw na araw mahirap din atang maging stay at home mom…hehehe.. kaya malungkot ako pag merong araw na di ka nagsusulat..

  6. hello po ulit. nagtaka ang asawa ko bakit sa akin sumagot kayo samantalang sa kanya hindi.. sabi ko malamang eh pagod po kayo sa dami ng inaayos nyo sa bago nyong tahanan..mahilig sa do it yourself projects din si mister. wala namang mag aasemble ng cabinets namin dito kundi sya rin. hehehe..
    pag nagawi kayo dito sa florida, pasyal kayo dito sa amin. punta tayong seaworld!
    pasuyo ke ms mandy, stay at home mom din ako at kaligayahan namin ang magbasa ke mr batjay. 3 mos na kaming fans pero ngayon lang nagparamdam!
    regards!

  7. Sir Batjay,
    I agree with you, pwede namang maging mahigpit pero magalang ang dating.

    Pero bakit may pinoy na napakasensitive sa mga bagay na feeling nila nalalamangan lagi sila? Sana bigyan mo sila ng payo ? I know its hard to be humble when you are great, di ba King David.
    fan mo ito,
    GIL

  8. sabi nga ng mga auntie ko dyan na “america can really change you..” mas magiging matapang ka. i guess di lang ito applicable when it comes to encounters with the 3rd kind (ehe, i meant encounters with the kanos) but sa kapwa pinoy rin.

  9. Meron talagang ganun… mga kapwa Pinoy sa ibang bansa na nag-iiba na ng ugali at pakikitungo sa ibang Pilipino. Nawawala na ang mga magagandang ugali (unti-unti).

    Sana nga naghawakan na sila ng mga tenga. 😀 Hehehe.

  10. wow! galing mo magsulat! ASTEEEEG! first time ko po ito makita ang site mo. nagsearch ako para sa bio class ko tapos dito ako nadala ng yahoo. hmm…ano kaya connection ng osteocytes sa blog mo??? ngayon pa lang ako nagbasa dito pero adik na ako! weeee! galing galing mo! sana maging ganyan rin ang writing ko. kung may time po kayo, okrayin niyo naman mga sulat ko(kunti lang un masyado) sa blog ko. ha? pwede? kasi sobrang bilib talaga ako sa pagsusulat mo! adik na ako! araw araw na kitang mumultuhin! bwahahahahaha!

  11. hi mandy.

    maraming salamat sa pagsulat. pasensya ka na’t ngayon lang ako sumagot. marami kasi akong pinagkaka abalahan lately.

    mahirap nga ang maging stay at home mommy. i hope hindi masyadong pabigat ito sa iyo. i am sure na sulit naman ang balik sa iyong pagmamahal. salamat ulit sa maganda mong mga sinabi – hanggang sa muli mong pagbabalik.

    ingat na lang!!!
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *