You may call me Bobby, you may call me Zimmy

kagagaling ko lang sa clinic ni doctor mary. no big deal dahil routine check-up lang naman ito para sa diabetes ko. tuwang tuwa nga siya dahil di naman daw masyadong malala ang mga lab results ko. abnormal nga lang yung blood sugar ko pero mas guwapo raw ako ngayon kumpara sa huli naming pagkikita, four months ago.

sa november na ulit ang balik ko sa kanya. nagpa schedule kasi ako ng complete physical check-up. medyo nangiti nga yung assistant niyang nurse na si lisa, isang southern lady na galing sa state ng tennessee. kursunada ata ako nun eh dahil nung tinanong ko kung may prostate exam, bigla siyang nangiti at tiningnan ako ng masama. tanginangyan, may kakalikot na naman ng pwet ko.

sino ba naman kasing sadistang gago ang nag imbento ng prostate exam? ayokong ayoko pa naman na sinusundot ang pwet ko. ang pinaka comfort ko na lang ngayon ay yung knowledge na taon-taon ay may kumakalikot din sa pwet ni president george bush.

sa mata kasi ng diyos at sa butas ng pwet ng mga kalalakihang over 40 years old, ang lahat ay pantay-pantay. yan, dear brader en sister, ang ibig sabihin ng “democracy at work”.

12 thoughts on “You may call me Bobby, you may call me Zimmy

  1. yang prostrate exam ang ayaw na ayaw kong parte sa “executive” check up , which is for 35 years and above dito sa company namin. but i think it’s worth the discomfort knowing that only at the advance stage that you feel the symptoms of an abnormal prostate. by that time it may too late.

    just make sure that they use lubricant or else talagang makakasuntok ka.

  2. Iniisip ko pa lang ang Physical Exam napapngiwi na ako.Buti sana kung ang magaadminister ng check up is someone as pretty as hmm, ruffa mae quinto eh pano kung mala-odette khan ang magkakalikot sa yo….

  3. Batjay, Ano ang resulta ng Hemoglobin A1C mo? Normally, mas magaling na indicator ito kesa sa blood sugar reading mo, which fluctuates all the time.
    Ang problema sa digital exam ng prostate eh, hindi rin accurate. Kahit sa PSA reading, hindi rin reliable at times.

  4. bosing, normal na blood sugar ko lately. Talgang diet ang kailangan ko. No red meat and alcohol. Kainis nga eh. Pihadong maganda resulta ng exam mo at bukod sa magaling kang magdiet eh me regular exercise ka pa.

  5. naalala ko tuloy yung aking pers time… naluha ako… buti na lang babae ang doctor ko’t medyo maliit ang daliri… pagkatapos ng exam, hindi ako mapakali sa pakiramdam… takot akong mag pass ng gas kasi baka “HAH!” ang tunog imbes na yung regular ‘poot’… 🙂

  6. ganyan ang tunog ng utot ng kaibigan kong may boyfriend na malaki ang nota.

    hindi naman ako mahiyain, ayoko lang yung discomfort ng daliri sa loob ng pwet ko.

    buti naman at ok ang blood sugar mo sir. below 100 na ba? ako, ay mas maraming exercise ngayon. may workout na dinagdag beside yung standard na pagtakbo. wala pa rin akong meds, which is good.

    prostate exam na walang lubricant. parang nagpa rape ka sa sadistang mahiig sa anal sex.

    malamang babae nga ang nag invent ng prostate exam. para maramdaman namin kung paano ang nasa receiving end.

  7. Hi jay,

    Ok lang ‘yan. once in a year lang naman ‘yan…
    para naman maiba !@#!…

    Take good care of your health always…
    Be extra careful dahil di na tayo bumabata…
    Mahirap magkasakit…

    Till then, my friend… mag-iingat ka….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *