It’s the ones you can call up at 4:00 a.m. that really matter

gusto kong bigyang pugay ngayon ang aking ninang na si ate sienna. ang ninang ko ang pinaka unang kaibigan namin ni mylabopmayn jet sa pinoy blogging community. nagsimula ito, mga 3 years ago, nang mag search ako ng “tambay” sa google in the hope na makita ko ang site kong nakalista doon… wala. pero naroon ang Pansitan site ng ninang ko. pinuntahan ko at binasa namin ni jet – tawa kami ng tawa sa kabaklaan niya. from then on, we were hooked at nakababad na sa site niya parati. first as lurkers. then pagtagal, di na nakatiis – nag comment na ako. HIMALA! sumagot siya. at may dagdag pang feature ng email namin ni jet sa kanya. isip isip ko, ang bait bait naman ng aleng ito. she takes time to respond to fan mail. from then on, naging kaibigan na namin siya ni jet.

naka feature ang ninang ko sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin simula pa nung lunes. kung may oras kayo eh imbis na mangulangot o magajakol eh puntahan ninyo ito at basahin. i swear (i got more hair), there are blogging tips there that will help you.

yaman din lamang at pinag uusapan natin ang ninang ko, hayaan ninyong bigyan ko pa siya ng extra tribute… bow. ang ninang ko: maganda, mabait, mahilig magpatawa. pag nasa LA kami, she always insists that we spend a day at her apartment. siya’y parating nakahandang umalalay sa mga problema sa website kahit walang pahinga. ate sienna started mylabopmayn jet and i in the blogging world. through her, marami kaming mga nakilalang tao. what a great person. tunay na tao ang ninang ko. ayan ninang, libre mo na kami, dami ko nang sinabing maganda tungkol sa iyo.

gaano siya kabait? aba, pag pumunta ka sa manilena dot com, nakakakuha ka ng libreng template para sa blog mo. LIBRE! tapos yung community website niya na “Pansitan.net Ang Tambayan ng Bayan” – libre din para sa mga members. siya na webmaster, TY pa ang serbisyo. tapos, ang dami pang mga sikat na bloggers doon tulad nina Jim and Ala Paredes, mylabopmayn jet at marami pang iba. kung di ninyo maitatanong, siya rin nga pala ang gumawa ng templates ng kwentong tambay at ng lahat ng mga sites ni jet. kung nagustuhan ninyo ang site ko, malaking bagay dito eh dahilan sa special talents (pwede na siya sa circus) ni ate sienna. magaling talaga ninang ko.

28 thoughts on “It’s the ones you can call up at 4:00 a.m. that really matter

  1. that’s true. i don’t know her well but i experienced her kindness. i shot her an email a while back asking about her templates, sagot siya kaagad kahit super busy. although with her hectic workload she can’t customize one that time, she offered to help me tweak my chosen template, gratis. i just didn’t have time to redesign my blog. ang bait niya talaga, super talented pa. i’m excited to read the article.

  2. I also owe Ate Sienna so much. Naging webninang ko na rin siya nang sumali ako ng Pansitan.net. At kung siya ang aking webninang, ikaw naman, Perskasin, ang aking webninong. Naunahan ko pa ang iyong tunay na inaanak na si Reanna.

    Thanks again to you both! Wala akong masabi sa inyong generosity with your time and advice.

  3. hello perskasin prada mama!

    i saw the binyag pictures you posted and read your blog entry – inggit ako. wish jet and i were there to partak of the celebrations. oo nga, ikaw ang isa sa mga pinaka unang members ng pansitan community. dami rin assistance ni ate sienna in setting up your site – i was just one of the instruments.

    kamusta na lang kay reanna, the kids and to don lorenzo!

  4. nabasa ko yung article kahapon… tunay nga na marami kang makukuhang tips about blogging. sana oneday maramdaman ko rin ang kabaitan ni Ninang (naki ninang na rin kahit di pa kilala, hehehe)

  5. dalaw ka parati sa pansitan, baka sakali. saka baka may matipuhan kang template sa manilena.com – pwede mong gamitin ito ng libre. marami pa yata siyang idadagdag doon pero medyo busy lang siya lately.

  6. bat jay I have not met your ninang but bec of blogging I met some good friends too….

    laki na yata ng utang na loob mo sa ninang mo?
    hope all is well dyan sa singapore….wala pa ko friends dito sa oslo, blog page mo muna ang therapy ko ๐Ÿ˜‰

  7. maayong buntag, schatzli. welcome back. so nasa oslo ka na – a big change i guess from greece. maaga pa rin sigurong magdilim diyan – sana di ito masyadong magpapalungkot sa iyo.

    ingat sa lamig.

  8. siryoso ka, jay? puede talaga akong makakuha ng libreng TEMPlate? talk about TEMPting! as in…

    mapalad si ate sienna sa inyo ni jet. kung tingin mo swerte kayo dahil kilala niyo siya, gayon din para sa kanya, blessed siya dahil nakilala niya kayo. ๐Ÿ™‚

  9. ay jay! sasabat ako sa inyo ni schatzli. humahaba na ang araw dito. lapit na ang time na halos one hour of darkness na lang sa oslo, or maybe i’m taking it too far north. pero mas mahaba na ang days nila kaysa amin, na south of them.

  10. hi,po
    ac2lly po galigpoako sa blog orama sa sinasabi nyo po.nabasa ko nga po ang tungkolsa inyo.at maami pa.

  11. grabe……. touched na touched naman ako dito, fafa… wala akong masabi at gusto kong ma-iyak! I swear din!

    pero friendship is a two-way street. I would like to let everyone know na your and jet’s friendship mean a lot to me also. Na you and jet are the most accomodating and friendliest people I know. And you’re always there for your friends, in whatever way you can make them feel that you support them. People will never know how much, siguro, pero for the people you’ve helped, hinding-hindi nila kayo makakalimutan.

    I’m very lucky for the friendship that we’ve established. This didn’t happen by chance. We were meant to be friends. And I’m so lucky for being given this chance.

    I love you both!

  12. hi lara.

    hi lara. thank you sa head’s up. tapos na nga ang winter ano. mas matagal nang daytime kaysa night time. 1 hr. of darkness – wow. kisapmata lang yon. di ka pa napapapikit, may araw na naman.

  13. Kuya Jay, the Jolli Baby, maraming salamat sa walang katapusang plugging about Blog-o-rama at binigyan mo pa ako ng regular blurb ha (ang tunay na mahusay) nyahaha. tenk yu, tenk yu. deserve naman talaga ni ninang, wa na ako ma-say;)

  14. The best yang si Ate Sienna. Yung template ko, gawa nya yun! At totoong tao. Down to earth.

    At si Ajay, magaling talagang sumulat yan.

    Subok na matatag yang dalawang yan.

  15. hi,nakapunta napo ako sa blog-o rama
    kay annalyn jusay.at lahat ng ka barkada nyoy na postdoon,isa na po kau.napaka husay po ni annalyn jusay.

  16. hi AJay… oo nagalit ang mommy ko dahil di raw ako yung nasa jolly baby. ang pangit pangit ko raw sabi ng mommy ko. pero siyempre – proud pa rin siya sa kanyang bunsong anak. salamat ulit sa pag feature. ingat!

  17. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    ngyahahaha… deserve mo talaga ma feature sa bulleting dahil ang galing galing mo. kaya dinagdagan ko ng maliit na tribute kasi dapat malaman din ng milyon milyon mong tagahanga na super bait duper bait ka at marami kang natulungan.

    ingat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *