It’s a thousand pages, give or take a few

DA VINCI CODE - maraming salamat ulit kay super duper talented artist the amazing polo gumagawa ako ngayon ng isang bagong nobela. oo virginia, “the batjay code” ang title niya. sa morse code ko ba ito isusulat? perhaps in the next translation. kaunti na lang kasi ang nakakabasa ng mga “dit dit di di di di dit dit” eh. heniwey, ang nobela na ito ay tungkol sa isang teacher ng isang catholic school sa kalookan city na nagpunta sa national museum upang pagmasdan ang spoliarium ni luna. doon niya nakita ang isang lalaking pinatay ng nakahubo habang animo’y mayrong itinuturong mga clue. ito na ang naging simula ng paghahanap ng teacher sa isa sa mga pinakaimportanteng kagamitan ng simbahan na matagal nang nawawala. opo, dear brader en sister, ito ay ang “holy grail”. ang naghihimalang pang-ihaw ng barbeque ng mga cardinal.

GENTLE READER: unkyel batjay, holy grill po yung pang-ihaw ng barbeque. hindi holy grail. uminom ka na naman siguro ng talampunay, ano?

BATJAY: bakit ba sabat ka ng sabat? napapahiya tuloy ako.

48 thoughts on “It’s a thousand pages, give or take a few

  1. Maging bestseller kaya to? Pwedeng pwede to sa comedy section (ng mga taong mahilig mag dit dit di di di). Hehehe, katuwa ka tlga, Kuya Batjay. Pwede kang maging comedy script writer.

  2. Hindi naman yan spoof ng Da Vinci Code ano? malayo ang plot nila sa isa’t-isa e. Akala ko kasi nung umpisa paran DVC e. Kasi parehong me Code. Good luck sa bago mong endeavor.

    Batukan mo muna si Gentle reader. Sabat ng sabat e.

  3. oo malayong malayo ang plot. original work ito. ang parehas lang ay yung “Code” doon sa huli. pareho rin na yung opening scene ay sa museum, may pinatay na nakahubo na may iniwang mga clue, na yung bida ay lecturer at yung hinahanap nila ay yung “holy grail”. yung sa akin nga lang ay nagmimilagrong pang-ihaw. tapos pa, yung sa akin – ang painting ay “spoliarium” doon sa da vinci code ay “mona lisa”. oo tito rolly, mamamatay silang lahat sa ending.

    ang dami daming nakikialam. pwede naman kasing mag miron. huwag lang malikot at madaldal.

  4. Enjoyed reading your blog. The moment i started reading, i just couldn’t stop!Any plans of making your journal into a book?You really deserve the Blog Award!Kudos!

  5. maraming salamat miss luchie. no need to be sorry about your stand. that’s your opinion ang i respect it. more power din sa inyo. i was reading your website yesterday and i liked your “keep your chin up” story and also the one about your brother roberto. ingat! jay

  6. kuya batjay,

    gawin mo din sa Braille. mas madali ata kesa Morse. tsaka rhyme pa sa grail. parang holy braille. hehe… ewan. naisip ko lang.

  7. dit dat dit dit dit dit di di dit dit diiiiiiiitttt!

    sa madaling salita, di ko rin alam ang talampunay, at di ko rin alam na may condom na walang butas, saan mo ipapasok yung ditdit mong tule?

  8. dear kuya batjay,

    salamat sa pagreply mo sa mail ko tungkol sa pagexchangan ng helmet hehhehe sana ngay bago mag feb 14 ay may kapalitan na ko nun. nakakagulat ba nga ang music ng site ko? hehhehe well…papalitan ko pa yan ng masmagandang music.

    hihintayin ko ang paglabas ng book mo. at kung mangyayari yun bibili ako ng mga kopya para ipamudmod sa mga tao.

    ++
    belated happy bday kay ate jet

  9. hi sir batjay sign in na ako ulit thanks nga pala sa email ha kanina ko lang siya nabasa nagkaron kasi ng problem tong computer namin kanina lang siya naayos hi ja baka pwede mo rin akong pamudmudan incase makabili ka ng book ni batjay anyway all the way sir batjay keep up the bad work..este good work pala tanggal na naman lungkot ko napasaya mo na naman ang gabi ko.

  10. Bagong supot ako sa blog mo. nadiskobre ko lang by aksident. Ok palang magsayang ng oras dito. Kahit gutom na gutom na, naiihi pa, sige pa rin ang basa ng mga nakakaaliw, kahit walang katuturan at patutunguhang direksyon (gaya nitong sulat ko). Balak kong bumalik sa susunod kong pag-upo sa harap ng computer. Ihing-ihi na lang akoooooooooooooo!!!!!

  11. Karla: sige papadalhan kita ng copya karla. pwede mong basahin pag nakaupo ka sa trono.

    Helen: buti naman at napasaya ko ang gabi mo. sa susunod papasayahin ko ang araw mo para masaya ka ng araw at gabi.

    Cynthia: hehe. masakit na bang sobra? malamang malapit ka ng mautot.

  12. hehehehe… hello miss jenn na maganda at seksi. sige pag bumili ka ng libro ay mayrong free na Pancit Canton at pampers. free delivery pa sa condo ninyo as long as may pansit, menudo, fruit juice at good music. musta na lang kay amor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *