TAGAYTAY IN JANUARY

itong week-end, nagpunta kami sa bahay ng mga ate ko sa tagaytay. kung malamig dito ngayon sa antipolo, doble ang lamig sa tagaytay. maganda naman ang byahe at dahil bakasyon pa ay walang traffic (habang sinusulat ko ito ay naririnig ko na bumper to bumper na sa south super highway – back to normal na talaga sa umaga ng january 6).

nagluto ang mommy ko ng beef steak tagalog at may nakahanda nang menudo at spanish sardines ang ate ko kaya’t kain agad ako pagdating sa bahay nila. siyempre, pagkatapos ng kain eh tulog. maaga kasi kaming gumising ni jet para sunduin ang mommy ko, ate, pinsan, auntie, pamangkin at si tj.

kinahapunan ay nagpunta kami sa bayan ng mga mayayaman – punta fuego. miyembro ang bayaw ko sa exclusive na lugar na ito at tunay naman talagang maganda. kwento ko sa inyo next time…

sa ngayon, sinasamsam ko lang ang last day namin sa pilipinas. opo, gardemet na may kasamang malutong na bwakanginangyan, babalik na kami ni jet sa singapore bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *