Sipang Puwet na Almusal

bumili kami ni jet ng tiyan ng bangus nung sunday sa kapinoyan central sa cerritos at ginawa ko itong daing. patay na naman ang diet. tanginangyan. nagsimila nga ang piyesta kaninang umaga – nagluto ako ng sunny side na itlog, longganiza at brown rice para may kaibigan ang daing na bangus na ginawa ko. tapos naghiwa ako ng kamatis na malutong bilang counter point. ang almusal ay parang symphony.

sarap ng pakiramdam pag nakaka-amoy ng pagkaing pinoy sa bahay. kaunting imagination lang at akala mo nasa pilipinas ka kahit may pacific ocean na naghihiwalay sa iyo sa bayang magiliw.

16 thoughts on “Sipang Puwet na Almusal

  1. hayy….da best para sakin instead of daing na bangus ay tuyo…yummmmyy!!!
    nakakamiss?? nakakapangulila ata ang tagalog don…

  2. masarap talaga ang daing na bangus lalo’t homemade. kakakain ko lang po at ganyan din ang ulam ko dito. pero mas masarap ang daing na bangus pag may ksamang itlog na pula yung kamatis, samahan mo na din ng pritong talong at yung longanisa, sarap din.

    actually, sa amoy pa lang habang piniprito, solb ka na! 🙂

  3. out of topic: sir, anlupet ng reunion concert ng mari cafra kagabi sa rj bar. sayang ala kayo. tanungin nyo po si mr. A sa mga nagyari.

  4. the best talaga ang tyan ng bangus. YUM. at the best combo ang breakfast na ito. sarap talaga. kaka-lunch ko lang, parang gutom na ulit nung makita ang picture sa taas. 😉 he he.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *