IT WAS MANY AND MANY A YEAR AGO, IN A KINGDOM BY THE SEA, THAT A MAIDEN THERE LIVED WHOM YOU MAY KNOW

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

26 thoughts on “IT WAS MANY AND MANY A YEAR AGO, IN A KINGDOM BY THE SEA, THAT A MAIDEN THERE LIVED WHOM YOU MAY KNOW

  1. oo nga mylab. lahat na lang ng dadalhin ko naalala kong ilagay sa maleta, except si spiderman. tamang tama pa naman sana dahil mauubos na yung mga pictures ko na kinuha sa indonesia in time to show the manila trip. kaya lang yan – nakalimutan eh.

  2. Unpredictable talaga mga posting mo bro. Keep it up, im one of your avid reader to your site. Saan nga ba ang punta fuego???

  3. Mahirap yata yang ngumiti at pumorma underwater. Paano kung me seahorse na sumuout bigla sa ilong mo? Tapos, baka matagal pa kumuha yung photographer kasi bumibilang pa sya ng 1…2…3..

    =)

  4. Doc Emer!

    yun nga ang challenge – mahirap talagang mag facial expression, posing at kung ano anong mga preparations for the underwater shot. not to mention – the photographer has to take the picture blindly dahil wala kahit isa sa amin ang may goggles. yun ang mga pinasok na mga random elements of chance para talagang ma surpresa ka sa kung anong kalalabasan ng picture.

    yung pagbilang ay pag above water pa – as in: “1, 2, 3 SISID!”

  5. NINAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    subukan mo pag nag swimming lesson ka next time. talagang nakakatawa dahil yung mga pictures na lalabas ay talagang bordering on hilariously weird. ngyehehe. parang di mo makikilala ang sarili mo.

  6. hi dindin.

    i forgot spidey in singapore. sa lahat pa naman ng makakalimutan. na upset tuloy ang schedule ng posting ko. the material from the philippines was supposed to be enough hanggang november. sayang nga – ang daming mga photo op na namiss.

    sa bahay, sa tagaytay, sa EDSA, sa megamall, sa quezon city beerhouse, sa starbucks at marami pang iba.

  7. Uy, akala ko si Annabelle Lee na yung kasama mo sa picture e. Ang saya pala nyo sa Punta Fuego e. Ikaw ba nag-drive papunta dun? E puyat tayong dalawa, di ba? At kung kailan tayo pauwi atsaka bumuhos ang lintek na pagkalakas lakas na ulan. Ayun basa ako sa pagsurrender ng parking ticket. Thanks for the dinner ulit ha. Sa uulitin.

  8. hi mari.

    di ka ba marunong mag swimming? next summer, samahan mo ang mga anak mo for lessons. wala namang age limit in learning new things. tingnan mo sina ate sienna – nag swimming lessons last summer.

    pag marunong ka na, pwede na tayong mag underwater photography. maganda kasi pag babae kasi yung mga buhok niyong mahaba make the weirdest shapes and it produces the funniest pictures.

  9. hey tito rolly.

    annabelle lee… that was my winning piece. 4th grade, english declamation contest. tuwang tuwa ang mommy ko dahil siya ang nagsabit ng medalyang ginto. para sa isang 11 year old kid – this poem was really something – it was dark and romantic. my kind of poetry. ngayon ang first stanza na lang ang naalala ko – hence the title of this entry.

    many years later i would admire poe even more when we tackled his other work in high school. to this day, yung kanyang “cask of amontillado” remains my favorite short story.

    ako ang nag drive pauwi. si kuya bong ang papunta. medyo malayo nga. kaya tulog akong pasahero most of the time. ang lakas nga ng buhos ng ulan nung pauwi na tayo. tamang tama siyang bumuhos sa waiting area. buti na lang naka valet ako at may payong ang mga attendant.

    ingat!

  10. yan nga rin ang suspetsa ko justice – buti na lang, kyut ako. BWAHAHAHAHAHAHA! yan ang sign na talagang demented – tingin niya sa sarili ay superkyut.

    buti nga diyan sa germany ay may changing of the seasons. dito wala – one long endless summer, 365 days a year. maganda nga lang doon eh masarap pumunta sa beach dahil mainit ang tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *