IT MAKES THE HEART GROW FONDER

dear unkyel batjay,

ako po ay isang OFW at mahigit 5 years na po akong hindi nakakauwi sa pilipinas. naiwan po ang asawa ko sa probinsya namin para makatipid kami. last year po ay bigla ko na lang nabalitaan na nawala po siyang parang bula. ano po ba ang ibig sabihin nito?

lubos na gumagalang,
gentle reader


dear gentle reader,

dalawa lang yan – either ayaw na niya sa iyo o kinuha siya ng mga dwende.

good luck,
unkyel batjay

42 thoughts on “IT MAKES THE HEART GROW FONDER

  1. old blog? yung kulay itim na template? yon ang ginamit ko nung nag start ako nung 2001 and the archives still exists.

    baka well endowed din ang mga dwende kasi marami akong nababalitaan sa probinsya na mga babaing kinuha ng mga dwende na hindi na nagbalik sa ibabaw ng lupa.

  2. it’s “dwende” or “duwende”. i guess both are correct. like kwento and kuwento, tomato and tomatoe.

    yes dwarf like tatoo. but unlike tatoo, the duwendes live inside termite mounds. in pinoy folklore, the duwende sometimes looks for a native wife (siguro, when they’re bored playing the duwende field). they go above ground, look for a woman they like, give bribes and gifts until the pretty lass succombs to the duwende’s charms and elopes with him probably to the depths of the termite mound, never to be seen again.

    that is why you sometimes hear – “kinuha ng mga duwende si so and so para gawing prinsesa sa kaharian ng kaduwendehan.”

  3. Tatoo (and Mini Me), may be called dwarves, yes. In fact pinoys do call little people dwendes all the time. Though there is a more appropriate Tagalog term for little people. Its Unano’.
    I used to have a class mate in grade school who is unano, and every morning at school we’d greet him “Ano na?, Una No!”. And to make matters worst for the poor guy, his given name was T*** G***bn.

  4. di kaya ang mga babaeng kinukuha ng dwende at dinadala sa punso, nagiging queen termites???

    kung ganun, ang kailangan ni gentle reader ay pest control para marecover si wifey. hahahaha.

  5. aray.

    naalala ko nung time na kumalat yang kwento ng makaling ahas sa robinson. naniwala ako sa kwento at talagang hindi nagpupunta roon dahil sa takot.

  6. naalala ko din yung balitang yun kinukwento nung kasam-bahay namin.

    parang si “Dino” anak ni Zuma … o anak ba ni Totoy Mola? … I get confused. basta malaking sawa …

  7. Awww…hindi ko alam kung ano yung pangalan ng unano. Obviously, nahihirapan ako mag sulat at basa ng Tagalog — pero marunong pa ako mag salita.

    Anyway, salamat para sa kwento or kuwento ng mga dwende or duwende.

    BTW, I found a better Tagalog dictionary. It even includes idioms, riddles, and short stories.

  8. hi barb.

    hey – galing mo pa mag tagalog. when i was a kid, i was a sucker for pinoy supernatural stories (and films). i probably still am. when we moved to singapore, i got to read the supernatural stories from malaysia and indonesia and found out that we have so many monsters in common.

  9. ei batjay, peeps,

    eto naman Mindanao version ng urban legend na yan. Dito sa gensan, natsismis na may trapdoor ang floor ng ladies fitting room sa isang department store dito na biglang bubuka para mahulog ang babaeng nandun at kinakain ng isang higanteng sawa na kakambal daw ng anak ng store owner (kaya daw “kimball” name ng store kasi sa anak na may kakambal-sawa). kusang sinara ng owner ang dept store for 1 day para inspeksyunin ng city hall, pulis at military. walang nakitang trapdoor, walang ring sawa. pero ang tsismis nanganak – wala na daw ang sawa dun kasi sinakay daw sa isang container van at nilipat para magkalat ng lagim sa isang dept store sa davao city.

    sa zamboanga naman, ang version imbes na sawang nag-aabang ng makakain na babae ay isang higanteng buwaya na ginintuan ang mga pangil.

    ang huling version na narinig ko ay yung sawa sa isetann dept store dyan sa manila bago ito (isetann, not manila. hehehe) dinemolish to give way to the lrt. si alice dixon daw ang nahulog sa trapdoor ng fitting room pero na-inlove ang sawa sa kanya. kaya imbes na kainin si alice, ito’y binuntis.

    come to think of it, dahil gumanap si alice na dyesebel, baka napagkamalan siya ng sawa na kalahi nya. pareha kasi silang may kaliskis/scales. hahahahaha

  10. hey gilbert – that snake in the dressing room urban legend is the same one that we have in manila. same story, different store i guess. or maybe it’s the same chain. ok ang mga kwento mo – naalala ko tuloy yung mga balita sa newspaper na babaeng nanganak ng isda.

    thanks barb. i’ll try to get a copy from amazon. i wanted to ask you for the longest time about your writing – now, this will give me that chance to sample your work, even though you don’t think it’s very good.

  11. hindi lang mga babae ang kinukuha ng mga dwende, ang mga bata rin! kaibahan lang… isang araw lang mawawala yung bata tapos makakabalik na! dun sa amin sa laguna, naku… napakaraming kwento! so far, di pa naman ako nakakakita ng dwende, maligno at kahit ano pang mga lamang lupa!

    gustong-gusto kong makikinig ng mga ganyang klaseng kwento pero pag mag-isa na lang ako, takot na takot ako! hahaha!

  12. Natulala naman ako sa mga “kasawahan” (buti di asawang sinawa! – inahas pala yon). Bata pa ako non nadinig ko yan kwento na yan.. galing talagang magkathang isip ng tao ano? sino na kaya nakakita na talaga ng dwende (maliban ke Snowhite)? 🙂

    Bakit nga po pala nabago u lumipat ang inyong blog manong? hehehe kakatuwa naman yon picture nyo non bebe pa kayo.. naglalaro ng putotoy! hahaha.. 🙂

  13. exactly – thank you sa pag differentiate. hehehe. ang tatalino talaga ng mga nagpupunta rito.

    bakit lumipat? wala lang. vagabond kasi ako. layas ng layas. pero siguro dito muna ako sa kinalalagyan ko for a while.

  14. una sa lahat, bakit naman 5 taong di nakauwi yang si gentle reader? eh kahit ako siguro ang nasa kalagayan ng asawa niya, iisipin ko munang inaswang na siya, or nang aswang na siya kaya ayaw umuwi!

  15. eto, nagpapa aswang nyhahahahahaha!!! kidding aside, pag natuloy kami ng aswang ESTE ng boypren ko diyan sa LA, malamang sa 3rd week of July…finalize ko before end of march para maka plano si ateng Jet.

  16. demolished ba ang Isetann? eh nag punta lang ako sa Quiapo nung isang araw..at sumakay pa sa LRT?

    At teka lang ha.. sinabi ba sa storya kung babae o lalaki ang asawa na biglang naglaho? hehehe

  17. Aba, at may sighting pala dito si Joyce at si Gretch… parang resurrection ah… hehehe.

    Alam mo Pa, naniwala talaga ako sa mga urban legend na yan noon. Tagal kong hindi nagpunta sa mga department stores. Hanggang ngayon, andali ko pa ring magpapaniwala… hehehe.

  18. oo nga mylab – yung mga matagal nawala ay lumilitaw na. baka oras na rin para mag blog ka ulit. ako rin mylab, naniwala ako doon – gusto ko ngang samahan yung isa kong kaibigan dahil matagal na raw siyang hindi nakakakain ng sawa. siguro gusto niyang hulihin.

    lab U!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *