It is what you read when you don’t have to

A


ito ang mga kasalukuyan kong ginagawang mga unan sa gabi. wala na kasing stamina sa pagbasa ng matagal at kadalasan ay nakakatulugan pa nga ang mga paboriting mga libro. pag minalas malas ka pa eh madadaganan mo ang mga page at malulukot (minsan mapupunit pa – packingsheet, masakit). mahirap na talaga ang tumatanda at nagiging antukin – ang konsuwelo de bobo ko na lang eh tigas titi pa rin. thank god for small favors. ahem – big favors pala.

isa nga sa mga perks ng pagtira rito sa amerika ay may access na ako ngayon sa kung ano-anong mga babasahin. halimbawa, mura lang ang mga magazine kaya may subscription na ako ngayon sa newsweek, time, rolling stone at playboy (i read it for the articles – ngyehehe). lahat na lang nga binabasa ko, pati mga label ng bote ng iced tea at mga hudas na junk mail. nakatanggap nga ako ngayon sa mail ng special offer na $500 off para sa aluminum sidings. naalala ko tuloy yung pelikulang “tin men” ni richard dreyfuss at danny devito.

marami ring mga bargain sa barns and noble bookstore at amazon. kailangan ngang pigilan ang sarili sa sobrang pagbili ng mga libro. kung minsan kasi umiiral ang “kahit magutom, makapagbasa lang” philosophy eh ayoko namang mangyari yon dahil di raw kasi bagay sa akin ang payat. anyway, from top to bottom (dakil ti bottom)…

BENEATH THE GATED SKY. ni robert reed. sequel ito sa nauna niya na paborito kong sci-fi novel na “beyond the veil of stars”. kung mahilig kayo sa science fiction tulad ko, try to get a hold of these two books. ang kagandahan nito eh based ang storya sa actual science kaya pwede ka talagang mag suspend ng disbelief dahil may possibility na pwede itong mangyari in the future. hindi katulad ng mga ibang storya diyan na may “dark side of the force” pang pinagsasabi na napakahirap paniwalaan. hehehe.

ANANSI BOYS, ni neil gaiman. malaki ang tiwala ko sa mamang ito at alam ko na hindi ako ma di-disappoint sa mga storyang ginagawa niya. subok na kasi. hindi ko pa nasisimulang basahin ang librong ito pero ang storya ata nito ay tungkol sa dalawang magkapatid na diyos na mahilig sa maasim na prutas at tinolang manok. anyway, i’ll tell you how it is when i finish reading the book.

UNTIL I FIND YOU, ni john irving. probably my favorite author of all time. oo virginia, mas idol ko si irving kaysa kay gaiman. lahat ng mga libro niya eh di ko pinalalagpas simula nang mabasa ko ang “world according to garp”. hindi ko pa rin ito nasisimulang basahin. may ugali kasi ako na ipinagpapaliban basahin ang mga paborito kong mga libro. parang tinatakam ko kasi ang sarili ko, waiting for the right moment when to start reading. minsan kasi, nalulungkot ako pag alam kong matatapos ko nang basahin ang isang novel. i feel like i’ll be losing a friend.

BLANKETS, ni craig thompson ang siyang kinagigiliwan ko ngayon. ito’y isang graphic novel – o sige na nga: comic book. pero bwakanginangyan, it’s a BIG comic book. 582 pages in all ang autobiography of sorts na ito ni craig. nakakatuwa ang dahilan kung bakit “BLANKETS” ang pangalan ng librong ito na talagang maganda ang pagkakagawa – one of the best graphic novels i’ve read (and i’ve read a lot). sulit ang $30 na binayad ko for the soft bound copy. packingsheet, ang mahal pala.

27 thoughts on “It is what you read when you don’t have to

  1. salamat sa paalala sa playboy magazine..nasilip ko na rin si ms gibson na half italian half filipino sa site..kaso 20 years na yata akong di bumibili ng magazine di tulad nung high school na laging meron buwan buwan sa ilalim ng kama…of course like always, mga articles lang binabasa ko..hehehe

  2. I’ve watched “world according to garp” starring robin williams. Kakaiba ang kwento. Napaka-profound. Lalo na yung mama nya, matatag talaga.

  3. hello batjay..mystic here (yung fan din ni john irving)…thanks for letting me know a few weeks back that john irving has a new book…saw it at powerbooks pero medyo wala sa budget ko ang hardbound…hintay ko na lang sa paperback edition 🙂 …regards to both you and jet! have a nice day 🙂

  4. bosing,

    long time no see tayo. aba, abala ka na naman sa pagbabasa ng mga nobela ah. nakapunta ka na sa library ninyo diyan?

    di ko alam all time fave mo pala si john irving. 2 linro lang ang nabasa ko na gawa niya. yung worls according to garp saka hotel new hampshire. kwento mo sa akin yung until i find you ha?

    solb na solb siempre si pareng neil sa anansi boys. lighter siya than american gods. nabalitaan mo na siguro na gagawing animation film ang coraline. excited na ako.

  5. HI JOP.

    miss ko na rin ang mga tawag mo. mukhang super busy ang maestra. nabasa mo na ba ang bago ni gaiman? i am sure you have. ako, di ko pa sinisimulan. pag nabakante ako ng matagal. alam mo ang hirap ng narito sa america? wala na akong time na magbasa dahil nagmamaneho na ako.dari rati, nasa bus ako or train, i can open a book and read until my stop.

    that’s what i miss.

  6. nakita ko na yung black hole sa bookstore malapit dito sa amin adam. maganda ang pagka-gawa. mapag ipunan nga. bigay ko sa iyo pag naka uwi.

    mayroon akong 2 ni chris ware – yung acme at yung jimmy corrigan.

  7. Walang BLANKETS sa Hong Kong, Jay! Dalawa klase lang graphic novels nila, either Supes or the pointed-eared Gotham Knight. It seems the Chinese aren’t too fond of Western superheroes. I have all your books there except for BLANKETS. I’ll try to get it here. ‘Problem is, balik trabaho na naman. No time to read din on this end.

    Dapat pag bumibili tayo ng libro, may kasamang FREE TIME to read din (as a perk, di ba?). Kung baga, for example, ANANSI BOYS with free 2 nights. *LOL* Wishful thinking, I know, I know.

  8. sa singapore doc may “blankets” – sa takashimaya mall ay may kinokuniya bookstore at may malaking comic section doon. i am sure mayroon mga bookstore doon tulad ng borders or some other western bookstore sa HK. it’s a great book – maganda talaga ang pagkagawa. one of the best graphic nobel’s i have.

    you will always find time for good books.

  9. nakita ko ang BLANKETS sa fully booked sa rockwell, pero yung mahal na version, kasi hardcover siya, at may pirma.

    mamaya pala, bibili ako ng ICE HAVEN ni clowes!! yes!!

  10. may pirma? wow! yung copy ko rito ay soft cover – nabili ko sa amazon ng sale. nakita ko na yung ICE HAVEN at BLACK HOLE sa bookstore. pinaglawayan ko lang dahil mag-iipon muna ako ng pera pambili. isa pa eh marami pa akong mga libro na nakasalang na basahin.

    maganda yung blankets dahil ang isa sa mga subject ay religious guilt – marami tayo nito dahil sa pagka katoliko natin.

  11. maganda ang ICE HAVEN!! although be warned, kasi reprint siya ng isang isyu lang ng EIGHTBALL, na hinati ang pahina sa gitna para dumoble ang page count. pero okey lang!! wala naman kasing EIGHTBALL dito, e.

    yung HAVEN naman, tunkol sa obsession ng tao sa mga kaso ng pagpatay sa mga bata, sa literatura at ang lugar ng komiks dito, sa marital infidelities, sa tunay na pag-ibig, sa alienation… hayup!!

    re: BLACK HOLE –> uy, salamat!!

    at napaniginipan ko pala si tita jett. nakasalubong ko daw siya sa katipunan ave, kasama ko girlfriend ko, at pinakita sa amin ang bahay niyo, na nakatayo kung saan dapat mahahanap ang saint brigette.

  12. sasabihin ko nga kay jet na napanaginipan mo siya.

    ngayon, nasa blankets pa rin ako. i will probably get black hole next. di ko pa sure. uubusin ko muna siguro yung mga ibang libro na naka pending. di ko alam kung saan ang mga malaking comic book shops dito. mahanap nga.

    ingat diyan adam.

  13. eh, naku. hindi ko pa nauumpisahan. i have this habit of putting off for later books that i love. for instance, i haven’t finished gaiman’s “sandman endless nights” – nanghihinayang kasi akong tapusin. i also got bob dylan’s chronicles and it’s keeping me awake at nights.

    but according to my friend jop (http://www.durgaspeak.blogspot.com/), it is a great book. jop is a english teacher in new jersey and she teaches gaiman to her advance english class.

  14. batjay, kamusta? 🙂 i’m scanning through your past posts, dami ko na-miss. dito ako mag-reply kasi nabanggit mo ang isa sa mga paborito kong writers, si irving 🙂 sunod-sunod ko binasa mga sinulat nya dati, medyo naumay ako…hehe. dapat pala in small doses, kahit sa libro 😛 yun lang..gusto ko lang mag-hi! hello din kay jet.
    hirap din pala mag-adjust sa bagong place ano? lalo na at nasanay tayo sa sing…maliit, convenient, mabilis hanapin ang mga gusto mo gawin/bilhin. nangangapa pa rin kami dito sa sydney. but we’re doing okay naman. busy sa pag-aayos ng flat. so how are you doing in cali? naks, naki-shortcut na rin ako. ok na ok na? teka, nababasa mo naman siguro comments on past posts no? hehe baka dada ako nang dada di mo naman mababasa to.

  15. hi favel. sige lang – mag dada ka lang ng dada. nakikinig naman ako. kamusta na diyan sa sydney? i’m sure you guys will do well. nakaka inggit kayo – yan ang isa sa mga lugar na gusto kong tirahan. nasabi ko na nga pala sa iyo ito.

    alam mo, miss na miss na nga namin ni jet ang singapore. tama ka, hinahanap namin yung liit at convenience niya. siyempre miss rin namin ang pagkain – pepper crab, curry fish head, hor fun. etc. grrrr… mas ok nga diyan sa sydney, may mga singaporean restaurants dahil maraming mga singaporeans na based diyan.

    kamusta yung epekto ng execution nung vietnamese na australian sa singapore> mukhang big news diyan yon ano? nag-uusap pa kayo nina jenny peng at amor? i’m sure you still communicate.

    john irving… my perborit author and idol. i love all his work ever since nabasa ko ang world according to garp, 20 years ago. we have most of his work. galing ng humor at story telling skills niya. hands down, probably the best of his generation.

    o siya, thank you sa pagsulat at pag kamusta. ok lang kami rito sa california. sakaling gusto ninyong magpasyal sa mickey mouse country, timbre lang.

    ingat,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *