It is often said that before you die your life passes before your eyes

 

SLICES-JULY-059SLICES-JULY-058SLICES-JULY-057SLICES-JULY-056SLICES-JULY-055SLICES-JULY-054SLICES-JULY-053SLICES-JULY-052SLICES-JULY-051SLICES-JULY-050SLICES-JULY-049SLICES-JULY-048SLICES-JULY-047SLICES-JULY-046SLICES-JULY-045SLICES-JULY-044SLICES-JULY-043SLICES-JULY-042SLICES-JULY-041TAGAYTAYJULY-060TAGAYTAYJULY-059TAGAYTAYJULY-058TAGAYTAYJULY-057TAGAYTAYJULY-056TAGAYTAYJULY-055TAGAYTAYJULY-054TAGAYTAYJULY-053TAGAYTAYJULY-052TAGAYTAYJULY-051TAGAYTAYJULY-050TAGAYTAYJULY-049TAGAYTAYJULY-048TAGAYTAYJULY-047TAGAYTAYJULY-046TAGAYTAYJULY-045TAGAYTAYJULY-044TAGAYTAYJULY-043TAGAYTAYJULY-042TAGAYTAYJULY-041TAGAYTAYJULY-040TAGAYTAYJULY-039TAGAYTAYJULY-038TAGAYTAYJULY-037TAGAYTAYJULY-036TAGAYTAYJULY-035TAGAYTAYJULY-034TAGAYTAYJULY-033TAGAYTAYJULY-032TAGAYTAYJULY-031TAGAYTAYJULY-120TAGAYTAYJULY-119TAGAYTAYJULY-118TAGAYTAYJULY-117TAGAYTAYJULY-116TAGAYTAYJULY-115TAGAYTAYJULY-114TAGAYTAYJULY-113TAGAYTAYJULY-112TAGAYTAYJULY-111TAGAYTAYJULY-110TAGAYTAYJULY-109TAGAYTAYJULY-108TAGAYTAYJULY-107TAGAYTAYJULY-106TAGAYTAYJULY-105TAGAYTAYJULY-104TAGAYTAYJULY-103TAGAYTAYJULY-102TAGAYTAYJULY-101TAGAYTAYJULY-100TAGAYTAYJULY-099TAGAYTAYJULY-098TAGAYTAYJULY-097TAGAYTAYJULY-096TAGAYTAYJULY-095TAGAYTAYJULY-094TAGAYTAYJULY-093TAGAYTAYJULY-092TAGAYTAYJULY-091TAGAYTAYJULY-148TAGAYTAYJULY-147TAGAYTAYJULY-146TAGAYTAYJULY-145TAGAYTAYJULY-144TAGAYTAYJULY-143TAGAYTAYJULY-142TAGAYTAYJULY-141TAGAYTAYJULY-140TAGAYTAYJULY-139TAGAYTAYJULY-138

family reunion sa tagaytay last saturday. kahit na napakaraming problema rito sa pilipinas, wala pa ring katapat ang makasama mo ang mga mahal sa buhay. masaya talaga. pero mas magiging infrequent na ang mga reunions namin ngayon lalo na’t papunta na kami ni jet sa california. bagay na lubos kong ikinalulungkot. kahit isipin kong may nagsasayaw sa harap kong isandaang bumbay na gumagalaw galaw ang mga ulo, hindi pa rin ako matawa. pero teka muna – di pa naman kami umaalis, wala pang dahilang malungkot.

hekshuli, maraming nagpapatawa sa akin ngayon – si jejomar binay, eat bulaga sa tanghali at darna sa gabi. kanina, nanood ako ng darna for the first time. ang laki pala ng pakpak niya sa ulo ano? nagulat ako. at ang kintab ng red helmet niya. siguro kaya hindi siya nakikilala ng mga kasama niya. hanggang ngayon kasi, hindi pa rin nila mapagdugtong na si darna at si narda ay iisang tao kahit halatang obvious naman sa hitsura. ang yung pangalan din – “darna”, “narda”. hello? ang tatanga naman nila. pero naaliw naman ako kahit paano, kaya siguro tanga na rin ako. either that or gusto ko lang talagang tingnan yung cleavage ni darna. one thing you can rely on sa aming mga lalaki – willing kaming mag suspend ng disbelief pag malaki ang boobs ng bida.

26 thoughts on “It is often said that before you die your life passes before your eyes

  1. Tito Batjay…kaya hindi nila mapag-konek na si Narda at Darna ay iisang tao dahil kapag naging Darna na si Narda – ang tinitingnan nila ay hindi yung mukha ni Darna kundi yung boobies ;o).Di ko lang alam kung saan nakatutok mata nila pag naging Narda uli si Darna. Watdyathink? Saan sila nakatingin pag Narda na si Darna?

  2. Tito Batjay…kaya hindi nila mapag-konek na si Narda at Darna ay iisang tao dahil kapag naging Darna na si Narda – ang tinitingnan nila ay hindi yung mukha ni Darna kundi yung boobies ;o).Di ko lang alam kung saan nakatutok mata nila pag naging Narda uli si Darna. Watdyathink? Saan sila nakatingin pag Narda na si Darna

  3. parang yung officemate ko, ang inaabangan niya lang sa darna eh ung paglipad niya pagkatapos nun, ililipat na niya ng channel.

    i really like the title of this post. 🙂

  4. BAkit bosing? E ang mga amerkano rin naman medyo tangengot ah. Si Superman, nagtanggal lang ng salamin at nagdagdag ng cowlick sa buhok, di na makilala e. Wala pang cleavage yun.

    Gaganda ng pictures. Actually, both pictures and subjects, magaganda. Tama ka nga yata. Pinapatay pangit sa angkan nyo, hahaha

  5. You hate a lot of things ha…but not the “kulangot.”
    Basta ako ,hate ko si Pimentel…iyak pa with loren legarda during impeachment trial, then siya pa naghawak nung microphone for Gloria sa Edsa 2 and then nag testify for Erap sa Sandiganbayan….
    Dapat pinapatay to ni Darna, mas masahol pa kesa sa kampon ni Barakuda!

  6. ganda naman ng pictures. 😀 hi jet.

    pag tinawag ka bang yaj di ka na namin makikilala?

    totoo yang sinasabi mo na suspension of disbelief. yung kaibigan ko na kung makalait ng production elements ng ibang palabas ay panay ang tingin lang sa boobs ni darna. deadma sa production.

    gandang umaga. 😀

  7. abah at napapansin mo rin yun (talking about darna). isa pang napapansin ko pag nagiging darna na siya eh kumukulot ang buhok niya. 😀 Per astig talaga ang nagiging darna na siya *roll eyes*

  8. greetings …

    for the first time medyo i can relate with what your saying kase ngayon lang kame nagkasundo ni misis sa tv show … usually i watch english shows … pero ngayon nagtaka siya sabay kami manood ng Darna … di nya alam di ako sa story interesado … he he he

  9. gusto ko yung tahong na gumagalaw, este yung picture ng tahong pala! ganda ng kuha!

    sir, hinihintay ko pa rin yung account number nyo.

  10. ganda naman ng pictures nyo batjay — si jet, kulot! good luck on your new life in CA my friend and hope to finally meet you in person soon! Who knows, baka next year eh mapasyal kami sa US and for sure, hahanapin ko kayo! haha

  11. Di ako gaano nanonood 7 or 2, but i’ve seen Darna ‘n Kampanerang Kuba… one day maghuhubad din sa movies yung mga yon, antay-antay nyo na lang…

    Kakainis yung mga taong hindi marunong sumunod sa tamang proseso, sa kalye pumupunta… 95% naman ng nandun eh mga hindi nagbabayad ng tax, pano mo tatawagin na taong-bayan yung mga yon?… taong bahay pwede pa…

    Ganda nung lady sa Tagaytay05_o22, sino yun?… wala lang, natanong lang…

  12. kamusta batjay! nakakagutom ‘yung mga pics nyo.

    i finally caved in and managed to put up my blog http://sischong.blogdrive.com 😀 i suppose the real test is sustaining it 🙂

    speaking of blogs…di ‘yung blog mo by the end of the month hindi na ‘kwento ng isang tambay na engineer sa SINGAPORE’? 🙂

    hope you (continue to) have a good time sa inyong visit sa pilipinas. and hope to see you in SoCal soon!

  13. Oo nga naman mylab. Let’s enjoy it all first while we’re here. Although siyempre talaga namang nakakalungkot pero parating pa lang naman yun e. Don’t let it be now. Not yet.

  14. Jay, ang gaganda ng pictures nyo. Mukhang relax-enjoy kayo ni Jet. Pagbutihin nyo! 😉
    Pero teka, mukhang kulelat ako sa balita may digital rebel ka na rin?? Yan ginamit mo?
    Very sharp kasi ang images at colors, ganda!

  15. hi ate celia.

    talagang relaxed. dito lang kami ni jet sa house on a hill namin sa antipolo. nagtatrabaho once in a while. meeting family and friends. all in all, it’s been a great week and a half. saya ng reunion namin last saturday at ang dami kong photos.

    oo may canon 350 na rin ako. di ko naman ito pinagsasabi. hehe hiya ako. si jet may ay sony T7 din ay yung dalawa ang ginamit namin sa mga shots sa album. sulit ang mga kuha sa bwakanginang mahal na camera.

    musta na riyan? sana back to normal na.

  16. ganda ng pics, kuya batjay. vibrant, meaningful at captured ang happiness nyong lahat. sulit ang mga mahal na camera mo na yan. hehe.

    ingats. regards to ate jet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *