IT’S NOT EASY FACIN’ UP WHEN YOUR WHOLE WORLD IS BLACK

nagkaroon ng major blackout sa singapore kagabi dahil nahinto bigla ang supply ng natural gas from indonesia na siyang main fuel ng mga power plants dito. marami nga ang natakot dahil bihira itong mangyari. may mga report nga ng aksidente sa kalye at traffic jams dahil walang ilaw pati stop lights. marami rin ang mga nagpalipas ng oras sa pamamagitan ng isang paboritong activity ng mga singaporean – ang magreklamo. mostly mga “i cannot do this, i cannot do that” lang naman at mangilan na nag freak out.

diyan sila talo ng mga pinoy. sanay tayo sa mga kalamidad na dumarating sa ating buhay, and we normally treat this kind of event with our world renowned fatalistic epeks. bagyo? kris aquino’s love life? lindol? erap? volcanic eruption? split up ng tambalang guy and pip? coup the etat? revolution? gas hike? wala yan. but we draw the line when personal hygiene is concerned. hindi lang natin talaga kaya pag walang tubig na panligo. ayaw natin ng triple “B” – body odor/anghit, bad breath at balakubak. we are a great people, dear friends… and THANK GOD ALMIGHTY, we smell good too.

pero mayron mga unique problems ang singapore pag may mga blackout na ganito. dahil puro building ang tirahan ng mga tao, maraming nga residente ang nakukulong sa loob ng mga elevator. pag nangyayari ito ay mga bumbero pa ang mga gumagawa ng resue attemps. kagabi nga, isang bata ang nag major freak out nang nakulong siya ng 2 oras. mahirap nga naman ito, claustrophobic at very traumatic even for adults. eh sa bi nga ni mick jagger: “it’s not easy facin’ up when your whole world is black”.

15 thoughts on “IT’S NOT EASY FACIN’ UP WHEN YOUR WHOLE WORLD IS BLACK

  1. Ang hirap din pala pag nasanay ang mga tao living in a place where everything works. Di sila handa sa mga ganitong bagay. Especially in a place where everything runs on power, ni hindi ka makapagluto kasi pati gas stove may power switch pa para gumana. Doble hirap pa para sa Singapore kasi wala naman silang sariling natural resources. When things like these happen, they can’t act on their own kasi wala naman sa kanila ang control.

    Pero kung tutuusin, mabilis na rin yung 2 hrs. di ba? Sa Pinas, minsan buong umaga, walang kuryente.

  2. sanayan lang yan mylab.

    pag walang kuryente sa pilipinas, maraming pwedeng gawin. e.g. maglaro ng kandila, shadow shaping, taguan, sex, spirit of the glass, tumingin sa langit, maghanap ng alitaptap, sex at kung ano ano pa.

    pero mahirap nga rito dahil iba ang lifestyle. case in point yung batang nakulong sa elevator ng 2 oras kabagi. total blackness in an enclosed space. kung ako yon, magwawala rin ako.

  3. Dito me bagyo ngayon, BatJay. IGME ang pangalan. Si GMA nagpabuhol-buhol ng trapik kaninang umaga sa me Luneta kasi nag-speech sya tungkol sa pagkapanalo nya. Nasa Cebu na sya ngayon. Bagyo at GMA lang, calamity na yun dito. Nahuli ako ng isang oras sa clinic ko. Dami ng pasyente na nakasimangot ng dumating ako. Kakahiya man, dko naman kasalanan, pero apologize pa din ako. Tama ka, mas pasensyoso ang Pinoy dahil sanay na tayo sa hirap. =)

  4. naku, kami din sa subdivision nawalan ng kuryente for 15 freaking hours! nagkaroon lang ng ilaw, 6 na ng umaga. haay.. parusa, may sumabog daw na transformer sa labas ng sudivision namin. nakakawindang. pero in fairness.. malakas ang hangin dahil sa bagyo, kaya di ako napagod kapapaypay. hihihi! pag sa singapore kaya nawalan ng kuryente for 15 hours, ano gagawin nila?

  5. ay! totoo talaga yan. sa katunayan, twice akong naliligo sa isang araw. kasi ayokong nakakakita ng round patch sa arm pit part ng aking t shirt. eewww!! patch adams dude!!

  6. hi doc.

    oo nga, napanood ko ang weather report kanina sa CNN. ang laki ng bagyo. malaki pa sa pilipinas. although kailangang mapuno ang mga dam natin ngayon, sana di masyadong makapinsala ang hangin at ulan. ang sarap na naman ng panahon sa antipolo. sayang, sana nasa pilipinas kami. inulan ang pagsumpa ni GMA. sinumpa ata…

  7. hi jennie. wow 15 hours. medyo matagal nga kapag transformer na pumutok in the middle of a storm. ang dami kasing naka prioritize na ibang mga action items. kung 15 hours ang black out sa singpapore, malaking problema yon. baka maraming atakihin sa puso dahil sa pagakyat baba sa hagdan ng mga building.

    paperback writah: yan, tama ang ginagawa mo. ligo arawaraw. hehehe.

  8. May nakalimutan ka, Batjay. Dito pag malakihan ang brown out, ang naiisip, “Baka may coup d’etat!” Sabay tingin sa langit at naghahanap ng lumilipad na Tora Tora.

    Sa palagay mo, bakit ngayon lang ako nakapag computer? Walang ilaw at down ang server namin. Grrr!

  9. speaking of blackouts, nung nagka-blackout dito sa NY, the whole city became vulnerable sa kung anong pwede mangyari. lahat ng klase ng industry nag-stop. pati transpo. worst experience ko pa nga yun kasi i had to walk from 4pm – 11pm non-stop makauwi lng. (walang subway tapos yung bus sobrang puno. hirap pang masyadong nakadepende sa technology. buti pa sa pinas, kahit walang kuryente makakauwi ka kasi may jeep… 🙂

  10. tama, we smell good!!! and when we take a shower, it means we’re taking a bath as well… kasama ulo… kahit super lamig ng panahon!!! 🙂

  11. sir rolly. hirap nga ngayon dahil may bagyo diyan sa pilipinas. sana di masyado kayong na apektuhan. bili ka na lang ng 2 bote ng beer at pagmasdan ang ulan na unti unting bumabagsak, sa mga halama’t mga bulaklak.

    hi chi! mahirap nga ang blackout sa big city ano. dito rin, di nila alam ang gagawin dahil di sila sanay. and more important, everything here is tied up to electricity.

    hi mec. iba talaga ang amoy ng taong bagong ligo complete with soap, shampoo ang conditioner. yan para sa akin ang ultimate turn-on.

  12. Pingback: A Sassy Lawyer in Philippine Suburbia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *