Isang Payo, Maria Cafra

isa kang may nalalaman
ngunit ikaw ay isang duwag.
isang puso’y nasugatan
nagdamdam ka’t nasaktan,
di mo sinubukan pang
maglakbay sa karagatan,
puso mo’y nilunod na
ng luha ng pagdaramdam.

di mo masisisi
sarili mong nabigo,
maraming nagdurusa
di ka naman nag-iisa.
isip mo’y nilason na
nang hindi nakauunawa,
humayo ka’t hanapin mo
lumisan na pag-asa.

humayo ka’t lunasan mo
ang sariling nabigo.
lakasan ang iyong loob
ang diyos ay di natutulog.
dagdagan ang nalalaman
at huwag pabayaan.
taong mapanira
ay huwag pakikinggan.


words and music ng idol kong resty fabunan

5 thoughts on “Isang Payo, Maria Cafra

  1. A true story- nakita sa ilalim ng kama. Worth reading naman
     
    3/11/1921 @ 4:35 a.m  Tama ba to? Araw ng aking kasal-
    Ang puso hindi pwedeng magsinungaling. Kahit anong pilit mo- katotohanan pa rin ang nangunguna. Wala akong magawa kundi pakasalan ang taong hindi ko mahal- dahil ito ang dapat or dahil ito ang kagustuhan ng aking magulang? Ngayon ang araw na magpapabago ng aking buhay- My wedding!
     
    3/12/1963 @ 4:35 a.m
    It’s been 42 years at ni minsan hindi ko naramdaman ang kasiyahan. May deperensya ba ako? Syempre wala, sya ang may deperensya. Trinato nya naman ako na parang ako lang ang tao sa mundo. Hindi ko sya natutuhang mahalin pero nagkaanak kami ng 2- 1 boy and a girl.
    One night- I heard Miguel (I can never call him my husband) crying in pain and rushed him to the hospital. Instead of feeling sorry sa kanya- pinagdadasal ko na sana mamatay na lang sya para makatakas na ako sa buhay na hindi ko pinili.
     
    3/13/1973 @ 4:35 a.m
    Sana namatay na lang sya when I rushed him to the hospital 10 years ago. Ayoko ng responsibilidad- ipinasa ko ang pagaalaga kay Miguel sa aking mga anak- wala akong pakialam sa kanya-  I packed his belongings and my daughter and son picked him up at home. Pero hindi man lang ako pinansin na aking mga anak. Oh well- I’m at peace naman kasi magisa lang ako sa tahanan ko- walang problema-walang istorbo. Sarili ko lang ang inaalagaan ko- sarili ko lang ang iniisip ko- walang nagdidikta sa buhay ko. Kaya kong mabuhay ng wala sila. Life is Good.

    3/11/1993 @ 4:35 a.m Tama ba to? Uhaw sa attention at pagmamahal ng pamilya-                                                                                                                                                                      Huli ko silang nakita was 20 years ago- hindi man lang ako kinamusta or binisita. OK lang- yun naman ang pinili kong buhay.  Biglang may nag door bell- agad akong nagmadali pero dahil sa katandaan ko hindi ko na naabot ang pinto. Pero merong nagiwan ng package at nakapangalan sa akin. I opened the box and I found old pictures of me. They were dated from the day of my wedding hanggang 3/13/1973. May napansin akong sealed envelope- sulat ni Miguel.

    Celda, (dati ang tawag nya sa akin-Mahal Ko)

    The doctor is only giving me 3 days to live- baka by the time na makuha mo to; nasa kabilang buhay na ako. Wala kang naging kasiyahan sa piling ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na isa akong istorbo sa buhay mo. Alam ko simula ng nagpakasal ka sa akin- nagluluksa ka na.  Kaya ipinabuti ng mga anak ko na wag ng ipaalam sayo ang aking karamdaman, dahil ni minsan hindi mo ipinaramdam na may importansya din ako sa buhay mo.

    Galit ako sayo- galit na galit, naging miserable din ang buhay ko alam mo ba yun. Hindi mo nakita ang mga bagay na pinapadama ng mga tao sa paligid mo. Sarili mo lang iniisip mo-kung san ka lang liligaya- dun ka lang. Kung san ka komportable-dun ka lang. Umuuwi ka sa bahay ng may simangot sa mukha mo- sana dinuraan mo na lang ako sa mukha. Pag tinatanong ka ng mahusay- pasigaw ang sagot mo – sana sinampal mo na lang ako. Marami kang reklamo sa buhay mo. Naawa ako sayo.

    Ano ngayon, nakakapagisip ka na ba? Too late, nasaktan mo na kaming lahat- hindi mo na pwedeng ibalik. Hanggang sa huling hininga ko- galit ang nararamdaman ko sayo.

    May I rest in peace,

    Miguel

     

    Tinignan ko ang mga larawan ko- ni isa walang kasiyahan o ngiti. Ngayong uhaw ako sa pagmamahal-magisa na lang ako, galit ang mga taong nagmahal sa akin- Wala lahat. Kung inisip ko sana ang pangangailangan ng mga mahal ko sa buhay- kung hindi ko pinansin ang mga bagay na hindi naman- Kung nagmahal na lang sana ako ng totoo.

     

    Celda died alone and not one showed up on her funeral. Choose the words you say-Watch the actions you play- Life is precious, take care of it.

     

    I’ve learned that if you pursue happiness, it will elude you. But, if you focus on your family and the needs of others, happiness will find you. 
    I’ve learned that whenever I decide something with an open heart, I usually make the right decision. 
    I’ve learned that even when I have pains, I don’t have to be one. 
    I’ve learned that every day, you should reach out and touch someone. 

     

Leave a Reply to elenor Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *