Is it time to go home yet?

kakatapos ko lang nakabuo ng lamesa ngayong gabi. oo virginia, apat ang paa niya. walang mali sa ginawa ko. kaya lang may isang turnilyong naiwan, hindi ko alam kung saan ikakabit. baka sa ulo ko. hehehe. kagabi ay tatlong silya ang na asembol ko, kaya mayroon na kaming dining room show case. tapos, nakabili kami ng brand new ref at washer/dryer galing sa supervisor ng apartment naming bading. benta niya sa amin ay $400 for all three. bargain na rin. ang galing nga ng ref namin – may ice maker. ngayon lang ako nakakita nito. bwakangina, napaka promdi ko. hehehe. pasensya na’t novelty ito para sa akin. nung bata kasi ako, para akong gago dahil parating naka abang sa ref, naghihintay para tumigas ang titi ko? hindi gago, naghihintay para tumigas ang yelo. we’ve gone a long way – ngayon may instant ice na pag bukas ko ng ref. how cool is that? literally, it’s really cool.

yan pa ang isang salitang medyo napapangiwi ako pag naririnig ko rito sa amerika – “cool”. tumitindig nga ang balahibo ko pag naririnig ko ang sarili kong magsabi ng “cool”. parang “jakol” ang naririnig ko at gusto kong matawa ng malakas. anyway, malapit nang matapos ang home improvement namin: tatlong cabinet na lang at isang TV shelf ang gagawin. so far, mukhang bodega pa rin ang apartment namin dahil puro kahon sa living room. pero marami na talagang nadagdag – yung kitchen namin ay kumpleto na. si jet halos lahat ang nag-ayos nito. bukas may mga darating pang mga ibang furniture. in two weeks this apartment will feel like home. i swear, (ala scarlett o’hara na may hawak na lupa) as god is my witness.

26 thoughts on “Is it time to go home yet?

  1. Ka Batjay,
    may ususerang kapitbahay ka bang nakaencounter? di ba dito sa pinas pag bagong lipat may mga kapitbahay na lalapit kaagad at tutulong o bubuwisit agad sa iyo?

    God bless
    isa mong tagahanga

  2. hi manong batjay!

    good to hear that you your labs jet are starting to “get the feel of home” dyan sa USA. i still look forward to the good, funny posts in this blog. palagay ko, kahit saan kayo mapadpad na dalawa, masaya at mbilis maka-adapt.

    God bless sa inyo!

  3. unkle alam ko sa states pag me bagong kapitbahay eh parang me thanksgiving he he he.. madami na ba pumupunta sa inyo at nagpapamudmod ng madaming fuds mostly cakes.. maKIKIkain sana ako he he he.

  4. bat,
    ibig mong sabihin, walang ref. yan?
    Hindi ba semi-furnished, na may ref at may stove?
    di bale ang washer at dryer. pero standard yata yan dito. don’t know.

  5. Talagang starting to feel like home na mylab. Lalo ngayon we have a dining table. We can have our meals in luxury in full view of our still-packed boxes… hehehe.

    Basta, nakikita ko na. This will be a great place for us and our friends. And I’m hoping we’ll have a lot of them here.

    Labyu!

  6. batjay welkome,mag fishing tayo nang tilapia dito sa Salton sea pag may fishing pole kana, ako net ang gamit ko mas madali huwag lang mahuli nagn warden .

  7. mura na nga yan. dito sa oc hindi talaga kasama ang ref sa upa kaya bibili ka o mag lelease ka sa management mga $35 to$40 din a month. kasama pa ang washer and dryer good deal nga talaga yan.brand new pa wow.

  8. hi kathy.

    mayroon kaming nakita na mga apartments na included na ang ref and washer/dryer. but you’re correct, most of the apartments rent it out. ang average ay around $70 a month for all three. kaya nga when these items were offered to us, binili na namin.

  9. hi rey.

    bakit hindi. gusto ko ngang makita ang salton sea dahil na feature ito sa national geographic a few months ago. nabasa ko nung nasa singapore pa kami. i know it’s dying and unless somebody does something, magiging giant imburnal ito soon.

  10. hi ate Ca T.

    mayroong mga furnished, mayroong wala. yung nakita namin ay walang washer/dryer at ref, pero may microwave, stove at dishwasher. iba iba ang deals sa orange county, i guess.

  11. thanksgiving? sa november pa yon. hehe. di na uso ang welcome sa kapitbahay. pero sa kaibigan, ok. we’ve had welcome lunches and dinners already from our close friends from here.

  12. hello ate glo.

    musta na sa mundo mo? maraming salamat sa bati mo. i too look forward to your comments dito. sana nga maging at house na kami rito agad. masaya naman kasi excited kaming mag-asawa sa lahat ng bagong nangyayari sa buhay namin.

    yung ice maker nga lang ng ref namin, napagtripan ko pa.babaw talaga kaligayahan ko.

  13. usaserang kapitbahay? wala. pretty much, bahala ka sa buhay mo. pero i like the hi, hello and good morning greetings with strangers. at least refreshing kaysa sa shy people from asia na hindi bumabati.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *