INUTUSANG LANG BUMILI NG PATIS, KUNG SAAN SAAN PA NAGPUNTA

inutusan ako ni jet na bumili ng patis, kaya nagpunta ako sa lucky plaza. ang daming tao. lahat ata ng pinoy sa singapore ay naroon nakatambay kanina. pero masarap – para akong nasa pilipinas. nakipaglandian pa nga sa akin yung isang tindera.

batjay: magkano itong patis?
tindera: $3.50 papa! (sabay kindat sa akin)
batjay: ayos! sige samahan mo ng isang paketeng chocnut.
tindera: no problem, papa (sabay kindat ulit sa akin)
batjay: magkano lahat?
tindera: $7.50 lahat papa.
batjay: ang mahal naman.
tindera: darling, mas mahal pa ako sa binili mo (sabay kindat ulit)
batjay: mama naman, amoy lupa ka na (tawanan sa loob ng tindahan)
kasama ni tindera: sorry sir, ha. mahinhing talipandas yan, pero harmless naman.
batjay: ok lang, huwag mo lang ilapit sa akin at baka sunggaban ako.

2 thoughts on “INUTUSANG LANG BUMILI NG PATIS, KUNG SAAN SAAN PA NAGPUNTA

  1. naka Mt ka na nga tso!!! ingat sa blog spammers at manmanan ang archives.

    tso naman baka naman me tic lang ang tindera kaya kindat ng kindat hehe 🙂

  2. idol ibet. yung nga ang iniisip ko – malamang may tick lang sa mata yung ale. hehehe.

    sinusubukan ko currently ang MT. mukha namang maganda. ang dami nga lang daw spammers na pumapasok dito as you have experienced.

    ni load ko rin yung MT-black list, para maprevent ang spam. so far, wala pa naman akong nakukuha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *