Into the distance, a ribbon of black – stretched to the point of no turning back

dear unkyel batjay,

saan po ba nag-originate ang pasko?

nagmamahal,
gentle reader



dear gentle reader,

ewan ko. pero pag nalaman ko kung sino man yung gagong nagpauso ng pasko, ipapabugbog ko ang bwakanginang yon. taon taon na lang, tuwing december nauubos ang pera ko sa kakaregalo. yung nanay ko sa pilipinas, nagtatago ngayon sa bahay ng pinsan namin. hindi makalabas dahil hina-hunting siya ng mga apo ng kapitbahay namin sa barrio talipapa. kung dalawa o tatlo eh ok lang sana. kaso, tatlumpung bata ata yung dumating at naghihingi ng aguinaldo. di ko nga alam kung bakit hindi sila nag family planning – sa sobrang dami nga ng mga bata sa pamilya nila eh gusto na ng munisipyo ng kalookan na gawin silang isang barangay. gardenget.

merry christmas.
unkyel batjay

2 thoughts on “Into the distance, a ribbon of black – stretched to the point of no turning back

  1. uncle batjay you are so cool. I really like your sense of humor it’s very natural and you’re very sincere to your words. You’re such a blessed person with all your natural God given talents. You are down to earth and good person.

    from flor of Houston, texas

  2. hi flor of houston, texas.

    thank you very much. matagal na akong di nakakabalik sa houston. i used to go there a lot to attend conferences. my sister used to live in dallas and we drived there once. i love galveston. in any case – salamat ulit sa lahat ng maganda mong sinabi.

    hanggang sa muli mong pagbalik.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.