INTERNATIONAL CHICHIRYA

maraming chichirya ngayon sa office namin. panay kasi ang alis ng mga taga rito ngayon at panay rin ang dating ng mga bisita galing sa kung saan-saan. kahapon may mga indonesian kaming bisita at dala nila ay chicharong langka. ngayon lang ako nakatikim nito… masarap pala.

si michelle galing sa hainan, china itong week para mag scout ng venue sa aming next conference. nag-uwi siya ng iba’t ibang produktong gawa sa buko… may buko candy, buko crackers at pinakapaborito ko sa lahat: “Coconut PANGAKE”. muntik ko na ngang di kainin kasi medyo duda ako sa quality eh. pag ang manufacturer ay hindi mai-spell ang “cake” na tama eh siyempre, kwidaw ka roon.

mayron din kaming durian crackers dito na paborito ng boss ko. pinapakain namin ito sa mga amerikanong bisita, para naman makatikim sila ng di pa nila natitikman sa buo nilang buhay. “have a cracker”, ang wika namin, “it smells like shit but tastes like heaven”.

si henry pag pumupunta ng vietnam, nag uuwi siya rito ng pinatuyong pusit. mayrong pusit na parang dried flakes na halos matunaw sa bibig mo. mayron ding pusit na may halong asukal. sa vietnam siguro ang may pinakamasarap na dried squid sa buong south east asia.

pag may galing sa korea, madalas ay alak at ginseng. minsan ginseng na alak. masarap ang dried ginseng candy na galing sa korea. may kamahalan ito kaya dapat pa konti konti lang ang kain. di pwedeng kain na parang mani.

sa shanghai, masarap na inuuwi ni lau ay yung “Hairy Crabs”. mga balbon ito na alimango. di kalakihan pero punong puno ng haligi at malaman. isang tikim lang at mapapa “tangina, ang sarap!” ka sa sarap.

tayong mga pinoy di rin pahuhuli. napansin ko, ang hilig bilhin ng mga singaporean sa pilipinas ay dried mango, selecta ube or mango ice cream at quick melt insaymada. sabi ko sa kanila, kaya masarap at malasa ang ice cream sa pilipinas ay dahil gawa ito sa gatas ng kalabaw. yung ensaymada naman ay gawa ng isang ex-childstar na pandak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *