INDONESIA LOOKS LIKE HOME

lipad na naman ako sa lunes papuntang indonesia. 2 araw sa jakarta at 3 araw sa surabaya. makikita ko na naman ang sangkatutak na tao sa mga kalye sa jakarta, ang traffic at ang alikabok at init. hehehe… parang maynila rin. minsan nga sa biglang tingin parang umuwi ako. mababait din naman sila at palangiti. masarap din ang kanilang pagkain. kung ang jakarta ay siksikan ang tao – sa surabaya naman ay medyo parang davao o cebu ang dating. laid back ika nga – wala ang gitgitan ng mga tao’t sasakyan at mararamdaman mo na mas matahimik dito. ito ang dahilan kung bakit mas gusto ko sa surabaya kaysa jakarta.

kasali sa trabaho ang pagiging byahero ko. katunayan matapos akong makabalik dito sa singapore lilipad naman ako patungong pilipinas as unangn linggo ng hulyo. i look forward to a trip home. medyo matagal na rin akong di nakauwi. gusto kong makita ang bahay ko’t garden. gusto ko ring bisitahin ang mga kamag-anak at kaibigan.

sana july na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *