mayroong mini review tungkol sa libro ko doon sa latest sunday inquirer magazine. sinulat ito ni ruel de vera. hindi ko siya kamag-anak pero may sinabi siya na katumbas sa pagkain ng tatlumpung kilong haligi ng talangka dahil nakakataba ito ng puso.
The view from any corner
HE isn’t just one of the most opinionated bloggers out there. Nicanor “Batjay” David, Jr. is also one of the best. This instrument engineer-turned-OFW (notably also the brother of Pinoy Rock icon Howlin’ Dave) has been writing his acerbic and insightful column on everything from holidays to national identity in his trademark everyman English and Filipino (and sometimes both at the same time) with wit and oh-it-hurts humor. For your own good, check them out at http://kwentongtambay.nicanordavid.com.
Sometimes profane, often poignant, but always powerful, David’s columns are now in hard copy and on bookshelves in “Kwentong Tambay: Mga Kwento ng Isang Sira-ulong Overseas Filipino Worker” (PSICOM Publishing, P120). The Q&As alone are worth the retail price. But go further and check out his take on why Pinoys go abroad, and Unkyel Batjay explains it all for you. “Kwentong Tambay” really is about the man who watches the world go by yet misses absolutely nothing. Just read a few pages and find out why this book is worth taking home with you, wherever you are in the world.
Ruel S. De Vera
maraming salamat ruel. sabi ng mommy ko, aampunin ka raw niya. sabi naman ng asawa ko, punta ka raw sa bahay namin at ipagluluto ka niya ng kanyang world famous pork adobo. binasa nga namin ang sunday inquirer magazine kahapon sa tagaytay during our family christmas party kaya naging bida tuloy ako and once again: i almost shit in my pants. salamat. salamat.
buti na lang po may isang ruel de vera kung hindi, i could have missed your site..affirmative lahat sinabi nya kaya click ko agad ung link..i’ve been reading through your previous postings since yesterday and para akong baliw sa harap ng pc kasi minsan tumatawa minsan naluluha….kakaddict basahin..he.he.
galing nyo po talga..
meri krismas po sa inyo!
hi grace.
maraming salamat sa pagbasa. hehehe. baka naduling ka na dahil mahigit limang taon na archives ang mababasa mo. merry christmas din sa iyo.
jay in seoul korea with jet
hi jay :
sikat ka na talaga pare ….lahat ng officemates ko na hindi ko nabigyan ng libro eh ngayon gustong magpapalit ng regalo after reading the write up of ruel…sabi ko bumili na lang sila……hehehe….have a safe flight….
hi allan.
thanks for the extra plugging. salamat din for buying – what was the exact number? 40 copies ata. my publisher was impressed by your order. salamat.
jay with jet in seoul
Ayos ah.. Binabasa ko pa lang yung “mga kinaiinisan,” natawa na ako eh. Sa article ng Sunday Inquirer Magazine ko rin nalaman ang site na ito. Astig. Mahaba-haba pang babasahin toh.. Tamang-tama may gagawin ako ngayong Christmas vacation.
Have a merry Christmas!
hey, good to know you were able to reach your destination safely. moreover, that KT is doing very well. i’m happy for you! and jet too!
ingat po kayo lagi!
uy malapit na ko magkaroon, darating na nanay ko 🙂
mabuti naman – sana ma enjoy mo ng husto, marami akong mga kwentong singapore sa libro. salamat sa pagsuporta.
uhmmn tignan natin kung ma eenjoy ko nga 🙂
lol since enjoy basahin tong blog mo siguro naman mag-eenjoy ako 🙂 di ma maisusulat sa Inquirer kung di maganda yung book pwerea na lang kung binayaran mo si Ruel De Vera 🙂 jowk jowk jowk po 🙂
hindi naman ako nagbabayad para puriin ako. buti nga mayroon pa ring matino sa pilipinas.
biro lang po ako batjay 🙂 ang wrinkles baka biglang lumabas 🙂
wala pa akong wrinkles.
uunga pansin ko nga sa pic sa blog ni ms ghee kaya lang pag nainis ka kasi baka biglang magkaroon diba
para huwag akong mainis – don’t EVER insinuate (even if you’re joking) that i am corrupt. but let’s move on. huwag na nating pag usapan ito para hindi humaba.
okey 🙂 sensya na feeling close ako e ….ayan period na.
hi kate. thank you – sana ma enjoy mo ang mga archives. buy the book this christmas para pareho tayong merry. hehehe, ingat!
Napapadpad ako sa site mo dahil nag-search ako ng “David” na aking middle name. Growing up (uy, obvious ang edad!) si Ben at Metring David lang ang sikat (if you can call it that) na alam ko. Binasa ko ang blog mo, pareho tayong laking Novaliches at tapos ng engineering sa Mapua. Relate ako sa mga anecdotes mo tungkol sa college days, sa mga praning na instructor. Enjoy ako sa blog mo. Congratulations sa iyong tagumpay. Move over Ben and Metring, meron na tayong kamag-anak na sikat – si Batjay. Gwapo sa picture (photoshopped?) at medyo bastos.
OO photoshopped ang mga pics ko. sa tutuong buhay eh amoy lupa na ako. hehehe. school mate pala kita – ayos, kabisado mo na ang sense of humor ng mga taga malayan colleges. salamat sa pagdalaw. ingat.
magandang araw po sa inyo. kulang ang salita sa pagdescribe kung paano kayo magsulat. nakikita ko po ang pagkatao nyo sa pagsulat nyo at ako ay nagagalak na meron pa palang kagaya mo. mabuhay ka. 3 weeks na akong bumibisita sa site mo everyday. ako ay kasalukuyang nandito sa israel bilang caregiver, mag 4 years na ko dito. i am really glad that i was able to find your site. it makes my day. nagpapabili na ko sa friend ko ng KT para mabasa ko naman ang pinagkakaguluhan ng lahat at maishare ko sa mga kababayan natin dito. looking forward for more and your wife’s blog too. ingat lagi kayo
hi siocs. uy, ikaw ata unang nag comment na taga israel. kyul!!! di ba maraming mga OFW diyan? siguro by this time, malamig na diyan at malamang ay mabigat na ang suot mong damit. maraming salamat sa maganda mong sinulat. ingat ka na lang diyan, hintayin ko na lang muli mong pag balik.
salamat po sa reply. i am overwhelmed. malamig na nga dito para sa kagaya nating pinoy. napakadami ding pinoy dito na nakikipagsapalaran, merong magandang kapalaran, merong pangit. but then again we are living and thankful that we are here kicking our butts to send something to family back home no matter what the story is…salute to you
hulaan ang una kong nabili sa pesong ipinagpalitan ng dolyares ko – siempre ang iyong libro.
chang ina, tanga lang ako at naiwan ko sa maynila, kundi, dito sa queen of the south, Cebu, ay binabasa ko na ngayon…
marami pa namang oras para tapusin ito at mag baliktanaw sa mga entries na noon ko pa nabasa…
ang galing! P120 lang, sulit. ang di bumili, di makakatanggap ng regalo kay Santa Klaws!
dito na kami sa cali bossing junnie.
kayo naman ngayon ang mag-titiis sa traffic, usok at dami ng tao. pero iba pa rin sa pilipinas kaya ika ng hagibis – “kahit na ilang bagyo ay ating sasagupain…”
good luck sa bakasyon mo at maraming salamat sa pagtangkilik mo sa libro ko. sana ma enjoy ninyo itong mag-asawa.
ingat at kamusta kay misis – merry christmas.
jay (with jet in foothill ranch)
Hi Jay!Salamat sa pagdalaw sa blog ko.Naenjoy ko nga yung mga comments dun.Maraming nagsabing ang pogi mo raw pala at kamukha mo si Ariel Rivera,haha!(Ako naman daw si Gelli de Belen?lol!)
At maraming nakakakilala sa yo,dun ko nga nalaman ang real name mo. 😀
thanx!sana nga next time,I`ll get a chance to talk to you more.
More power!!siguro,pag uwi ko sa PInas,mababasa ko na rin ang book mo 🙂
Pareng David,
I’m impress sa review sa iyo. Congratulation. I’ve heard about your site nang i-post ni Helen Sia sa MIT-COE88 yahoo group natin. Natin because your one of us. Sana Join ka naman.
Pareng Escasinas.
Maraming Salamat sa pagsulat mo. Gusto ko ngang sumali sa Egroup ng MIT-COE kaya lang walang nangiimbita sa akin kaya di ako makasali.
Ingat,
Jay
TRUE nakakaaliw po magbasa ng inyo blog. Matagal tagal na rin po ako tagasubaybay dito [jay forever fans club].
Kaso di available ang iyong KT dito National Bookstore Batangas.
Mabuhay po kayo bossing.
Happy holidays!
hey joe. thank you sa pagsubaybay. wala bang Kwentong Tambay sa Batangas? Ala eh, magrereklamo ako sa National Bookstore ay!
hi ghee.. hopefully the next time i’m in town, i won’t rush to the airport immediately. i need to take jet to japan so she’d know why i like it so much over there.
take care.
jay
PS – maraming salamat sa mga nagsabing gwapo ako. BWAHAHAHA.
Kabayan, matagal na akong nagbabasa nang posts mo and talagang nag-e-enjoy ako at puno nang information. Maganda ang pagkakasulat. Hindi ako pala-comment but I don’t want to miss this chance to tell you na isa ako sa mga taong napapasaya at nabibigyan mo nang magandang inpormasyon sa pagsusulat mo. Magaling ka talaga Kabayan! Salamat sa mga Pilipinong tulad mong hindi nakakalimot sa sariling bayan! Maligayang Pasko sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay!
kakabalik ko galing manila and bought 2 copies of your book. yung isa binasa ko sa waiting time pauwing bicol. nasa paralor ako at nagtatka siguro yung bading why i am laughing and crying at the same time. yung isang copy ipapabaon ko sa kapatid ko pagsakay niya ulit sa barko.
is lang masasabi ko…ASTIG! mabuhay ka po.
sana sa susunod na pag-uwi mo sa pinas eh ma-meet kita in person para sa autograph. merry christmas! 😉
Ate Glo!
nakita ko ang picture ninyo ni ruth through karla. sayang, sana natuloy si ruth nakipagkita sa amin at sana ay nakasama ka. sayang nga, it would have been a pleasure na mapirmahan ko ang kopya mo kasi matagal na tayong magkakilala albeit online nga lang. di bale, next year siguro mas matagal ang stay namin ni jet. baka sakaling maka akyat ka ng maynila eh di pwede tayong magkita-kita.
buti naman nagustuhan mo ang libro. si ruth din, nag email. na enjoy niya rin daw ang libro.
happy hanukkah sa iyo siocs. maraming salamat sa pagbalik. siyempre merry christmas at happy new year na rin sa iyo. masarap na mahirap talaga ang buhay OFW. i wish you well.
i reaaly enjoyed your articles, more power & good health!