IN THE PROVINCE OF THE MIND

pag may nagtatanong sa akin kung saan ang probinsya ko, ang parati kong sinasagot ay “PASAY CITY”. wala kasi kaming probinsya, bagay na ikina-iinggit ko lalo na kapag parating na ang holy week at pasko kasi isa ako sa mga naiiwan sa maynila. ang daddy ko ay pinanganak sa singgalong at ang mommy ko naman ay sa malate. ako? pinanganak ako sa isang malaking bahay na bato sa pasay city, somewhere in between the pet shops of cartimar and the manila bay.

ibang-iba ang hitsura ng pasay city nung 1965 – malinis, safe at presko dahil sa sariwang hangin na galing sa dagat. wala pa yung problema ng pollution, high crime at squatters na makikita mo ngayon. karamihan ng mga kapit bahay namin ay mga puting expats na nagtatrabaho sa mga iba-ibang enbassy na nakakalat sa bay area. marami ring mga mestizong kastila na kasama namin sa mga tambayan. eh siyempre, mestizong conyo boy rin ang tingin ko sa sarili ko kasi sabi ng mommy ko, mayroon daw kaming 10% na dugong kastila.

tutuo naman. tinitingnan ko yung katawan ko eh 90% nito ay kulay dark brown na parang betlog. ang natitirang 10% ay puti. ito yung magkabilang pisngi ng pwet ko – parte ng katawan na hindi nasisikatan ng araw.

11 thoughts on “IN THE PROVINCE OF THE MIND

  1. ah, fond memories of the leveriza house! the trees, the crickets, the falcon by the makopa tree!

    tapos binili siya ni sharon at ginawang rows ng apartments na puro concrete. oh well.

  2. Sana mylab, you gave them the full story of your house in Pasay. I always love listening to you when you tell me about that house, about that time. Pag kinukwento mo, parang kahapon lang… alalang alala mo pa.

  3. ang cute naman ninyo ni ate jet. =) i always notice your comments to each other! (ok, this has nothing to do w/ your post, pero it’s a comment, diba? lol..=)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.