In search of my mother’s garden, I found my own

TAGAYTAY06-032

happy birthday mommy.

83 years old! packingsheet, not even in my wildest dreams could i ever see myself being 83 years old.

pero iba ka. you’ve lived your life with grace and love for all of us. parati mo kaming iniintindi at inaalagaan. di ko nga alam kung paano mo kami minahal all these years dahil feel ko, kadalasan di namin deserved ang pag-asikaso mo.

medyo nakyutan ako sa ginawa mo recently. ayaw mo pang ipasabi sa akin na mayroon kang dinaramdam na sakit dahil natatakot ka na mag-aalala ako ng husto. typical ang iyong selflessness. sana ay huwag mo nang ulitin ito.

basta, alagaan mo paratin ang iyong sarili. huwag mong kalimutan ang iyong check-up, pag-inom ng gamot at tamang pagkain. malapit ka nang bumisita rito sa amin sa ‘merika kaya kailangan magpalakas ka.

who knows, baka may maloko sa iyo ritong amerikano at ma in-love sa inyo ng husto. hehehe. may gugulpihin akong matandang lolo pag nagkataon.

ang inyong poging anak na punong-puno ng pagmamahal,

jay

33 thoughts on “In search of my mother’s garden, I found my own

  1. Happy birthdaaaaaaay, moooooommmmmmyyyyy! (batjay, xenxia na kung makikimommy ako sa iyo, ulila na me e.) Tama si batjay (sa caption ng pic mo) na may asim ka pa rin! hehehe… πŸ˜€

  2. Jay,

    Happy Birthday sa Mommy mo! (My own dad turned 71 on May 19th.) Saka belated Happy Anniversary din sa inyo ni Jet!!! Napakaswerte mo talaga sa magulang at kabiyak, at swerte din sila to have you in their lives! That you can write about them so touchingly speaks volumes of a love that many of us can only hope for.

    I’d love to stick around and chat some more, pero may meeting ako in 10 minutes, kaya hanggang sa susunod na lang…

  3. hi classmate daisy. thank you sa pagbati. ipapaabot ko sa mommy ko. 71 na pala ang dad mo. batang bata pa.

    oo nga bossing. alam kong alam mo ang mother’s love. sana makarating siya bago matapos ang taon.

    thank you EC.

  4. happy birthday to your mom! yan din nga ang sabi ko sa mama ko, hahanapan ko nalang sya ng mapapangasawa dito! kawawa naman e, mag-isa nalang sa Pinas:( paminsan minsan dumadalaw, d naman tumatagal ng 1 buwan! haaay! and also belated happy anniversary na rin! been to palm springs once, ganda nga! sana makabalik din ako dun! btw, where are you in CA?

  5. happy birthday to your mom!! siguro, nung kabataan ni mommy mo e talagang maingat sya sa kanyang health! tingnan mo naman, malakas pa rin sya at ang bata nya pating tingnan!!

    God bless!!

  6. Touching… with this male domineering society of ours, ’twas always heartbreaking knowing a man proudly expresses his love to his mom (parents). Happy birthday to you mommy and congrats for raising a wonderful son.

  7. thank you. almost all my friends love their moms the same way i do.

    talaga lang atang baby face ang lahi namin kasi talagang bata pa siya sa personal.

    weekly ko ngang tinatawagan ang mommy ko. walang palya.

    mission viejo. where summertime’s great and living is easy. thank you sa bati. may nakilala ka na ba para sa mommy mo?

  8. happy birthday to your mom!
    obviously isa kang mabuting anak at sabi nga…ang lalaki daw pag mabait sa mother, siguradong isang mabuting asawa! πŸ˜‰
    may kokontra kaya? πŸ™‚

  9. pareng jay, please extend my greetings to your mom, wow 83 ! ! ! sabi nga ng mga puti na kasama ko “FAAA—NTAAAAA-STIC”, and belated wedding anniversary sa inyo ni jet….ayos mabuti naman at nagdecide na syang madadalaw ka nya dyan sa USA…

  10. parang batch natin pareng jun – 83. musta na riyan sa singapore? sana ay maisama mo ang pamilya mo para makabakasyon man lang sila riyan.

    ingat,

  11. pareng jay….ayos na ako dito sa singapore….sanay na rin sa pang-araw araw na buhay dito…sa July uuwi ako for 2 weeks vacation…pag ma extend ako……. sa December sigurado magbabakasyon sila dito…

    ingat din at kamusta na lang dyan sa iba pa nating ka batch sa US……btw…malapit na pala ang ang ating 25th year….pag-uwi ko sa July kausapin ko yung iba nating batch sa Pinas, baka sakali maumpisahan ang pag-organize…

  12. happy birthday to your dearest Mom!! My Dad’s 74…pareho silang ayaw din ipinapaalam kung me nararamdaman. Ang bad nila ano? Hehehehe!

    Wishing your Mom all the best!

  13. oo nga, sometimes masyadong mabait. 74 – that’s a great age for a dad. wishing the best for him as well.

    sweetik, thank you.

    pareng jun. sige nga, may uwi mo mag organize na tayo. medyo late na pero siguro kaya pa natin. nagkita nga pala kami ni mon nung sabado. wala, laro laro lang kami nagpapalo ng maliit ng bola.

  14. Happy birthday sa Mommy mo. Pwede naman pala magpalaki ng anak na loko at hindi malosyang at magkasakit nang grabe nang maaga. hehehe Sabagay malakas pa rin Mom ni Speedy…

  15. Alam kong malaking malaking bagay ang madala mo dito ang Mommy Pa. And when that day comes, I know Mommy will proudly tell the story of her vacation in California courtesy of her son, Jay.

    Somehow that makes me proud too.

  16. kakatuwa naman ang entry mo tito jay. touching pero funny. buti na lang di nagising si amelie sa pagtawa ko. hee.

    belated happy greetings sa yong mommy. sana mag enjoy sya sa disneyland! i’m sure you’d all have a grand time.

  17. Tiiiiiiiiiin!

    maraming salamat. sayang nga malayo na kami. kung nasa SG lang sana, pwedeng umuwi ng sandali para sa birthday celebrations niya.

    musta kay ron at amelie!
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *