Sure of yourself and bullet-proof

Summer07-06

nag apply ako bilang waiter ng In-N-Out Burger ngayong summer para may pandagdag na kita. paborito namin ni jet ang In-N-Out. sa california at arizona nyo lang makikita ang fast food na ito at parating maraming tao kahit madaling araw – in fact, ito ang dahilan kung bakit nakulong si paris hilton (ie, na DUI siya habang papunta sa isang In-N-Out burger joint sa hollywood).

kung mayroon mang “healthy” fast food, this is it. lahat ng ingredients ay fresh at para may extra insurance: pinalagyan ng may-ari ng In-N-Out ang ilalim ng mga cup ng softdrink at tray ng pagkain ng mga bible quotes, as if tutulungan ka ng diyos na huwag atakihin sa puso kahit kumain ka ng sandamukal na hamburdyer.

AMEN.

25 thoughts on “Sure of yourself and bullet-proof

  1. hi angel.

    oo nga, i’m sure your kids will enjoy the burgers and fries of IN-N-OUT. paborito ito ng mga pinoy sa california.

    pag may craving ako, ang kinakain ko ay double-double animal style with fries. double cheese with double burger patty, special secret sauce with grilled onion. this is part of their “secret menu” and it’s not listed in the counter but they know how to make this and it’s really good.

    when you’re in town, try to order this.

    jay

    PS – kamusta kay idol don manuel!

  2. oo bossing, pag nagpunta kayo sa california, dalaw kayo agad. yung mga bisita nga naming taga europe, adik na adik dito at parating nagpapasama.

  3. dito sa san diego & perhaps sa ibang lugar din, mas mabilis umorder through drive-through. Pag sa counter, aabutin ka ng siyam-siyam sa dami ng tao. double-double-wow! super caloric talaga.

  4. double double animal style with animal style fries. yan ang ultimate burger meal, para sa akin. bihira lang naman – mga 1 or 2 a month na In-N-Out.

    ngayong lunch dito sa amin siguro mga 20-30 minutes ang wait time sa drive through kahit na may nakabantay na crew sa labas na kumukuha ng order in advance.

  5. Hello Jay!

    Huuuy, tagal ko nang hindi nakadalaw! Saang branch ka ba? Pwede bang mangamusta? (Hindi para makipagdaldalan; kahit tango at kaway lang, sabay sigaw ng “Hoy!” ay sapat na.)

    Paborito din namin ang In-N-Out (mayroong malapit sa amin sa Lakewood, kaya kung tinatamad akong magluto doon kami bibili ng pang-hapunan); animal style din ang type ni mister, samantalang preferred ko ang plain, no cheese, with grilled onions. May employee discount ka ba? (hehehe)

    Naalala ko nung first summer namin dito nung 1984; nag-apply ako sa Carl’s Jr. Isang buwan lang ang itinagal ni yours truly dahil palpak siya sa cash register. On the other hand, si Beth, ang kapatid kong valedictorian eh model employee…you do the math…

  6. Hi jay,

    Ang sipag mo naman… baka sumobra ang
    yaman mo n’yan… pero ok ang dating mo…
    pwede ka n palang ‘commercial model’ (?@#)
    Puwede bang umorder at ipadala mo dito sa akin…

    ingat…

  7. bosing, sa pangalan pa lang tipong garantisado na sa satisfaction ang in n out, wehehe, sapak sa grasang pampadulas, wehehe ulet. punta nga pala akong socal sa a-24, baka makadaan sa in n’ out. paghandaan na lang po ang abang lingkod ng double patties, samahan na rin ng double passages para matiwasay ang byahe.

  8. galeng mong endorser kabayan.!!!…dame mo agad recruit na customers..paano naman kaya ako makakatikim nyan?dito ako sa disyerto eh….

  9. Parang nakakatakot tunog nung double double animal style with fries — di kaya magka double double din cholesterol reading ko? But will keep that in mind the next time mapadpad kami sa California. Makakarating kay Don Manuel ang kumusta. =)

  10. kaya nga dapat once in a blue moon lang ang kain ng fast food. it’s too much calories. nung napanood ko ang “super size me”, natakot na ako.

    ingat at hanggang sa muli.

  11. uy sayang – hindi ako nakakain sa in & out nung bakasyon ko dyan last weekend.. inaaya ko mga kasama ko pero nagahol na rin sa oras.. next time talaga kailangan sadyain

  12. Ang pogi! Bagay na bagay sayo ang sumbrero ng In N Out… hehe.

    Dapat tinabi mo sa picture ko na naka-sumbrero naman ng Krispy Kremes, parehong di na natin puwedeng kainin gaano ngayon. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *