I’M CAUGHT MOVIN’ ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

36 thoughts on “I’M CAUGHT MOVIN’ ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

  1. Alam mo, pag mainit ulo ko (tulad ngayon–nakakapaso ang init ng panahon), pumupunta ako dito para gumaan pakiramdam ko. Always effective.

    Pero kung ako yung driver, kakantiin kita. Asar!!!!

  2. pre, kahapon ala akong magawa dito sa ofc nag-google ako ng mga pinoy blogs… kita tong site mo… oks ang presentation at nakakalibang ang blogs mo (binasa ko pati archive heheh)… anyway, nakakarelate ako sa yo kc dito rin ako nagwowork sa sg since 2001… sama ko din misis ko… paminsan din pero di madalas nag-bubusiness trip sa china,taiwan,thailand,malaysia,indonesia… btw sa IT industry ako… sige pre, tenkyu at nalibang (at malilibang pa) ako sa blogs mo… goodluck at magtuloy-tuloy sana ang success mo sa career mo…

  3. hi jon.

    maraming salamat sa comment mo. malaking bagay para sa akin pag isang pinoy na nakatira sa singapore ang sumulat sa akin. pareho kasi ang mga experience natin at sabi mo nga nakaka identify ka. kaya salamat ulit sa pagsulat mo. balik balik ka lang.

    sa IT ka pala. member ka ba ng mga pinoy group na mga IT professionals sa singapore? mangyari ay nabanggit ito sa akin ng mga bago naming kaibigan na sina tintin at ronald manabat. baka sakaling kilala mo sila.

    hindi ako IT pero nakakahawak din ng computer paminsan minsan.

    ingat.

  4. hi ate sassy. hehe. πŸ˜€

    hi paul. teka lang. dalawang abugado ang may comment sa site ko… delikado ata ako.

    how many lawyers does it take to make a comment system exciting? two – one sassy and one unlawyer. hehe.

    oo nga ano – “ginugood time mo ata ako ah”. ako na lang ata ang nagsasabi nito.

  5. hello mylabopmayn. hehe. πŸ˜€ πŸ˜€ πŸ˜€

    alam ko naman na kyut ako parati sa paningin mo. lalong lalo na ngayon at pumapayat na ako.

    sama ka sa akin mamaya, kain ulit tayo ng noodles. ipapakita ko sa iyo kung saan ako nakipag patintero sa kotse.

  6. hi toni. pakiramdam ko eh para nga akong si Antonio Banderas doon sa Mambo Kings.

    hi ruth. pwedeng pwede rito. dalhin mo lang ang resibo ng phone. pero mas maganda kung online. almost all our bills are paid through the internet, except that dang phone bill.

  7. hi AnP, ang babaing buntis na ayaw ipaalam sa mga germans na siya ay buntis. ang haba ng introduction mo. ayos ba? hehe.

    Ang sabi ng matatanda, ang batang makulit, diretso sa langit!

  8. nakita ko tong blog site mo by accident.
    nakakabaliw ang mga entries.nakakarelate rin
    sa mga experiences mo dahil nag work ako
    diyan for 9 months bago itapon ng siemens
    dito sa munich.

    sana marami ka pang malibang…

  9. hello Idol,

    good afternoon po. sa palagay ko, either magaling yung driver or magaling kang mag boogie, hehehe…

    one question lang: pansin ko lang kasi, whatever happens to you, you can always turn it into something funny afterwards. how do you do it? galing mo talaga!

  10. hi missP. member kasi ako ng “Samahang Hey Jude”… alam ito ni tito rolly dahil magkalapit kami ng age. teka lang kakantahin ko(ahem):

    “hey jude, don’t make it bad. take a sad song and make it better…”

  11. hi cel. hmmm…. very interesting. maraming salamat sa comment mo, natuwa naman ako’t naaliw ka. huwag mo lang pigilin ang tawa mo at baka ka mautot.

    kaya ko nasabing interesting ay dati naman akong taga siemens at umalis para pumunta sa singapore. i’m sure marami tayong common colleagues from the siemens singapore and philippines offices.

  12. Buti ka pa sir nakita mo yung kotse, nung unang dating ko dito muntik ko nang makita si San Pedro. Nasanay ako sa Pinas mula family hanggang school ang turo pag tumatawid e tingin muna sa kaliwa bago kanan. Baligtad pala sila dito.

    Ok tong site mo sir, nakakalibang, minsan tinatakpan ko na lang yung bibig ko sa office, baka makita na tumatawa akong mag isa, baka kung ano pa ang isipin.

    Last kong na-experience na tumatawang mag-isa nung nasa Pinas pa ko, habang nagbabasa ng Pugad Baboy sa National Bookstore… hehehe…

    Sabi nga ni Kuya Germs… MORE POWER!!!

  13. hey tito rolly. hehehe. ang galing “one step forward, two kickbacks”. uy, pwede natin itong ipalit doon sa kanta ni bruce springsteen.

    the title of this blog (as is a lot of my blogs) is taken from song titles and lyrics. this in particular – “I’M CAUGHT MOVIN’ ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK” is taken from the tunnel of love LP that the boss made when he was struggling with his first marriage and most of the songs are about heartache. in fact this one entitled “One Step Up” is about the disintegration of his marriage (i think).

    ayan, i’ve rambled again.

  14. hi bongski.

    maraming salamat sa pagsulat mo ng comment sa site ko. talagang natutuwa ako pag kabayang kapwa OFW na taga singapore ang nababasa ko. nakaka identify kasi kayo sa mga nangyayari sa buhay ko. maraming salamat ulit. sana patuloy ka pang mag comment dito.

    alam mo, makailang beses na rin akong muntik nasagasaan sa singapore nung unang dating ko. mali rin ang tingin ko. pati misis ko ay ganyan din. tapos mas nakakatawa, pag umuuwi naman sa pilipinas, sa kanan naman ako tumitingin. mali pa rin. hindi na rin ako basta basta nakakatawid ngayon sa maynila dahil kinkabahan na ako. dati naman ay ang lakas ng loob ko.

    binabasa ko rin ang pugad baboy at isa si pol medina sa mga paborito kong cartoonist. pero ang pinaka paborito ko ay narito sa singapore. si dengcoy miel. siya yung pinoy na nag gagawa ng mga cartoons sa straits times. sigurado ako, nakita mo na ang mga drawing niya sa mga bus, posters, newpaper articles sa kung saan saang part ng singapore.

    sige sir, ingat na lang at maraming salamat ulit.

  15. Josko! First time ko basahin blog mo (kasi I saw Jet’s post about her Popsie), hindi ako magkamayaw sa katatawa ng palihim (dapat ciempre muka pa din ako kagalang galang sa work para serious kunwari sa work!)
    Anyway, been here in the land of anal-retentive people for almost 2 months now, and I’m starting to get bored. I came from the cold, barren land of Montreal. But knowing that funny Pinoys like you are just walking around, the possibility that I may bump with the likes of you and Jet makes me look forward to what’s ahead. Naks!
    O back to regular programming na.
    P.S. When I first visited Singapore, ilang beses ako muntik masagasaan kasi they all drive on the wrong side of the street!

  16. hi jenn.

    narito ka rin pala sa singapore. naikwento ka nga sa akin ni jet kagabi. nagkita rin pala kayo nina reggie. they are a great group of happy, funny people.

    i was surprised why you exchanged montreal for this place. although i must admit it is safe and clean, it is a bit boring because it’s small and nothing ever happens here. in any case, thanks for dropping bye and looking forward to seeing you more in this part of the web.

  17. Hahahahahahahahahahahahahaha!!!! Pero true ba yon or myth lang na magkaka-appendicitis ka pag tumakbo ka after mong kumain? Tsaka yung lunukin yung seeds (ano na nga Tagalog nito?!) ng kamatis?

  18. di ko alam yasmin if that’s true – but it sounds correct dahil the reason your appendix gets infected is when food and other stomach particles clog its port.

    seed is buto in tagalog. too much london creeping in? nakalimutan mo nang mag tagalog. hehe. uy, going home time is nearing. malungkot ka na?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *