kung madaan kayo dito sa singapore one of these days, make sure to visit the parks that are scattered all over the island. if you pay close enough attention, mapapansin ninyo ang isang grupo ng mga tao (both young and old) na naglalakad ng paatras. may nagpauso kasi rito ng backward walking as a form of excercise. alam ko, medyo parang gawain ito ng mga siraulo pero ang logic behind this activity ay para daw ma-excercise nila ang mga muscles ng legs nila na hindi ginagamit masyado dahil nga naman ang normal na paglakad ay paabante, hindi paatras.
based sa mga interview ng mga doctor dito sa singapore – wala naman daw effect ang paglakad ng paatras para sa mga muscles sa paa at delikado pa nga raw ito dahil magkakaroon ng strain dahil hindi raw normal ang body movements kung maglalakad ka ng patalikod. isa pa, naisip ko na mas malaki ang posibilidad na mabagok ang ulo mo pag hindi mo nakikita kung saan ka papunta pag naglalakad. pwede rin na masagasaan kayo ng mga nagbibisikletang tulad ko. in any case, patuloy pa rin naglalakad ng paatras ang grupong ito sa mga park hanggang ngayon at nakakatawa silang panoorin. ako’y may idea – gagawa rin ako ng sarili kong group. pero hindi paglalakad ng paatras kundi – paglalakad ng patagilid. tatawigin ko ang barkadahan na ito na “the crab mentalities“. ayos ba? pinoy na pinoy ang dating ano?
naaalala ko tuloy ang bukang bibig ng mommy ko pag nagagalit sa akin nung ako’y bata pa: “hoy batjay, tumugil ka sa kakulitan mo. tumatanda ka yata ng paurong“. for a long time when i was a child, i was bothered by this – ako ba’y babalik sa sinapupunan niya? magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? ang mga unano ba sa circus ay mga batang matitigas ang ulo?
Ang kuliiiiiiiiiiiiiiiiiit!!! Ibig ba sabihin matigas talaga ulo ko dahil maliit ako? Hmmmmm.
Weird ‘yang backward walking. Subukan kaya nila dito sa Pilipinas. Life-threatening.
makulit talaga ako ng bata pa ako. kaya nga tumatanda raw ako ng paurong, sabi ng mommy ko.
kahit kyut ako eh makulit pa rin ako hanggang ngayon. pero matangkad ako: 4’11
Gaya ng sabi ng Mommy mylab, ‘… tumigil ka sa kakulitan mo!’ hehehe
Joke joke! O di ba, makulit ka pa rin pero di ka naman naging unano… hehe.
Labyu! 🙂
hello mylabopmayn.
mahirap pag hindi ako makulit. ibig sabihin may problema.
BWAHAHAHAHAHA!
Nakapanood ako sa Discovery Travel na me isang mama na paatras ang lakad. Punong-puno ng salamin yung ulo. Weird!
Ganda ng picture nyo ni mahal. Haba ng nguso mo. hehe
baka nasabihan din yung mamang yung ng nanay niya na tumatanda siya ng paurong.
hahaha! si mahal na naman!
pag bumababa kami ng matarik at madulas na bundok eh patalikod. tapos pag tumatakbo naman sa mga pababang trail eh patagilid.
haha mahal ulit…parang nadistort yata ang face mo kasi di mo abot yung beso ni mahal.
Optimistic and cheerful fellow ka, BatJay. Wlang masama doon. Marami ka pa nga napapasaya. Keep it up, bosing. 🙂
FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!
eh ikaw ba nasasabihan ka na ng inang mo nang:
“Hoy, inanak lang kita! Pwede kitang ibalik kahit na saang lupalop ka man nanggaling!!!”
hehehe… naisip ko, tama ba yun?? as if naman mapapasok nya ako ulit sa tyan nya. diba weird?
NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!
nung bata ako, tinanong ko sa mommy ko kung saan ako nanggaling… sabi niya sa puwet daw niya.
tumahimik ako at hindi nakaresbak.
eh batjay may pinagmanahan ka rin pala eh. galing din sumagot ng mommy mo. na-i-spitsless ka tuloy. 🙂
hi jessie.
oo, alaskador ang mga parents ko. pati mga ate at kuya ko. di ko nga alam kung saan ako nagmana – napaka tahimik ko kasi – at mahiyain pa.
Hi Doc Emer!
Perpetual Optimist, that’s me. Yan ang layunin ko sa buhay – ang magpaligaya.
Salamat sa comment. Malapit nang mag pasko doc. Makakatikim ka na ng pepper steak. Hehehe.
Hi Mari.
OO na distort nga ang mukha ko. di ko kasi maabot dahil maliit. Ngyehehehe.
Hi Eye!
OO nga pala mountain climber ka ano… magaling ka palang maglakad ng patagilid.
Ako, magaling akong mag butterfly stroke! Kung ano man ang connection nito sa sinabi mo, hindi ko alam. Hehehehe.
hanep sa pagka-kissable nguso!
mahaba talaga ang nguso ko.