IKAW AY ANAK NG BABAING ASO

nabalitaan na ba ninyo yung isang singaporean blogger na nagsara ng kanyang website because he was threatened with a lawsuit? in fact before he shut down his site, he had to issue an “unreserved apology” (ano ibig sabihin nito? nag sorry ka na walang prior notice? parang pumunta ka na lang biglaan sa restaurant ng walang tawag and asked for a table?). actually – dalawang beses siyang nag apologize dahil the first one was “unacceptable”. siguro part yon ng settlement para hindi na ituloy ang demanda. yung blogger daw made some “defamatory statements kaya he was threatened with legal action. tanong: ano ba ang definition ng “defamatory statements“? kung may sinabihan ako na “ikaw ay anak ng isang babaing aso”, defamatory na ba yon?

ang point ko eh dapat ingat ka rin dahil ayaw mo yung hassle that a lawsuit brings. especially here in singapore kung saan medyo makitid ang definition ng kung ano ang libelous. hindi ba stifling sa creativity kung lahat na lang ng marinig ng big business or government ay ikinapipikon nila? yung mga ibang tao at mga ibang kompanya at gobyerno kasi ay parang mga nana. makalabit mo lang ng kaunti, puputok na. i know there are limits but to nip them in the bud… ah parang gusto kong kampihan yung studyante. paano na kung ma demanda ka dahil sa blog mo? saan ka tatakbo? do you have the money to defend yourself? sana may legal support ang mga blogger sa pilipinas ano? sigurado ako, mangyayari ito frequently as blogging becomes more popular. mas ok yung alam kong may magbibigay sa akin ng legal advise pag dumating ang pagkakataon na kakailanganin ko ito.

30 thoughts on “IKAW AY ANAK NG BABAING ASO

  1. Hmm, interesting naman itong case na ito Batjay, especially as it involves an apparent ruckus between an intellectual and a scientific agency.I think it is one lesson in being responsible as a blogger. Katulad din yan sa journalism, you cannot be baseless in quoting attributions and the like.

  2. oo nga, dapat responsible ka sa blogging and you can’t be reckless in what you write. pero sana di na umabot sa demandahan dahil student pa lang naman yung na threaten. sana kung parehas ang laban.

    inisip ko kasi, ginawang example ngayon ito sa signapore – ano na iisipin ng mga bata rito: i better not write about this dahil baka mademanda lang ako. stifling.

  3. hi batjay! pano kaya nila nahanap yung blog ng estudyante? baka may database ang government ng lahat ng blogs ng residents dito? napraning o. hihihi.
    or masama lang loob nila kasi he broke his bond kaya medyo binabantayan? hmmm….

  4. sa tingin ko, may mga nag mo monitor sa activity ng mga bloggers dito. madali lang naman ito – mag google ka lang. ang dami nang lalabas na information. kaya malamang yung site mo, naka monitor na yan. hehehe. kaya huwag mong sasabihin na hindi maganda rito. kaya ako, sa tagalog nagsusulat – para kaunti lang ang magbasa na pakielamero. BWAHAHA.

    baka nga nakabantay ano dahil nag break siya ng bond doon sa company na yon.

  5. hi jay,

    back to reality na naman, pauwi na kami ngayon at nandito na sa airport, I’ll miss the curry fishhead.

    me and my family would like to thank you, kita kita na lang tayo sa pinas.

  6. hamo unk. bat., bukas na bukas din ay idedefame kita sa site ko. tas kunwari idedemanda mo ko at magrereserved apology ako sa yo para ma-jario tayo.. pero ako din susulat ha para ako pa din ang kikita hehe.. ginawang negosyo eh no?

  7. pag sinabihan mo ako na ako ay ‘anak ng isang babaeng aso’, okay lang yon siguro dahil sport naman ang nanay ko. pero pag sinabihan mo ako na ako ay ‘anak ng isang babaeng asong ulul’, defamatory na yon. sumbong kita sa nanay ko.

  8. Bosing, thanks for the story and the url. Nakapag-post din ako ng entry about this. Medyo may pagkanana nga siguro ang establishment jan no? Pero tama ka, dapat ingat tayo sa mga pinagsususulat natin kasi hard evidence yan e.

  9. JENNYPENG!

    kamusta na diyan sa bayan ng puro yelo? malamig pa rin siguro ano? sige – gawa tayo ng defamation article. gagawa rin ako ng version ko tapos magdemandahan threat tayo kunwari demanding a public apology. tapos magpa interview ka sa channel 5 news – papayag naman siguro yon dahil mediacorp artiste ka di ba? pag na interview ka na s a TV, batiin mo kami ha!

  10. Merong ganyang kaso sa Pilipinas :). Me isang grupo na tumutulong para ma secure yong mga vulnerable sites sa Pinas. Me nag email sa kanila at sinabing isang media organization ay vulnerable… ginawa nila tiningnan nila ang site tapos nong na confirm nila na totoo, tinawagan agad nila yong me ari ng site. Agad naman inayos yong site kaya naiwasan na mahack, ang problema ngayon me kaso ngayon yong grupo na nag inform kasi mga hackers daw…. sinampahan sila ng kaso ng mismong organization na tinutulongan nila.

  11. Bat,
    two years ago may nakita akong website kung saan diniscuss yong mga pailalim na korupsiyon ng tinitingalang si Lee at ang kaniyang pamilya pati ang plano nitong ilagay ang anak bilang PM.
    Ilang punta ko lang doon, wala kaagad yong site na yon.

    Ito yatang istudyent na ito ay pinadala sa Estet at nakita niya kung gaano kalakas ang freedom of expression.

    Do we consider ourselves lucky for the freedom of expression that enjoy to the point that a retired general can incite sedition without being punished?

  12. hmmm kawawa naman ang aso kung malaman niyang ako pala anak niya, baka siyang kumaso sa yo bwahahaha

    pero sa issue na ‘to, kahit di ko alam ang mga paks, tingin ko kelangan may prudence factor sa writing, tipong basic rule na you substantiate claims. kung maging defamatory kasi ang isang statement, siguro ibig sabihin ay highly charged/connotative ang salita tapos wala namang support sa assertion na yon, and it’s being passed off as a truth claim. mahirap na kapag blog pa, dahil it’s a medium of impressionability. maraming tao yes lang nang yes sa nababasa nila, lalo na kung kakilala or friend, wala nang critical exercise. kaya it also takes guts to tell off a blogger you know kung may medyo off sa mga claims niya. it’s not meant to undermine the friendship but only perhaps to strengthen the logical bonds that accompany the emotional ties.

    as for the student, buti na lang singaporean siya at kahit papano, may datung. bwahaahaha

  13. Yelo? Nasa Canada na ba ulit si Jenn mylab? Di ko alam yun ah.

    Well, di mo naman talaga matitimpla ang sensitivities ng lahat ng tao. Kailangan lang talagang mag-ingat. Ang ironic dyan, como identified yung mga may-ari ng blog, whatever opinion they put down can always be used against them and be taken on for legal action pag may napikon, such as what happened in this case. Pero yung mga nagco-comment, dahil pwede silang mag-comment as anonymous, you can’t take legal action against them kahit minumura ka na kasi nga they almost always can’t be identified. Sabagay, who said the world is fair?

  14. batjay, interesting post. kung minsan hindi lang lawsuits ang risks ng blogging. meron din iba napatalsik sa trabaho kasi ni-blog nila ang bossing nila or for revealing company tittle-tattle. tama ka, mabuti pa nga siguro kung sa tagalog na lang sumulat.

  15. hey ka uro. welcome back. oo nga, nabiltaan ko yung mga natanggal sa trabaho dahil nag divulge ng mga company secrets (yung sa microsoft ang pinaksikat na example). yung iba naman dahil napag tsismisan niya ang mga kaopisina niya. ako, i try as much as possible never to talk about work or my office mates. kung mabanggit ko man, nasa periphery lang. it’s the safest way to blog – isa pa, my job is not worth writing about dahil mas maraming nakakatawang nangyayari outside of work. hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *