IF YOU’RE LOOKING FOR TROUBLE, YOU’VE COME TO THE RIGHT PLACE

oras na para maghamon ng suntukan kung…

1. natanggal ka sa trabaho at may nagtanong sa iyong kaupisina mo kung bakit maaga kang uuwi.

2. taeng tae ka na pagtapos may nakita kang dalawang bumbay na nag-uusap sa pinto ng toilet at hindi ka makapasok.

3. umorder ka ng chicken rice sa kainan malapit sa inyo at nakita mong nagkamot muna ng betlog yung tindero bago naghiwa ng manok.

4. kumakain ka ng manggang hilaw at may nagtanong sa iyo kung maasim.

5. natalsikan ka ng kumukulong mantika habang nagpiprito at may nagtanong sa iyo kung mainit.

6. nadapa ka sa gitna ng kalye sa harap ng maraming tao at may nagtanong sa iyo kung masakit.

7. nahulog ka sa hagdan at may nagtanong sa iyo kung ano ang nangyari.

8. yung bago ninyong anak ni misis ay kamukha ng family driver.

25 thoughts on “IF YOU’RE LOOKING FOR TROUBLE, YOU’VE COME TO THE RIGHT PLACE

  1. sorry ha, ginagawa ko kasi yung #4 sa iba. kahit ngiwing-ngiwi na yung face nila, i think automatic na sa akin yung “maasim?”.

    hindi ako lalaban!

  2. parang sukdulan na yung kahuli-hulihan. Hindi na away lang basta katumbas nun. Pero on second thought, at least alam mo na na ang pnalalaki mo e gagaling mag-drive balang araw.

  3. hi jay, eto at balik na naman ako mula sa aking hibernation… marami na akong na-miss na kuwento.

    para sa akin ay maghahamon ako ng suntukan, kapag mahaba ang pila at merong biglang sumingit sa harapan ko (except kung si ara mina!)

  4. uy Ate Ca T, nangyari na sa akin yan dito sa singapore. nakaupo ako sa dentist chair tapos ginawang holder ng drill yung bibig ko ng dentista. gusto ko ngang sapakin eh.

  5. ha ha ha walang hiya nangyari sa akin yung #2 bwiseeet tandang tanda ko pa sa may harison plaza ha ha ha di lang sila nakaharang sa pinto nakapila pa … grabe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *