If you’re going to tell people the truth, be funny or they’ll kill you

dear unkyel batjay, two weeks ka na pala diyan sa maynila. gusto kong malaman kung ano ang feedback mo tungkol sa pilipinas. in terms of the political atmosphere and the current economic condition. what do you think about the volatile events happenning in manila? do you think that the opposition will have enough clout to take the presidency from mrs arroyo? i am interested in finding out your opinion because i know that you are very intelligent. at pahabol – ang ganda nga pala ng mga bulaklak mo, lalo na yung lavender na gumamela. yun lang!

dear gentle reader, hindi lang intelligent – pogi pa. bwahaha. thank you – maganda talaga ang mga bulaklak ko ngayon. hayan ang sample. napakalalim naman ng mga katanungan mo. pilitin nating sagutin. una, may problema talaga sa pilipinas ngayon. hindi effective ang mga programa ng gobyerno dahil maraming corrupt. isa pa eh bagsak ang entertainment industry kaya maraming mga artista ang sumasali sa politika. tapos, mayron din namang mga nasa politika na sa pagaakalang sila rin ay pogi eh gusto namang mag artista. heto pa ang isa kong napansin: nakaka aliw ang mga commercial sa TV. karamihan rito ay tungkol sa shampoo na nakakapagtanggal ng balakubak. marami ring tungkol sa sabong panlaba. at ang isa siguro na kapuna puna dahil dito ko lang ito napapanood sa pilipinas eh maraming commercial ang tungkol sa gamot sa pagtatae. naghihintay na lang nga ako para sa paglabas ng “pantene with diatabs – ang shampoo para sa mga nagtatae”.

kung ako ang gagawa ng commercial, kukunin ko si kris aquino na model at ipapakita kong gumagamit siya ng shampoo habang nakaupo sa inodoro.

VOICE OVER: “kris, are you using pantene with diatabs again?”

KRIS: “keee-wreck!!!”

9 thoughts on “If you’re going to tell people the truth, be funny or they’ll kill you

  1. lolz… shampoo para sa mga nagtatae… tamang tama yan sa mga takot uminon ng gamot, hehehe… mantakin mo maliligo ka lang tapos mag shashampoo mawawala na yung pagtatae…. teka 3x a day ba yan?

  2. ngyahahahahaha. at kung meron ng shampoo para sa nagtatae…hindi na far behind ang sabon para sa mga may almoranas (almoranas ba sa tagalog ang ‘almoranas’? bisaya man gud ni).

  3. O di ba sabi nga, only in the philippines…

    shampoo na gamot pa sa diarrhea, aba kailangang ipa-authenticate mo iyan…

    Nice blog site!

    Nina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.