IF YOU TAKE A WALK, I’LL TAX YOUR FEET

deadline ng bayaran ng tax sa singapore itong april 15. kanina lang dumating ang mga tax forms ko. pakingsheet. may penalty pa naman ang late payment. what to do? simple lang ang solution – go online (which is what i did) at within 5 minutes, tapos lahat ang problema sa filing ng income tax. ang galing.

pwedeng magbayad dito ng tax over the internet. isang paraan ito para madaling kunin ng gobyerno ang pera mo. mwahahaha. ang konswelo de bobo ko lang eh pwedeng hulugan ang bayad. hahatiin ito in 12 monthly interest free payments. singapore has a procedure called GIRO na kung saan bibigyan mo ng authorization ang bangko mo na payagan kaltasan ang iyong account ng pera every month. it’s simple, efficient and it works.

pag inimplement kaya ito sa pilipinas, mababawasan ang mga kurakot sa BIR? iniisip ko ng matagal ito kagabi habang nagbibisikleta. sa sobra ngang pag iisip, di ko alam, baligtad pala ang pag suot ko ng aking helmet. hehe. kaya pala nakangiti lahat ng mga kasalubong kong bikers. akala ko pa naman, nakukyutan sila sa akin.

kakabasa ko lang ng newspaper ngayon habang kumakain ng lunch. as of yesterday daw, 600000 people out of the total 1.56 million taxpayers have already paid their taxes. this is about 40% total with two days to go.

and iterestingly enough, out of the total who paid so far, a big 71% chose to pay their taxes via the internet. wow… this is really great knowing how tech savvy the population has become already.

sana mangyari rin ito sa bayang magiliw. malaki ang maitutulong ng online payments sa gobyerno. bibilis ang processing time at mababawasan ang corruption.

FOR FURTHER READING: the PJIC has a great article on the BIR. it is very informative. pagkabasa ko, naintindihan ko kung bakit ang ganda ng implementation ng income tax payment scheme dito.

19 thoughts on “IF YOU TAKE A WALK, I’LL TAX YOUR FEET

  1. hey jay,

    ako naglakad sa downtown ng hindi parehong kulay ang sapatos pero parehong style. tinanong ng isang Puti kung saan ko nabili.Sabi ko sa Macy’s. Mamatay siyang maghanap.

    cathy

  2. hehehe… mylab talaga o… šŸ™‚

    Palagay ko hindi ubra sa Pinas yang sistemang yan e, o kung i-implement man, matagal bago makasanayan ng mga tao at makita ang efficiency nito. Una, matatakot ang mga tao magbigay ng authority sa banko kasi nga naka-inculcate na yung sense of distrust sa mga institutions. Pangalawa, sa baba ng suweldo sa Pinas, nagiging control freak ang mga tao. Mahirap magbudget tapos bigla na lang mababawasan yung inaasahan mong balanse sa account mo. Pangatlo, buti kung gawin yan ng mga mayayaman sa Pinas, yung pumayag silang automatically ibawas ang tax nila sa bank account nila… e di ba maraming hindi dinidisclose ang mga mapera sa Pinas?

  3. hello reyna ng mga pusa!

    salamat sa pagbisita. hehehe… mahilig ka palang nag technicolor dreamshoes.

    mwahahaha. mayron din ako dating ganyan nung highschool ako – crayons ata ang tawag doon nung araw.

  4. buti pa dyan, pwedeng 12 months installment ang bayad sa tax. dito 2 gives lang! sarap sana kung ganon kadali mag-file ng tax dito sa pinas no?

  5. hello mylabopmayn.

    baka naman pwedeng gawing mandatory ang online payments sa pilipinas. pwede siguro yon para di na dumadaan sa mga examiners ang mga papel.

    kaya lang nga – you have a point. iniisip ko, baka pwedeng unahin ang mga corporate tax payments before yung personal income tax.

    pahinga ka na!

  6. hi aya.

    oo nga. masarap nga rito, halos lahat ng transactions, pwedeng gawin by phone or online. from movie reservations to tax payments to credit cards.

    maganda nga at ma implement ito sa pilipinas. hindi lang tayo makakabawas sa pag putol ng mga punong kahoy, malaking tulong ito sa pag bawas ng corruption.

  7. kaya ako walang pang-blow out kasi last day ng bayaran ng tax ang bday ko. hahaha!

    sana nga magwork din dito ang online payments. pero buti na lang at hindi ako ang nagsa-submit ng mga forms (kawawa naman ang HR dep’t), kasi pamatay ang pila. ang pinoy pa naman, sanay sa last minute filing. tsk. tsk.

  8. nakakaiyak naman. deadline ng filing tas yung messenger namin may kakulangan sa utak. nakalimutan idaan sa opisina yung finayl nya, eh, dapat ipa-file pa yun sa SEC! namfotah, ako tuloy ang magpa-file bukas dahil yung messenger namin eh may outing daw. naknangtokwa! ang init sa SEC! ang layo pa! waaaaaaah!!!!

  9. Puede ba wag na lang magbayad…malaki pa ata napupunta sa mga kurakutis kesa sa tamang puntahan ng tax natin e. Pareho rin pala ang deadline natin…pero di na kami nagpafile ngayon actually last year pa, yung Alphalist na nasina-submit ng office ang binabasihan ng BIR ngayon, kaya no hassle sa amin ngayon, di na kami nagmamadali magfill-up.

    Ng email daw si Marie sa iyo di mo daw sinsagot, tungkol sa website na ginawa mo kay Carlo, kung nag-eexpire ba yon, kung kailangan daw ba niya i-save.

  10. ako nga dinala ko lahat ng Income Tax Return forms (mine and Eder’s) with me (to Malaysia) dahil i only remembered as i was leaving home. i managed to file it last weekend over the net while in KL…hehe! si eder kasi, ang alam lang sa internet, yung pagcheck ng 4D results at latest NBA scores! šŸ˜›

  11. hi ms. hanidinah. magbaon ka na lang ng walkman at magazine para di ka mainip sa pila. iwas pangungulangot din yon.

    lynne. wala naman akong natatanggap na email kay marie. sabihin mo sa kanya ulitin nya na lang. at saka nag usap na kami dati tungkol sa website ni carlo. di mawawala yon. ano ba yung alpha list? uy. thank you nga pala. for 12 years, ikaw ang umaayos ng income tax forms ko.

    hi leah. nasa malaysia ka pa rin? hehe…turuan mo kasi si eder sa computer para di lang puro lotto ang titingnan niya.

  12. basta ang alam ko, kaming govt workers lang ang judiciously nagbabayad sa bir kasi ala kaming kawala… kaltas agad!!!

    ewan ko sa govt officials ha?!

  13. eh di magaling… i think. sana nga may diyos para bigyan nya ng ketong lahat ng mga hindi nagbabayad ng tamang buwis. parang nung tulad ng time ni moses.

  14. Buti na lang office ko, naka enrol sa E-File. Kaya nagfile ako ng blankong form kahapon. Whew! Malabo yata in the very near future gawing E-filing sa Pinas. Ang ma-c-cater lang nun ay mga upper class na may internet access, which I think is konti lang compared sa general working population. šŸ™‚

  15. hi jennie – no problem.

    hi tin… actually, naisip na rin yang problema sa online payment dito sa singapore para doon sa walang internet access: naglagay sila ng 32 internet stations all over the island (complete with assistants standing by to help) para pwede ring mag online payments ang mga walang computers. isa pang option ang pag bayad through the phone.

    pwede siguro ito sa pinas, kahit small baby steps at a time.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *