IF YOU CAN’T BE WITH THE ONE YOU LOVE HONEY, LOVE THE ONE YOU’RE WITH

“A Reason to Believe”. a bit underrated as a song but could knock your socks off if delivered properly. ni record ko kagabi kasi naaasar na naman ako sa mga contestants ng singapore idol. bwakangnangyan. either sintunado or walang kalatoy latoy. yung iba nga sintunado na walang kalatoy latoy pa. ewan ko ba, di ko gusto ang style nila – puro porma, wala namang laman. to compensate sa masamang napanood ko, ako na lang ang kumanta. hehehe. isa pa, mabigat ang sipon ko ngayon. eh pag ganitong barado ang ilong ko at punong puno ng plema ang aking ngala-ngala, talagang masarap makipag lips to lips nagiging husky rocker’s bedroom voice ang boses ko. parang lalaking bonnie “total eclipse of the heart” tyler? ngyehehe. springsteen na bugoy, siguro. CLICK HERE to hear my version.

26 thoughts on “IF YOU CAN’T BE WITH THE ONE YOU LOVE HONEY, LOVE THE ONE YOU’RE WITH

  1. wow! first time ko pinakinggan ang sound file sa iyong website, naalala ko tuloy yung episode ng ally mc beal where vonda sheppard sang Reason to Believe.
    husky rocker’s bedroom voice nga 🙂
    so dapat ba talaga na love the one your with na lang? di na talaga pwede i-pursue si the one you love? 😀

  2. hey doc emer!

    crosby stills nash and young ang kumanta ng original version ng “love the one you’re with”. di ko alam kung mayron si lutherV na version. but the CSNY, masarap kantahin na group tapos lahat kayo may gitara. tama nga kay BongK itong kantang ito. hehehe. masabi nga kay tito rolly para makanta ito sa pasko.

    araw-araw nga ang kain ko ng orange doc. tapos may vitamin-c, calcium tabs, biogesic at neozep pa ako. medyo mabigat lang talaga ang sipon ko. pag may sipon pa rin ako bukas, kakantahin ko na talaga ang total eclipse of the heart.

  3. hallerr!!..lage po ako bisita dito,pati sa pansitan ni ate sienna,nakaka aliw kc lalo pag kunwari bising bisi o nagbibisi bisihan, kunting petiks muna..taray ng bersyun nyo, da best pang emote. sabay lakas ng speaker ko, lingunan mga opismeyt ko..”layb ba yan?”..ehee.

  4. kanginang binabasa ko to, naguluhan ako sa title. Alam ko Love the One you’re with ng CSNY yun kaya lang iba yata ang kinanta mo. Hindi mo maalala e wala akong sounds dito sa opisina. ngayong nabasa ko na yung sagot mo kay Doc Emer, tama nga pala ko. CSNY nga. Anyway, maganda ngang kantahin yan. Pag-aralan ko ulit. Isama na rin natin ang Suite Judy Blue Eyes, kaya lang madugo yun. hehe

  5. huy jay, springsteen na spreengsteen ang dating na pinaghalong lasing na Young at sinisinok na Nash hehehehehe okay na okay yang kanta mo hehehe feel na feel ang emotion, pero sabi nga ni Dr Emer orange juice at salabat lang ang katapat nyan hehehehehehe

    pasingit na din: Dr Emer, iba ang theme song namin ni Anna at eto ay ang makabagbag damdaming “Softly” na im sure ay alam na alam ni Tito Rolly hehehehe, (bakit ba si Tito Rolly na lang ang point of reference natin sa old songs hehehehe, Ka Rolly, musta ka na po?)

  6. Hanep, bedroom voice! Akala ko bagong gising ka nga eh. Like tito rolly nalito rin ako kasi alam kong si CSNY yung may kanta ng sa title. Pero yung kinanta mo di ba Carpenters yon? Nice song, wala bang blues dyan ka Batjay?

  7. fafaaaaaaaaaaaa… mamaya na ako ko-comment ha.. daming trabaho dito.. kakainis. hehehe.. (pero di ako reklamo kasi buti nga may work, diba? enjoi naman eh, stressed lang ako ngayon.)

    kaya mamaya, dahil weekend na, comment-queen ako ulit 🙂

  8. Bong K, ako ang reference kasi marami akong alam na kanta dahil ang mga kapatid ko ay matatanda na. Napakalaki ng age difference namin. Actually ang mga kinakanta ko mga John Mayer, yun kasi ang panahon ko. Matagal na no?

    Uy si Celia Kusinera mahilig pala sa blues. Magkakasundu-sundo tayo, hehe

  9. Speaking of idols, andito ngayon sa pinas si Jasmine Trias a! Kumanta sya ng Filipino song sa show ni Kris kahapon ng umaga. Maganda ang boses nya. Mukhang mabait pa talaga ang batang yun. Ang swerte naman nya, contracts here and there for endorsements. Kung si Unkyel BatJay kaya ang nagkaroon ng endorsement, anong product kaya yun? Pantapal ng utong version 3? hehehe

  10. dear the Ca T.

    sobra talaga ang bigat. nakatungo na nga ang ulo ko. at umiikot from side to side na parang si engot sa sobrang bigat. kanina nga – muntik nang malaglag ang ilong ko pag ikot ko sa paglabas ng bus. i cannot make sudden movements.

  11. hi kat.

    thanks. coming from a musician like yourself, that should mean something. oo ako rin yung amatuer guitarist who’se guitar playing sounds like a sintunadong ukelele. hehe. how’s your band coming along? have you started to play gigs? record?

  12. hi whatsOn.

    nakita ko nga ang massive plugging ng concert ni jasmine trias when i was in manila two weeks ago. she actually came over from here in singapore where the american idol finalists did a 1 night concert -their first outside north america… and she got good reviews over here because of her talent and charm.

    kung magkakaroon ako ng endorsement? siyempre, “Rubie Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit”.

  13. hey tito rolly. magulo ba ang title? i forget why i made this as the title. pero tama ka nga ay CSNY ito. at saka yung Suite Judy Blue Eyes din ay ok na ok. Hmm… tamang tama ay dala ko ang “4-way street CD nila rito sa singapore. mapatugtog nga mamaya.

  14. ABA! oo nga ano. hmmm…. kailangan marinig ko ito. alam mo naman na idol si ate karen the carpenter. SLN. ang lamig kasi ng boses niya. pag heart broken ka eh siya ang singer of choice para lalong maiyak.

    medyo ok na ang sipon ko kaya wala nang bedroom voice. bathroom voice na lang ang naiwan. ang masama eh sinumpong naman ang allergy ko. kaya for 3 days now, ang kati ng katawan ko. nag pa injection na nga ako ng gamot the other day pero this allergy has to run its course. normally, it takes a week before ito totally na mawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *